webnovel

Lavandeir's Revenge (Revised Version)

Underground Organization Series 1 : Completed Lavandeir Trinidad is an outcast of Elites College University. She was the only one who's a scholar student, the only reason why she was being bullied by most of the students. The leaders of the bullies are the Elites, which are consisting of few individuals who are part of the richest socialites. One day, someone offered her to be part of an organization. An organization which she didn't expect it to be existed in reality. She'll meet few new students which she started to suspect that they're also a member of that unknown organization. Will she trust them? A/N : This story was made since 2018 and completed in 2021. I just revised it to a new version but the plot, characters, and settings were still the same. The story consist of action, mystery, teen romance, betrayal, and love.

Parisfrans99 · Teen
Not enough ratings
51 Chs

Be My Last Trainee

Nagising ako bigla at nakita ang medyo blur na paligid. Unti-unti nagkaroon ng kunting linaw ang aking paningin at nakita ko ang puting kisame. Puti ang paligid at maginaw. Nilalamig ako. Napalingon-lingon ako at napagtanto akong nandito ako sa lugar na hindi ko alam kung saan.

Sobrang lamig kasi naka-on nang todo ang aircon. Puro white ang paligid. Ang kisame, ang dingding, ang kumot, ang tiles na sahig... Lahat puti.

Malaki rin ang space nitong kwarto. Maraming kagamitan... May isang bagay na kulay puti rin pero may usok na lumalabas dito. Siguro ito ang tinatawag nilang diffuser. Oo nga isang diffuser pero giniginaw pa rin ako rito. Wala akong nakikitang picture frame kaya siguro walang gumagamit dito, isang guestroom. Mayroong isang maliit na pinto, siguro CR 'yon.

Mayroon ding malaking digital clock pero black ito at army time. Buti na lang at army time ang palagi kong ginamit kaya alam ko kung anong oras na. 17:47 means 5:47pm na. Baka hanapin ako nina kuya. Naalala ko kahapon n'ong nakipagkita ako kay Kim ay gabi na 'yon kaya siguro nag-aalala na sila kuya sa 'kin Baka pagalitan pa ako ni kuya na hindi ako nakauwi. Maghahanap muna ako ng rason.

'Ilang oras ba akong nandito? Anong nangyari sa Elites? At ni Kim?'

'Si Kim! Hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sa akin!'

Matapos kung suriin ang paligid ay tsaka ko na naisipang kumilos. Bumangon ako at naramdaman kong masakit ang aking tagiliran. Mayroong white roller bandage ang aking waistline at natatakpan doon ang malaking sugat. Marami ring mga bandage patch sa aking mukha at braso pati na sa aking binti. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang sakit at ang hapdi sa aking likuran, 'yong sinunog nilang parte.

Kinuyom ko ang aking kamay nang maalala ko ang nangyari. Nasusuka na naman ako nang muli kong maramdaman ang sensyasyong naranasan ko habang nasusunog ang aking balat!

Bumangon ako at nilakad ang patungong pinto at binuksan ito. Nagulat ako sa aking nakita at hindi ko alam kung mamangha ba or ano. Nasaan ako?

Isang hallway ang nakita ko at parang nasa isang magarang hotel ang design nito. May mga rooms din akong nakita katabi ng kwarto kung saan ako nanggaling. 612. So meaning nito ay nasa ika-anim ako na baitang?

Magara ang mga pinto na nakikita ko. Dark gray ang kulay ng gilid ng pinto at mukhang passcode ang gagamitin bago mo mabuksan mula sa labas. Maraming rooms ang nandito at ang layo ng agwat sa bawat rooms kaya mahaba-haba ang nilakad kong hallway. Sa opposite side ako nagtungo kasi sa dulo parang terrace iyon.

Nakalimutan kong mag-suot ng tsinelas kaya malamig ang aking mga paa, mas lalo akong giniginaw.

Wala pa akong nakasalubong na tao kaya hindi ko magawang makapagtanong kung nasaan ako. Ang tahimik!

Hindi kaya patay na ako?

Nang makarating ako sa dulo ng hallway ay sumalubong sa akin ang isang malaki at malawak na paligid. Parang 'yong sa mall na makikita mo ang ground floor at ang bawat floor nitong building. Hindi ko alam ang nararamdaman ko sa ngayon. Isa lang ang bumabagabag sa akin... Nasaan ba talaga ako at pa'no ako napunta rito?

Ang huli ko kasing naalala ay no'ng nasa mini gym ako at sinasaktan...

Naalala ko ulit ang mga poot at sakit at ang sugat na aking nararamdaman. Naalala ko ulit ang mukha ng taong tinuring kong kaibigan na ginamit lang ako dahil sa rason niya. Napaluha ako sa nangyari dahil hindi ko pa matanggap na nagawa niya iyon sa 'kin!

Matanggap ko pa sana kung ang Elites lang ang gumawa n'on total malapit na akong masanay sa kanila. Pero bakit sa lahat ay siya pa? Isa pa, bumabagabag sa akin ang sinabi ni Jax, 'yong may silbi raw pala ako.

Bumuntong-hininga ako. Naalala ko rin ang huling nangyari bago ako nawalan ng malay... Ang isang myembro ng Elites ay natumba at hindi ko alam kung totoo ba iyon. Bigla na lang kasing bumagsak si Mia nang walang dahilan. Iyon kung totoo ang nakikita ko or delusion lang.

Dahan-dahan akong naglakad sa fence nitong hallway para makita pa ang surface nito. Malaki at malawak at parang hospital sa sobrang puti at linis. Para rin siyang hotel dahil sa mga mararangyang gamit.

Wala akong idea kung anong lugar ito. May mga tao na akong nakita sa bawat floor at pati na rin sa floor kung nasaan ako... Pero bakit wala akong nakitang pinoy? Bakit lahat sila mga foreigner?

Mas lalong kumunot ang noo ko nang makitang ang iba ay sobrang busy at parang nagmamadali pa at 'yong iba ay pa-chill chill lang. Hindi ko na matiis at lalapitan na sana ang isang lalaking nakatambay sa dulo nitong hallway at tatanungin sana kung nasaan ako nang may biglang tumawag sa akin. Sa apilyedo ko pa.

"Ms. Trinidad."

Nilingon ko ang lalaking matangkad at maputi na tumawag sa 'kin. Mukhang nasa mid 20's na yata siya, mga 25 pataas. Hindi siya ngumiti sa akin kaya wala akong reaction. Inaantay ko siyang lumapit sa akin nang hindi umiimik, pinagmamasdan siya.

Mahirap ng magtiwala ng kahit sino ngayon.

Ipinakita niya sa 'kin ang hawak niyang tsinelas na pambahay at mahinang ibinato sa 'kin kaya nasalo ko ito. Hindi ko pa ito sinuot at tinitigan lang siya. Hindi ko kasi alam kung nagsasalita ba siya ng tagalog or english. Baka kung mag-English ako rito tsaka tagalog naman pala siya ay mas lalo akong magmukhang ewan.

Matangos ang ilong niya at may malalim na mata. Ang mukha niya ay parang isang artista sa TV na pinoy kasi hindi naman siya mukhang foreigner.

"Suotin mo na."

Mukhang nabasa niya siguro ang nasa isip ko. Nagtagalog nga siya pero parang hindi siya sanay. Siguro para malaman kong pinoy siya.

Sinuot ko naman ang tsinelas at agad siyang tinanong kung nasaan ako.

"Ohio."

Agad akong napahinto nang marinig ang sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? Ohio? Diba states 'yan sa US? Kaya ba siguro kanina pa ako nilalamig masyado rito? H-hindi pwede!

"Ohio sa states? A-anong ginawa ko rito? Anong nangyari? P-pano..."

Tiningnan ko siya nang nakakunot ang noo at parang isang batang nawawala.

"Before that, come with me first."

Una siyang naglakad at hindi man lang ako nilingon kung sumunod ba talaga ako. Wala akong magawa at sumunod na lang since siya lang ang makakasagot sa mga tanong ko.

Tumitingin ako sa paligid habang sumusunod sa kanya. Magaganda ang mga gamit dito at ang iba ay hindi ko pa nakita sa tanang buhay ko.

May mga foreigner na mukhang mga busy pero hindi naman sila gaano ka rami. Kunti lang ang mga nakikita ko rito. Hindi katulad sa ibang building na marami ang nagtatrabaho. Nang pumasok kami sa elevator ay nagtaka ako nang wala akong makita buttons kung saang floor ka pupunta. May isang biometrics doon na maliit. Tiningnan ko kung anong ginawa ng kasama ko.

Inilagay niya ang hintuturo niya roon at sa itaas n'ong biometrics ay may bumukas na part doon at tsaka lumabas ang mga buttons. Pinindot niya ang 17th floor at tsaka umaandar na ang elevator.

Namangha ako sa nakita ko. Kung hindi pala registered dito ay hindi makakagamit sa elevator na ito. Ang high-tech naman nila.

Pagkabukas nang elevator ay tumambad sa akin ang napaka-puti ring paligid na may front desk sa gitna. May isang babaeng receptionist na foreigner na nakasuot ng isang formal attire. Nakasuot din siya ng isang earpiece sa kanang tenga. Ang ganda niya.

Hindi siya ngumiti nang makita kami, tulad ng ginagawa sa hotel, kundi tumango lang siya sa'min. Patuloy lang akong sumusunod sa lalaking hindi ko man lang kilala at hindi man lang kami nag-iimikan.

Ayaw ko mang magtiwala sa kanya pero wala akong alam sa lugar na ito kaya wala akong choice kundi sumunod.

Napadaan kami sa malaki at mataas na hallway. Gano'n pa rin ang design ng hallway at meron din itong mga rooms. Mas lalo kung naramdaman ang pagkaginaw nang pumasok ulit kami sa isang pintuan at isang hallway na naman ang bumungad sa 'min.

'Ano bang lugar ito? Ba't ba nila ako nilagay sa room na ang sobrang layo sa pupuntahan namin ngayon?'

Hindi ko talaga maisip na nandito ako. Parang isang panaginip.

Sinulyapan ko ang lalaki. Hindi ko man lang narinig ang tunog ng sapatos niya kahit pa tiles ang sahig. Nagtataka lang ako, sobrang tahimik dito kaya imposibleng hindi tutunog ang sapatos niya. Naalala ko tuloy si lolo sa kanya. Palagi kaming pinapaalala ni lolo kapag maglalakad kami ay dapat walang tunog. Hindi ko alam kung anong dahilan niya.

Binalik ko na ang attention ko sa unahan nang pumasok kami sa isang room na may passcode. Tumambad sa akin ang isang malaking sala. May mga magagarang sofa at may mamahaling lamesa. Huminto ako nang huminto rin ang lalaki.

"Master."

Sinundan ko ng tingin ang lalaking tinawag niya na master. Nakita ko sa isang dulo ng sofa ang lalaking nakasuot na polo na kulay puti.

Lumingon siya sa gawi namin at hindi ko alam kung nasa mid 30's na siya or siguro 40's na. Black ang buhok niya at maayos ang pagkahawi nito. May kunting bangs sa right na bumabagay sa kanya. Medyo makapal ang kilay at may mga bilog na mata pero parang inaantok ang pagkakabuka nito. Matangos ang ilong at maputi. Isa siyang asian.

Tiningnan niya kami. Tinanguan niya ang lalaking nagdala sa'kin dito at taska umalis na iyon. Napalunok naman ako at napayuko nang binaling niya ang tingin sa akin. Hindi ba sila mahilig magsalita rito?

"Come here, Lavandeir," sabi niya. Umupo ako sa harapan niya at hindi alam ang gagawin. Kilala niya ako pero hindi ko man lang siya kilala.

"S-sino ka?"

"I am Mr. Jackson. Nice to meet you."

Hindi man lang niya inabot ang kamay niya para makipag-shake hands. Okay lang naman sa 'kin at mabuti ring hindi niya nilahad iyon kasi nanginginig na ako rito at baka mahalata pa niya. Nagtataka lang ako kasi formal naman iyong paglahad ng kamay kapag nagpakilala.

Mr. Jackson? First name ba 'yan, last name, or alyas lang? Naalala ko si Mr. Taki sa kanya. Hindi rin 'yon nagpakilala sa'kin or nagpapakita.

"Ano po nangyari sa akin? Bakit ako nandito? Ikaw ba nagdala sa 'kin dito?"

"Yes! And I have something to tell you."

"Ano po 'yun?"

"Be my last trainee."

...