webnovel

Lavandeir's Revenge (Revised Version)

Underground Organization Series 1 : Completed Lavandeir Trinidad is an outcast of Elites College University. She was the only one who's a scholar student, the only reason why she was being bullied by most of the students. The leaders of the bullies are the Elites, which are consisting of few individuals who are part of the richest socialites. One day, someone offered her to be part of an organization. An organization which she didn't expect it to be existed in reality. She'll meet few new students which she started to suspect that they're also a member of that unknown organization. Will she trust them? A/N : This story was made since 2018 and completed in 2021. I just revised it to a new version but the plot, characters, and settings were still the same. The story consist of action, mystery, teen romance, betrayal, and love.

Parisfrans99 · Teen
Not enough ratings
51 Chs

First Task

Mabilis lang ang araw nang dumaan ito. 'Di ko namalayang tatlong araw na lang ay pasokan na ulit. Sina Kern 'yong tumutulong sa 'kin kapag aalis si Mr. Jackson, pero minsan lang iyon kasi minsan lang naman aalis si Mr. Jackson.

Patagal nang patagal ay mas lalong nagiging mahirap 'yong training na parang minsan gusto ko nang sumuko. 'Yong feeling na isang araw lang pero parang isang buwan na. Ang tagal ng oras. Ang dami kasing pinapagawa sa akin ni Mr. Jackson, feeling ko mamamatay na yata ako.

Bali sa umaga ay tinuturuan ako tungkol sa pagbabaril. Oo, pagbabaril. Una parang gusto ko nang umatras kasi naisip kong hindi na maganda 'tong napasukan ko. Pero sabi nila ay kailangan daw ito. Naiintindihan ko naman sila, hanggang ngayon hindi pa rin kasi ako makapaniwala na may ganito palang trabaho at mga uri ng tao. Balewala sa kanila ang pumatay.

Pangalawa ay ang stamina ko. Sinasanay nila ang katawan kong makayanan kahit ano mang hirap at ano mang mangyari. After lunch naman ay fighting skills pati na ang pagde-defense. At sa gabi ay inaaralan ko ang pag-a-assemble ng iba't-ibang klaseng baril. Minsan nga dinidisturbo ako sa pagkain, kailangan kong makipag-away kay Mr. Jackson o kay Kernel kahit kumakain ako. Kung hindi, mamatay ako sa gutom.

"What if may aatake sa 'yo? Aantayin ka pa ba ng kalaban para lang kumain?" nakapamewang pang sabi ni Mais no'ng isa sa mga araw na iyon habang may hawak walis!

Sa mga sumunod na araw ay binalik nila ang piring at high heels ko at 'di na tinanggal 'yon hanggang kahapon... Kahit maligo, kumain, magbihis, at mag-CR!

Isang beses nagreklamo ako kay Mais, kay Master kasi hindi ako makapagreklamo, at sinagot lang ako ng walang kwenta niyang sagot.

"Hanapin mo ako. Pakiramdaman mo ang presensya ko. Kung hindi mo 'ko mahanap, it's no milady! No, you can't alis the piring earlier than a week! You still have three days to go para 1 week ka nang masanay!"

"Kakayanin ko! Hahanapin kita!"

"Good luck! Even the Black Org cannot feel my presence! Fighting! Fighting! I will grant you something if you will be able to feel my presence!"

"Something?"

"I will let you steal my precious popcorn! No one can steal it from me so make this your motivation!"

Hindi na ako sumagot sa kanya no'n dahil ayokong mahawa sa ka abnoyan niya. Pero totoo naman, ang bilis ng kamay niya. Kukuha ka pa lang ay mapapalo ka na niya.

Si kuya? Hindi niya alam lahat ng ito kasi pagkatapos ng pasko ay umuwi na siya sa syudad. 1 week leave lang kasi siya sa Mcdo kaya dapat na niyang umuwi. Kaya n'ong new year ay ang myembro lang ng Aeon at si Mr. Jackson at si lolo lang ang kasama ko. Minsan umaalis ang iba sa kanila dahil may mga mission sila na hindi ko pa rin alam kung anu-ano ang mga iyon. Alam ko lang ay delikado.

Isa-isa ko silang nakilala at kung anu-ano ang double identity nila pati 'yong ibang estado nila sa buhay. Nalaman kong mag-boyfriend at girlfriend pala si kuya Hero at ate Violy. Nalaman ko ring mas close 'yong tatlo, sina Kern, Ethird at Marj since sila lang ang magkalapit sa edad.

Minsan ay napapasama na ako sa kanila. Nalaman ko ring hindi na mabilang sa kanilang mga kamay kung ilang tao na ang napatay nila. No'ng una hindi ako makapaniwala at ilang beses ko nang gustong tumigil pero unti-unti ay naiintindihan ko sila.

'Kung hindi ka papatay, ikaw ang mamamatay,' naalala ko pa ang sabi ni Marj sa 'kin noon.

Sa loob ng dalawang linggo't kalahati ay hindi madali sa 'kin ang lahat. Kulang ang oras at araw para matutunan ko lahat ng natutunan na nila. Pero mabilis ko lang naman nakabisado lahat pero hindi ko pa ma-apply ang natutunan ko sa aking sarili. Ang dali lang kabisaduhin kaso ang hirap gawin kapag actual na.

Kahapon ay bumalik na kami sa city. Akala ko tapos na ang training ko kaso hindi pa pala. Binigyan ako ni Mr. Jackson ng isang task bago magsimula ang klase. At kapag magawa ko ang task na 'yon ay bibigyan daw ako ni Mr. Jackson ng prize. Hindi lang 'yon, pati na rin ang huling larawan ni papa ay ibibigay niya sa 'kin. Kaya gagawin ko ang lahat magawa lang ang task na 'yon at makuha ang larawan niya. Hindi ko pa nakikita ang mukha niya kaya ginawa kong motibo 'yon.

Hindi pa alam ni kuya na nandito na kami kasi hindi niya pwedeng malaman ang tunay na dahilan. Sinisigurado rin ni Mais na hindi malaman nila Natsy na nandito na ulit ako. Nag-book lang kami ng tatlong room sa isang hotel. Si kuya Hero at ate Violy ay magkasama sa isang room. Si Ethird naman at si Kern, tas kami ni Marj.

Ngayon? Naglalakad ako mag-isa papasok sa isang mamahaling club na naka-disguise. Hindi man ako komportable sa pinasuot nila sa 'kin pero kailangan. Hindi ako makapagreklamo kapag si ate Violy na ang nag-suggest.

Nakasuot ako ng isang black bodycon dress na hanggang hita. Sobrang ikli nito at fitted din. Mas nakakailang pa kasi kitang-kita 'yong cleavage ko. Sleeveless din siya. Aaminin kong hindi talaga ako komportable. Pinasuot din nila sa 'kin 'yong mamahalin pero simpleng design na kwentas. Black 'yong pendant nito at plus sign. May maliit na camera na naka-install dito para malaman nila ang mangyayari sa loob. Gan'on din 'yong style ng bracelet na pinasuot din nila sa 'kin.

Dahil medyo sanay na ako sa pagsuot ng mataas na heels ay hindi na big deal sa akin. Black high heels din ito at 'yong sling bag na dala ko ay silver. 'Yong buhok ko ay medyo ginulo nang kunti ni Marj para raw intimidating at sexy tingnan. Pero may dala akong short hair na wig na nasa bag ko. Wala akong ibang dalang armas like baril or dagger para iwas hinala. 'Yong dala ko lang ay 'yong spray na bigay ni Mr. Jackson sa 'kin. Marami na akong stock n'on kasi binigyan pa ako ni Mais kahapon.

Hindi ko rin suot 'yong eyeglasses ko at pinasuot lang nila ako ng contact lenses. Same color ng mata ko pero mas malaki 'yong iris nito na parang barbie doll or 'yong tinatawag nilang doll eye. Light lang din 'yong make up na nilagay ni Marj kanina.

Ako lang mag-isa ang papasok kasi ako lang naman ang gagawa ng task. Habang sina Marj, Kern, at Ethird ay nasa van lang at mino-monitor nila 'yong mga CCTV at mga naka-install na device kung saan maririnig nila ang nasa loob ng room na pupuntahan ko. Sumama silang tatlo kasi in case na hindi ko magawa 'yong task ay matutulungan agad nila ako. Nakasuot kasi ako ng earpiece sa kanang tenga at natatakpan ito ng aking buhok.

Nang nasa loob na ako ay mas lalo kong naramdaman ang sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung makakaya ko bang gawin 'to. Sumalubong sa 'kin ang napakaingay na paligid. Maraming naghihiyawan at sumasabay sila sa napakalakas na sound na mula sa mga malalaking sound box. Nakakasakit din sa mata 'yong iba't-ibang kulay ng ilaw. Ngayon lang ako nakapasok sa ganitong klaseng lugar. May idea na ako kung anong itsura ng lugar na 'to base sa mga sinasabi ng mga kaklase ko noon. Pero hindi ko aakalaing ganito pala ka wild dito.

Hindi ko na pinansin ang mga ginagawa ng tao dito at...

"Van... Nasa VIP room sa second floor, sa pangalawang room from the left 'yong target mo. Seems like they're changing location and they just inform kuya Hero just now." narinig kong sabi ni Marj galing sa earpiece ko.

Palihim kong inilibot ang aking mata para hanapin ang room na 'yon at kung saan ako pwedeng dadaan. Hindi pa rin nawawala ang kaba na nararamdaman ko kaya nagbuntong-hininga ako. Nang makita ko na kung saan ako dadaan papunta ro'n ay may biglang lumapit sa 'kin na lalaki.

"Seems like may hinahanap ka gorgeous?"

Ngumiti siya sa 'kin pero hindi ako ngumiti sa kanya. Hindi ko siya kilala kaya tinaasan ko lang siya ng kilay para ipaalam sa kanyang hindi ako makikipag-flirt. Salamat sa advice ni Marj noong nasa hotel pa kami.

Matangkad siya at may maikling brown na buhok. Gumilid ako para makadaan. Hindi naman na siya nagsalita pa kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.

"My God Van! You should have flirt with that hot guy! I know I told you how to not interact but you seems so awkward! Mahahalata ka," sabi ni Marj sa kabilang linya.

"It's her first time. She still didn't know how," mukhang walang paking sabi ni Ethird.

"Well, tuturuan ko na lang siya someday! The art of seduction by Marj!"

"Patay tayo kay master at sa kuya niyan. Iba pa naman magalit ang mga 'yon."

"Master will understand 'cause it's part of the mission and her brother will never know!"

Hindi ko na pinansin ang mga pinagsasabi nila at patuloy na tinungo ang room na 'yon. Mas nauna nilang nalaman na grabe magalit si kuya. Isa kasi sila sa nag-stalk kay kuya noon. Isa rin 'yon sa task nila na utos ni Mr. Jackson kaya alam nila kung pa'no ito magalit. At hindi ko pa rin ma-picture out si kuya, abnoy pa rin siya.

Nang nasa harapan na ako ng room. Huminto muna ako at hindi na lumingon. "May nakatingin ba sa 'kin?" mahinang tanong ko kina Marj.

"No! Bilis pumasok ka na. Sasabihan ka lang namin kapag may makita kami. Don't worry, we control the CCTVs and 'di ka namin pababayaan. Gawin mo lang 'yong task mo."

Nagbuntong-hininga ako tsaka bubuksan ko na sana 'yong pinto nang biglang nagmura si Mais.

"Wait Lava! Tangina!"

"Sht! Why the hell he's inside? He's really sneaky!"

"B-bakit?" kinakabahan kong tanong. Sinong tinutukoy niya?

"Hindi kasi namin nakita kanina since naka-disguise rin siya as body guard of Mr. David."

"Sino?"

"Isa sa magpinsan na kaibigan mo."

"A-ano?"

...