webnovel

Lavandeir's Revenge (Revised Version)

Underground Organization Series 1 : Completed Lavandeir Trinidad is an outcast of Elites College University. She was the only one who's a scholar student, the only reason why she was being bullied by most of the students. The leaders of the bullies are the Elites, which are consisting of few individuals who are part of the richest socialites. One day, someone offered her to be part of an organization. An organization which she didn't expect it to be existed in reality. She'll meet few new students which she started to suspect that they're also a member of that unknown organization. Will she trust them? A/N : This story was made since 2018 and completed in 2021. I just revised it to a new version but the plot, characters, and settings were still the same. The story consist of action, mystery, teen romance, betrayal, and love.

Parisfrans99 · Teen
Not enough ratings
51 Chs

Gone

Third Person

...

"Nakita ni'yo ba ang kapatid ko?"

'As expected, 'yan talaga ang itatanong niya,' sa isip ni Natasha.

Agad lumapit si Xian sa magpinsan. Hindi na niya naabalang umupo.

Nagkatinginan naman sina Natasha at Ex tsaka nagbuntong-hininga si Natasha. Kinalimutan na muna nila ang galit sa isa't-isa. Nakalimutan nila iyon dahil iisa lang ang kanilang iniisip at pag-aalala.

"Hindi rin namin alam. Nagtataka nga ako bakit absent siya sa first subject," pagsisinungaling ni Natasha.

She felt guilty but she doesn't have a choice. They also don't know where is her friend.

Pagkarinig ni Xian n'on ay agad siyang napahawak sa kanyang buhok at sinuklay ito pataas gamit ang kanang kamay niya. Napuno ng pag-alala ang kanyang mukha at hindi niya iyon maitatago.

"Kailan ni'yo siya huling nakasama?"

"Kahapon lang. Sabi niya kasi may gagawin pa daw siya at mauna na kaming umuwi." Mas lalong nadadagdagan ang konsensya ni Natasha sa mga kasinungalingan niya. Well, totoo naman ang sinabi niya kaso hindi kompleto.

Wala namang imik si Ex sa tabi.

Hindi kasi pwedeng sabihin na binully ito. Baka pa mas mag-panic si Xian.

Malalim na nagbuntong-hininga si Xian at ginulo ang buhok niya sa inis. Habang sa tabi naman ay si Ex na nananahimik at malalim ang iniisip.

Biglang tumunog ang cellphone ni Xian. Kinuha niya ito at nakitang may tumawag sa kanya pero unknown number. Nakita naman ng dalawang magpinsan ang pagkunot niya ng noo.

"Hello?"

"Don't worry too much about your sister. She's safe," iyon lang ang sinabi at agad na pinatay ang tawag.

"T-teka!"

Napalingon siya sa dalawa at nakita ang mga nagtatanong nitong mga tingin. "Unknown number..."

"Anong sabi?"

"Huwag daw akong mag-alala sa kapatid ko, safe daw siya."

Pagkarinig n'on nina Natasha ay nagkatinginan silang tatlo. Kinakabahan sila na ewan hindi nila ma-explain ang kanilang nararamdaman. Napatayo pa talaga silang tatlo. Agad naalerto si Ex at agad nagkaroon ng idea... at sana ay useful ang ideyang 'yon.

"Lend me your phone! Let me trace the number," sa wakas ay nagsalita na si Ex.

"A-alam mo? Pa'no?"

"I just know!" maikling sagot ni Ex. Nakakunot pa ang noo nito at magkasalubong ang dalawang kilay.

Binigay naman ni Xian ang phone niya kahit nagdadalawang-isip siya. Tinanguan naman siya ni Ex, sign na aalis na ito.

"I'll get back to you as soon as possible!"

"Sasama ako!" sabay pang sabi ng dalawa.

"Stay here! I'll be quick!"

Nagulat pa siya sa kasungitan ni Ex pero binaliwala na lang ni Xian iyon.

"Okay! Hanapin mo ang kapatid ko ano man ang mangyari! Nakikiusap ako sa 'yo! Ikalawang beses na itong nangyari kaya akala ko natutulog na naman sa bahay niyo. Pero ngayon hindi ko na alam! Noon pa man parang may tinatago na siya sa 'kin at inaantay ko lang siyang magsabi sa 'kin. May alam ba kayo? Kung anong nangyayari sa kapatid ko?"

Nagkatinginan naman ang magpinsan. Tinanguan si Natasaha ni Ex tsaka umalis na.

Pagkaalis ng kanyang pinsan ay napatingin siya sa lalaking kinaiinisan niya. Nakatangin pa rin ito sa kanya na hinihintay ang kanyang sasabihin pero nananatili lang na tahimik si Natasha dahil hindi niya alam paano niya ito sagutin. Kaysa may masabi pa siyang iba ay umiwas na lang siya ng tingin at umupo.

"Let's wait! Let's just hope na walang mangyaring masama sa kanya," seryosong sabi ni Natasha at pinipigilan ang kanyang tuhod. She keeps fidgeting since yesterday. She cannot calm especially after what Ex told them what he witnessed in the gym.

"Tatawag na lang kaya tayo ng pulis?"

"No! That won't do!"

"At bakit?"

"Manahimik ka diyan kung ayaw mong gulpihin kita ulit!" inis na sabi ni Natasha.

Sinabi niya lang iyon para takutin at para hindi na siya magpapalusot pa ng kung ano-ano. Alam niyang matalino si Vanvan kaya hindi impossibleng baka matalino din ang kapatid nito. Baka masabi pa niya ang totoo.

"May karapatan akong magtanong dahil kapatid ko ang nawala! Huwag mo akong inisin babae, iba ako magalit!"

Nagulat si Natasha nang nag-iba ang tono ng boses nito, halata na nagtitimpi ito ng galit. It's like this person is wearing a façade. Kumunot ang noo ni Natasha nang makabawi siya sa gulat.

Tinaasan niya ito ng kilay at tsaka mabilis na tumayo at hinablot ang neckline ng t-shirt na suot ng binata. Nagulat naman si Xian at biglang natakot sa dalaga.

'Ang lakas ng babaeng 'to!' sa isip niya nang hilahin siya ng dalaga papalapit kaya napapatayo siya.

"Try me! Iba din ako magalit, lalo na kung may mangyaring masama sa kapatid mo! Handa akong pumatay ng tao 'pag nalaman kong may mangyaring masama sa kanya! Mahalaga pareho sa atin si Vanvan and we'll do everything to find her!"

Wala sa sariling napalunok si Xian. Kahit kailan, natatakot talaga siya sa babaeng 'to simula nong sinipa at sinuntok siya nito.

Pero natutuwa siyang malaman na may ganitong kaibigan ang kanyang kapatid.

Dahan-dahan at may pag-iingat niyang hinawakan ang magkabilang balikat ni Natasha at unti-unti niya itong inilayo sa kanya dahil sobrang lapit ng mukha nito sa kanya. Takot siyang baka kagatin siya nito. Para siyang isang kuneho na tinatakot ng isang tigre.

"O-okay! Kalma! Kalma! Umupo ka muna at huminga nang malalim... H-Haha! Inhale! Exhale!"

Dahan-dahan niya itong pinaupo tsaka tinapik niya ang kamay ng babae na nakahawak pa rin sa neckline ng kanyang t-shirt.

"Pwede mo nang bitawan. At hindi mo kailangang pumatay ng tao!"

Nang kumalma ang dalaga ay napahinga siya nang malalim.

"Ang brutal ng babaeng 'to!" bulong niya. Pilit niya naman itong nginitian nang samaan siya nito ng tingin. Narinig kasi siya.

Natahimik na ulit silang dalawa at hindi nagpapansinan. Malalim ang iniisip ni Natasha habang si Xian ay panay buntong-hininga dahil sa pag-aalala.

Hindi na naisipan ni Natasha na pumasok since wala rin naman siyang gana. Naghihintay lang silang dalawa sa greenhouse at hindi nag-iimikan. Tinitigan niya ang kapatid ni Lavandeir. Hindi naman ito nakatingin sa kanya at nakatingin lang sa pintuan ng greenhouse.

Ngayon lang niya iyon natitigan at hindi niya alam na malinis pala ang mukha nito at nababagay sa buhok nitong kulay brown na medyo perm or baka wala lang siguro itong suklay. Maganda din ang mga mata nito. Tiningnan niya rin ang kamay nito at nagulat pa siyang ang ganda ng kamay na parang pambabae. Properly nailed din ito. Maayos din naman itong manamit pero mukhang nagmamadali ito kasi nagkalukot-lukot ang damit nito.

Nakita niya itong nagbuntong-hininga ulit kaya nagi-guilty na naman siya. Naiinis man siya rito pero naaawa siya.

At the same time, hindi mawala sa utak niya kung sino ang tumawag kay Xian kanina. She's sure that that person is the one who got her friend. She wonder who is it and what's the reason.

Hindi din nila makita ang katawan ni Martin. Sinabi daw ni Jax kay Ex na may pinatay silang nag-aaligid sa kanila at sigurado silang si Martin iyon.

...

Nagising naman ang Elites sa mini gym. Unang nagising si Reid at napatingin siya sa kanyang paligid. Sumasakit pa ang ulo niya sa hindi malamang dahilan pero hindi niya iyon ininda nang makitang nakahilata rin ang mga kasamahan niyang walang malay.

Tiningnan niya ang wristwatch at nakita niyang malapit ng mag-alas sinko.

"Guys wake up!"

Isa-isa niya itong niyuyugyog. Mabuti na lang at nagising sila isa-isa. Lahat sila nagtataka sa nangyari. Lahat sila walang kahit anong ideya kung ano at sino ang may gawa nito sa kanila. Hindi naman sila nasugatan, wala rin silang nakalaban kagabi kaya paano ito nangyari? Bakit nawalan sila ng malay?

"What the hell happened?" maarteng sabi ni Elayah habang nakahawak sa kanyang ulo.

"The last thing I remember is that loser was crying in pain, asking for help then I felt like I'm dizzy and my vision became blurry," sabi ni Kei habang shini-shake ang kanyang ulo para mawala ang sakit nito.

"Oh my! This is somewhat creepy!" Umalingawngaw ang matinis na boses ni Mae. Nandidiri pa ang mukha niya habang pinapagpagan ang kanyang damit. "Gross!" react pa niya nang na-imagine niyang nakahiga siya sa semento.

"We will figure it out! Let's check the CCTV all over the vicinity especially here. We will find out and punish who the hell did this!" may giit na sabi ni Jax. Hindi siya makapaniwala na nasira ang plano na matagal na niyang plinano.

'Yung pagsabayin ang pag-bully sa loser at pagdakip sa isang myembro ng Black Org para mamili si Ex kung sino ang unang sasagipin.

Ang hindi niya alam ay inunahan na pala siya sa plano niya. Timing na may kailangan si Ace sa Dai-2 at nakapagplano agad siya ng moves. Tama! Si Ace ang pasimuno nitong lahat kasama ang isang grupo. Ang grupo na binuo ni Ace na kahit sino walang ibang nakakaalam maliban sa kanya at kay Gold Eye Emperor.

Makikita ang galit sa mga mata ni Jax. He even clinched his teeth. "That bastard!" tukoy niya kay Ex. Ang akala niya ay si Ex ang may gawa nito pero hindi nila--niya-- alam na may nagmamasid pala sa kanila sa mga oras na 'to.

Sinabihan niya ang members niya na hindi na muna sila papasok dahil hahanapin nila at aalamin ang tunay na nangyari.

Nabato pa niya ang cellphone niya nang tinawagan siya ng ibang tauhan na patay ang lahat ng members ng Dai-2 at ibinalita sa kanya na nakawala ang isang myembro ng Black Org.

Tinawagan na rin niya ang ibang myembro ng Yumi Empire at ibinalita ang nangyari.

"Teka nawala ang video recorder." Napatingin silang lahat kay Clent na hindi mapakali. "Nando'n 'yong video ni loser kung saan natin siya binully."

Yes, kinunan nila ito ng video para sana ipadala niya kay Ex. Gagamitin niya iyon para pam-blackmail.

Sa hindi kalayuan ay may nagmamasid sa kanila gamit ang binocular. Nagtatago siya sa isang punuan kung saan makikita niya ang mga Elites. Pinindot niya ang earpiece at naghahanda nang umalis.

"They're now awake."

"How about the things that I told you?" sabi ng nasa kabilang linya.

"I already got it." chineck niya ang mga CCTV records tape na nakuha niya sa system ng ECU at sa headquarter ng Elites dito sa loob ng campus. "Na-delete ko na ang mga records ng CCTV at napalitan ko na ito ng bago pati na rin ang pagdating ng leader ng Black Org sinama ko nang e-delete."

"Good! Be here at the said time," sabi ng nasa kabilang linya at pinatay na ang tawag.

...