webnovel

Lavandeir's Revenge (Revised Version)

Underground Organization Series 1 : Completed Lavandeir Trinidad is an outcast of Elites College University. She was the only one who's a scholar student, the only reason why she was being bullied by most of the students. The leaders of the bullies are the Elites, which are consisting of few individuals who are part of the richest socialites. One day, someone offered her to be part of an organization. An organization which she didn't expect it to be existed in reality. She'll meet few new students which she started to suspect that they're also a member of that unknown organization. Will she trust them? A/N : This story was made since 2018 and completed in 2021. I just revised it to a new version but the plot, characters, and settings were still the same. The story consist of action, mystery, teen romance, betrayal, and love.

Parisfrans99 · Teen
Not enough ratings
51 Chs

Deal with Mr. David

Lavandeir's POV

"A-ano?"

"Yong lalaking Hayate."

Hindi ko ma-control ang panic. Bigla akong kinabahan at sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko, parang nahihirapan akong huminga.

'Bakit nandito siya? Ano dapat ang gagawin ko?'

Nagdadalawang-isip ako kung itutuloy ko pa ba ito o hindi. Kaso 'yong prize na ibibigay ni Mr. Jackson ay mahalaga sa 'kin. 'Yong larawan ng aking ama.

Umalis muna ako sa harap ng room at hinanap ang comfort room buti na lang ay madali ko lang itong natunton. May ibang tao pa sa loob at 'di naman sila nagtagal do'n at umalis na. Dali-dali kong sinara ang pintuan ng comfort room at tiningnan isa-isa ang cubicle. Humarap ako sa salamin nang makomperma kong ako na lang ang tao rito. Ibang-iba ang itsura ko sa tunay na ako.

Huminga ako nang malalim at pinikit ang aking mata. Hindi muna ako padalos-dalos at dapat kong kumalma. Ano man ang mangyari ay dapat matapos ko ang task na 'to kaya gagawin ko ang lahat magawa ko 'yon nang hindi nahuhuli ni Ex.

'Ba't pa kasi siya nandito? Ito ba ang tinatago niya sa 'kin? Na isa siyang tauhan sa isang taga Yumi mafia? Kung gano'n, hindi talaga kami magkakampi.'

'Teka! Disguise as bodyguard? Anong ibig sabihin nito? Kakampi ba talaga siya ng client ng Yumi?'

"Mahahanapan na 'tin ng paraan 'yan. Pupunta ako diyan para back-up. Kaya gawin mo lang ang task mo," rinig kong sabi ni Kern. Tumango naman ako kahit hindi niya makita. Kahit may camera 'yong kwentas na suot ko, hindi niya pa rin makikita ang mukha ko sa reflection ng salamin.

"Kami na bahala ni Ethird dito. Keep safe guys."

"Pagtapos na kayo, do'n kayo dadaan sa back door. Inform niyo lang kami kung lalabas na kayo so that we can make a way there," kalmadong sabi ni Ethird. Gusto kong gayahin ang pagiging kalma niya kaso ang hirap!

'Kilala ko si Ex. Napakatalas pa naman n'on!'

Tiningnan ko muna ang repleksyon ng sarili ko sa salamin at nagbuntong-hininga. Makakaya ko ito lalong-lalo na nandiyan sila para tulungan ako. Nagi-guilty tuloy ako. First task ko tas nagkaproblema pa.

Lumabas ako sa comfort room at dahan-dahang tinungo ang second floor. Nakita ko na naman 'yong lalaking nakipag-usap sa 'kin kanina pero ngayon hindi na niya ako kinausap o pinansin. Nang dumaan ako sa harap niya hanggang sa dito sa second floor ay ramdam ko ang titig niya. Nilingon ko ulit ang bar counter at pinasadahan siya ng tingin. Nakatitig pa rin siya sa 'kin at nakita kong may hinawakan siya sa tenga niya. Mukhang may kutob akong nakasuot siya ng earpiece o ano kasi bumubuka 'yong bibig niya na parang may kausap siya. Nakabisado ko agad 'yong galaw niya sa isa o dalawang segundo ko siyang tiningnan.

"Kern. May weird na lalaking nakatitig sa 'kin. Maigi niya akong pinagmamasdan at mukhang may idea siya sa nangyayari rito!"

"Don't worry milady. Kanina ko pa 'yan tinitigan. By the way, 'wag mo na 'kong hanapin. Nandito lang ako sa dance floor, nakikipag-sayaw sa isang hot chick! But wow, I admire your talent!"

Magre-react na sana ako nang marinig ko ang suporta ni Ethird. "Yeah dude! Humirit ka pa! Hahaha!"

"Syempre!"

"Babe may kausap ka?" rinig kong tanong ng isang babae.

"Don't mind me babe. I'm arguing with myself, contemplating whether to kiss you or not. Hmm..." dinig kong pang-aakit sabi ni Kern sa kausap niya.

Kumunot ang noo ko nang may narinig akong kakaiba. Hindi ko ma-gets.

"Hell dude! You're kissing in this situation? hahaha!" sabi naman ni Ethird.

T-teka? Nang ma-gets ko na...

Hindi ko na sila pinakinggan at kumatok na sa pinto. Ang mais na 'yon!

"Pagpasok mo sa loob, 'wag kang haharap sa right side mo. Nando'n si Hayate. Good luck!" pang-e-encourage ni Marj pero halata sa boses niyang naaaliw siya.

Bumukas ang pinto at agad sumalubong sa 'kin ang isang body guard ni Mr. David. Tinanong niya ang password at sinabi ko naman 'yon. Ang nakipag-transact sa deal na ito ay si Mr. Jackson at ako ang as if representative. Ang task ko ay ang makuha ang isang maliit na USB mula kay Mr. David. Ang laman no'n ay ang link ng private website ng Yumi mafia. Lahat ng impormasyon ng Yumi mafia ay nando'n. Alam kong isa rin siyang myembro ng Yumi kaya dapat akong mag-ingat sa Mr. David na 'yon.

Ang deal nila ay about sa pagbibinta ng kahit anong uri ng baril na galing pa sa ibang bansa at bibili kami. Pero ang tunay na pakay talaga namin ay ang makuha ang isang USB. Ang USB ay nakasabit lang sa tungkod na hawak niya palagi at kailangan ko iyong makuha.

Sinunod ko ang sinabi ni Marj. Hindi ako humarap sa right side ko kung sa'n nando'n si Ex. Ramdam ko ang mga titig nila, lalong-lalo na sa kanya. Iba't-ibang klase ring pabango ang naaamoy ko pero mas naaamoy ko 'yong pabango niya. Siguro dahil sobrang pamilyar 'yong bango. Napagtanto kong nandito nga siya kaya mas dumoble pa ang kaba na nararamdaman ko.

Nakita ko si Mr. David. Isa siyang matanda. Maputi ang balat nito at may itim na buhok na mukhang pinaitim niya talaga. Makapal 'yong kilay niya at medyo may kalakihan ang mata. Nakita ko na siya noon n'ong pinakita ni Mr. Jackson sa 'kin ang larawan niya. Ngumisi siya sa 'kin at nag-gesture na pauupuin ako sa harapang upuan. May isang mesa sa gitna at may apat na briefcase na nakapatong dito. Hindi ko na tiningnan pa ang tungkod niya kasi baka makahalata siya. Sinulyapan ko na kasi ito ng tingin n'ong pagpasok ko pa lang.

Ginantihan ko siya ng ngiti at agad na umupo.

"Cross your legs dear."

Gusto kong ikunot ang aking noo sa suggestion ni Marj. Ang ikli na nga ng suot ko tas 'yon pa iuutos niya? Hindi na ako umangal pa at sinunod ang sinabi niya.

"I don't want to proceed unless it's just you and me."

'Yon lang ang paraan para magawa ko nang maayos ang task ko dito. Hindi ko 'yon magagawa kapag nandito si Ex sa loob. Kahit pa naka-disguise pa ako rito, kahit pa pinipilit kong ibahin ang boses at ang accent ko, hindi pa rin ako mapakali kapag malapit siya. Kilala ko siya at mas matalas pa ang observation skills niya kesa sa 'kin. Ang hirap niyanv lokohin.

Ngumiti naman si Mr. David sa 'kin bago inutusan ang mga body guard niyang palabasin... Kasali na si Ex roon. Nakatitig lang ako kay Mr. David hanggang sa narinig ko na lang ang pagsarado ng pinto.

'Ba't parang ang dali yatang kausap nito? Binilin sa 'kin nina kuya Hero na mahirap isahan si Mr. David.'

Huminga ako nang malalim na hindi pinapahalata kay Mr. David. Mahirap makipag-transact sa kanya personally. Mga tauhan lang kasi ang pinapa-transact at pinapa-meet kapag may orders or deals. Hindi ko alam kung anong ginawa ni Mr. Jackson at si Mr. David mismo ang nandito. At dahil dito, ngayong araw ko lang talaga ang chance ko na makuha ang USB na 'yon kasi minsan lang siya lalabas.

"May I check the product first?"

"You have the pleasure dear."

Kinikilabutan ako sa tinawag niya sa 'kin pero hindi ko na pinansin. Binuksan ko isa-isa ang mga briefcase. Iba't-ibang klase ang mga baril na nakikita ko at hindi pa ako pamilyar dito. Hindi pa ito napakita ang klaseng ito sa 'kin ni Mr. Jackson. Kinuha ko isa-isat at tiningnan kong hindi ba ito peke. May alam na ako kung pa'no tingnan ang isang baril kung peke ba ito o totoo kahit sa isang tingin lang nito.

Hindi na ako nagtagal pa at sinara ulit ang mga briefcases at tumango kay Mr. David, pinapahayag sa kanyang tapos na akong mag-check. Tinawag naman niya ang isang tauhan niya gamit ang earpiece. Pumasok ang isang lalaking nakapormal na itim. Nakahinga pa ako nang maluwag nang hindi si Ex 'yon. May inabot ito sa 'kin, isang kontrata. Kinuha ko 'yon at tiningan si Mr. David. Naghihintay siyang pirmahan ko 'yon pero tiningan ko muna ang isang tauhan niyang nakatingin sa amin. Na-gets naman niya ang gusto kong sabihin kaya pinalabas niya ulit ito.

"Spread your legs Vanvan!"

Hindi ko pinansin ang utos ni Marj mula sa earpiece at mukhang pinatahimik siya ni Ethird kasi narinig ko pang nagtalo sila.

Dahil sa sinabi niya, napansin ko ngang panay tingin si Mr. David sa legs ko at nakakakilabot ang kanyang mga pagnanasang tingin. Alam ko nang ganito ang personality niya kaya pinasuot ako nang ganitong suot pero napapalunok pa rin ako sa kaba.

Nandidiri ako sa kanya!

Pinirmahan ko agad ito nang marinig ko ang pagsarado ng pinto. Inabot ko ito sa kanya tas binuksan ko ang bag ko para kunin ang isang cheque. Palihim ko ring kinuha ang spray. Natatakpan naman ito no'ng cheque kaya 'di makikita ni Mr. David ang spray sa pwesto niya. Hinulog ko ang spray sa upuan sa likuran ko at parang wala lang na pinirmahan ko ang cheque.

Ang mamahal ng mga baril na 'to! Hay naku!

Ngumiti naman si Mr. David at agad na kinuha ang cheque nang inabot ko sa kanya. Bago ako tumayo ay palihim kong kinuha ang maliit na spray na nasa upuan ko. Tumayo na rin siya at nakipag-hand shake.

"Tell Mr. J that I'd be happy to provide anything he want. Especially now that you're the new representative."

"No problem, Mr. David."