webnovel

Lavandeir's Revenge (Revised Version)

Underground Organization Series 1 : Completed Lavandeir Trinidad is an outcast of Elites College University. She was the only one who's a scholar student, the only reason why she was being bullied by most of the students. The leaders of the bullies are the Elites, which are consisting of few individuals who are part of the richest socialites. One day, someone offered her to be part of an organization. An organization which she didn't expect it to be existed in reality. She'll meet few new students which she started to suspect that they're also a member of that unknown organization. Will she trust them? A/N : This story was made since 2018 and completed in 2021. I just revised it to a new version but the plot, characters, and settings were still the same. The story consist of action, mystery, teen romance, betrayal, and love.

Parisfrans99 · Teen
Not enough ratings
51 Chs

His Name

"I asked you to guess not to cheat. Tsk!"

Napahiya naman ako doon. Tiningnan ko si Natsy na ngayo'y nag-peace sign. "Sorry dear, but we already had a deal about that. He already bought my favorite car."

Sumimangot ako sa sinabi niya. Akala ko pa naman... Hay! Hindi pa niya sinabing nasa likuran ko na pala si Ex.

"I always trust my instinct. And that instinct was you asking my cousin about it," sabi niya sa blankong expression.

Ang daya talaga. Tsaka hindi naman matatawag na cheating iyon eh! Wala naman siyang sinabing rules.

Tumabi sa akin si Ex at sinuri ang mga kinain namin. "Tsk! Same snacks," komento pa niya.

Nagbuntong-hininga ako. Ang hirap kaya e-guess ang pangalan niya. Kahit sabi pa niyang meron na akong clue, hindi ko pa rin matukoy ang name niya kahit isang linggo ko na iyong pinag-isipan.

Pangatlong wrong ko na nga kahapon eh.

"Excellone?"

"Wrong!"

"Excesian?"

"Wrong!"

"Exodus?"

"Nope! That's highly wrong!"

Hindi ko alam kung saan ako nagkamali. Kung sa first name ba or sadyang hindi ko lang talaga alam kung ilan ang name niya. Siguro may 2nd name siya? Baka may kasunod pa ang Ex?

"Vanvan, matutunaw na siguro si insan sa mga titig mo sa kanya! Hahaha!"

Napakurap agad ako sa sinabi ni Natsy at agad bumilis ang tibok ng puso ko sa hiya.

Kinunotan ako nang noo ng lalaking tinitigan ko raw tsaka siya napailing. Agad naman akong umiwas nang tingin.

"Baka kiligin pa iyan hahahahaha... Ha! Ha!" Naputol ang pagtawa niya nang siya naman ang tiningnan nang masama ni Ex.

Kung pwede lang sana ma-search sa Google ang napaka-kakaibang pangalan niya. Nagbuntong-hininga ulit ako at tinuon na lang ang aking attention sa isa pang chocolate cake na sobrang liit na lang. Nanghihinayang kasi akong ubusin agad eh. Ang sobrang mahal.

Nawawalan na sana ako ng pag-asa nang biglang nagkaroon ako ng idea kung saan ko makikita ang pangalan niya. Nakaramdam ako ng excitement at 'di maiwasang mapangiti.

Sa mga files!

Tiningnan ko na ang isang libro niya sa P.E noon pero 'Ex Hayate' lang ang nakasulat pati na sa projects at sa papel niya, kaya hindi ko pa rin alam ang full name niya. Kapag nagtatawag naman ng pangalan ang guro namin ay puro lang apelyido ang tinatawag at hindi pangalan.

Tinry ko nga noon na tingnan ang ID niya pero nakakapagtaka, 'di ko ito nakikita kapag sinisilip ko ito ng palihim. Palaging natatakpan ng mga bagay. May time pa na natutulog siya at sinubukan kong kunin ang ID niya sa bulsa sa pantalon. Pigil-hininga ko pang hinila ang lanyard na nakasabit, kaso ang dali niyang magising.

Mas lalo tuloy akong na-challenge!

Saan ko ba makikita ang files niya?

"If you're thinking about the files here, sorry to tell you but I was enrolled and registered here as Ex Hayate only."

Kinuha niya ang natirang chocolate cake na nasa platito ko at kinain iyon. 'Yong kaninang excitement na naramdaman ko ay agad na naglaho.

Binabasa na naman ba niya ang aking isipan? Or sadyang magaling lang talaga siya sa deductions?

Tiningnan ko si Natsy at napatawa lang siya sa akin at nag-peace sign. "Sorry for not telling you. Hindi mo kasi tinanong," sabi pa niya na tumatawa pa. Nakikita na nga gilagid niya sa kakatawa. Ang liit ng mukha niya pero ang laki ng bunganga kung makatawa. Pero cute pa rin siya tingnan.

Napatingin kami kay Ex nang bigla siyang tumayo at pumunta sa binilhan kanina ni Nasty. Maraming tumitingin sa kanya sa pagpila pa lang. Karamihan mga lalaki na nakakapagtaka. Kasi inakala kong mga babae lang 'yong maghahanga sa kanya.

'Ano kayang meron sa lalaking 'to?'

Napatingin ako sa paligid. Hindi masyadong marami ang nandito sa cafeteria kumpara kahapon. Hindi rin masyadong maingay kaya peaceful na sana kaso may mga estudyanteng nang-iirap sa akin. Pero sanay naman na ako kaya pinabayaan ko na lang. Mabuti na lang at hindi ko pa nakikita ang mga Elites. Isa pa sa ikinabahala ko.

"Grabe dalawa pala ang name na ginamit niya?" Tumango si Natsy sa tanong ko.

"The other one is his real name and full name. The other one ay 'yong ginagamit niya ngayon."

"Para saan naman?"

"For safety purposes at para hindi agad siya ma-trace."

"Ma-trace saan?" Kumunot ang aking noo sa sinabi niya. May alam kaya siya sa delikadong ginagawa ni Ex?

Possible iyon kasi magpinsan sila at close din.

"Don't think about it, okay?"

Hindi ko na lang siya tinanong pa, mukha kasing confidential.

Dumating si Ex na may dalang tray, nilapag niya ang pagkain at tumabi sa akin. Bumili siya ng dalawang chocolate cake at isang coffee in can.

'The coffee addict.'

Matagal ko siyang tinitigan tsaka nagbuntong-hininga.

"I give up," sabi ko sa kanya na ngayo'y kunot-noong binubuksan ang coffee in can. Sinulyapan niya ako na mata lang ang pinagalaw. Dahil naka-side view siya sa 'kin ay mas klaro ang matangos niyang ilong.

Mag-give up na lang ako kasi impossible namang malaman ko pa iyang mahiwagang pangalan niya, bakit ba kasi napunta kami diyan eh. Ang OA pa nitong lalaking 'to. Kahit pangalan lang eh. Kung hindi pa sinabi ni Natsy na Ex pala siya ay hindi rin iyan magpakilala.

Para namang may dumaang anghel sa aming tatlo at walang nagsasalita. Para nga akong nakarinig ng kuliglig dahil ilang sigundo na pero hindi pa rin siya nag-react sa sinabi ko.

"Pft! Bwahahhaha!"

Napatingin ako kay Natsy nang bigla siyang tumawa nang malakas. Tumahimik nga ang paligid maliban sa kanya na bumuhakhak pa rin sa kakatawa. Lahat ng nandito ay napatingin sa kanya. Lahat ng may ginagawa ay napahinto at napatingin sa kanya. Pati nga ang cashier ay huminto rin sa biglaang pagtawa niya nang malakas.

Siguro ang walang paki lang dito ay ang lalaking nasa tabi ko at enjoy na enjoy na sa pagkain ng cake niya.

"You're so... pft! Haha!" hinahampas-hampas pa niya ang mesa gamit ang kanang kamay habang ang kaliwa ay nakatakip sa bibig niya, malapit na rin nga siyang lumuha sa kakatawa.

Ang ipinagtataka ko lang talaga, anong nakakatawa? Mabuti na lang at nagpatuloy na ang takbo ng buhay ng mga taong nandito. Para kasing tumigil kanina ang oras at lahat sila napahinto.

"You're so dramatic! Are you shooting a drama here my dear? Pft!" Tumawa na naman siya. "I give up!" Sinunod pa niya ang tuno ko kanina pati na ang seryosong expression ko tsaka tumawa ulit.

"....?"

"You have those serious eyes while looking at him," sabi niya sabay turo kay Ex. "With oh-so-serious face na parang intense na intense pa hahaha parang sa drama. You look like a female lead that's still chasing his ex and give up! Bwahahah!"

Napakagat agad ako sa labi sa hiya. "Gano'n ba talaga itsura ko?" Sabay turo sa aking sarili.

"Yes indeed," baliwalang sabi ng lalaking nasa tabi ko.

...

Naglalakad kaming tatlo ni Natsy at Ex sa hallway ng 3rd floor. Papauwi na kami. Hinintay kasi nila ako. Siguro hindi busy 'tong dalawa lalong-lalo na 'tong si Ex. Naglalakad lang kami nang tahimik. Pagkarating namin sa ground ay biglang nagsalita si Natsy.

"By the way, meron na akong kanta para sa project natin."

Tiningnan ko siya. Si Ex wala na namang paki kung may nagsasalita ba o wala. Since medyo marami pa ang estudyanteng nandito ay marami na namang nakatingin sa amin. Yumuko nga ako kasi maraming nang-iirap. Nakasalubong pa namin ang naka-away ni Natsy no'ng sa CR, parang papatayin niya kami sa tingin.

"Ano naman?"

"Ako Sa 'Yo by Sue Ramirez."

"Hindi ko alam ang kantang 'yan."

"Huh? Ano pala ang alam mo? May alam ka ba?"

"Iyong mga kinakanta ni kuya."

Sumimangot agad si Natsy pagkarinig niya sa kuya ko. Para talagang may nangyari sa dalawa nang hindi ko alam. Ayaw na ayaw nila ang isa't-isa.

"What is it?"

Ito na naman itong lalaking 'to. Bigla-biglang sasabat, akala ko pa naman hindi nakikinig.

"Hindi ko kasi alam ang title eh."

"Ano ba ang kanta?"

"On the day that you were born the angels got together..." pagkanta ko.

Napahinto naman si Natsy at sinulyapan si Ex tsaka ngumisi. Ano na naman kayang naisip nito?

"You have a nice voice!" komento ni Natsy. Hindi ko alam pero nahiya ako sa complement niya. First time ko lang kasi kumanta eh sa harap pa nila.

"H-hindi uy 'nu ka ba?"

"Ano bang title no'n? Ba't parang maluma?"

Nagsimula na ulit kaming maglakad. Malapit na kami sa mini gate-- 'yong palagi kong dinadaanan-- dito kasi sila dumadaan kapag hinahatid nila ako. Hindi naman talaga hanggang sa bahay namin, sa gate lang nila ako ihahatid. Tumatanggi kasi akong magpahatid sa kanila. Pero minsan si Natsy, mapilit.

"Close To You ata?" hindi ko sure na pagkasagot. "Naririnig ko lang si kuya kumakanta n'yan. Mahilig kasi siya sa mga maluma."

Nang sobrang lapit na namin sa mini gate ay may nag-text sa phone ko kaya kinuha ko ito at tiningnan.

Napanganga ako nang kunti at napalaki pa ang mata. Sa isang linggo, ngayon lang ulit siya unang nag-text sa akin. Si Kim.

*Let's talk. Meet me at room 105. Commerce bldg. I have to tell you something important.*

Naramdaman kong tumingin silang dalawa sa akin nang napahinto ako sa paglalakad, pero hindi sila nagtanong.

Hindi ko na siya ni-replay-an pa at dali-daling ibinulsa ang cellphone ko. Tumingin ako sa magpinsan na ngayo'y nakakunot ang noo sa isa at ang isa ay wala pa ring paki.

"You look happy," saad ni Natsy.

Sumeryoso naman ako. 'Di ko namalayang nakangiti pala ako. Excited akong puntahan si Kim. Miss ko na rin siya at isa pa, ang daming tanong ang gusto kong itanong sa kanya. Hindi ako mapakali kung hindi kami nakapag-usap.

"Ahm..."

Muling nag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko ulit ito at kumunot ang aking noo nang mabasa ang text ni Kim.

*Dont let the cousin knw bout this Vanvan. Its bout them! Pls dont trust them too much you dont knw them!*

Mabilis kong pinatay ang screen ng phone at mahigpit itong hinawakan bago ko tiningnan silang dalawa.

"May nakita na akong paraan kung sa'n ko mahanap ang full name mo. Mauna na kayo. May pupuntahan lang ako," sabi ko kay Ex.

"Then I'll come with you."

"Huh? H-hindi na. Baka kunin mo pa 'yon at itago para 'di ko makita. Haha! Ihanda mo na ang prize ko Ex! Bye! Salamat pala sa paghatid!"

Tumakbo na ako agad at hindi na sila nilingon pa.

Agad kong tinungo ang room 105 na sinasabi ni Kim sa text.

Nang nasa-hallway na ako ay nakita ko si Kim na nasa labas ng room. Wala na masyadong estudyante ang nandito, at mukhang papauwi na rin sila. Kumaway ako sa kanya at ngumiti nang nilingon niya ako. Ngumiti rin siya pabalik pero pilit lang.

Napahinto ako saglit pero nagpatuloy agad. Parang may mali eh, base sa expression niya. Mukha kasing may bumabagabag sa kanya. Nakaramdam tuloy ako ng kaba.

"Kim!" sabi ko nang nasa harap ko na siya.

"I have something to tell you," direktang sabi niya. Alam kong pranka siya kaya diniretso na niya ako, pero bakit nararamdaman kong para siyang kinakabahan?

"A-ano 'yun?"

"Halika, sumama ka sa'kin."

...

Sumama nga ako sa kanya, pinagkatiwalaan ko siya sa mga sandaling ito...

Pero ang tiwalang binigay ko ay ang aking pinagsisihan sa lahat. Alam kong may rason siya pero...

Pero bakit...

Bakit niya ito nagawa?

"I won't say sorry Van. Blame the cousin for this. It's their fault... It's Ex fault why Jax Blaine changed his mind and let you stay here..."

....