webnovel

Lavandeir's Revenge (Revised Version)

Underground Organization Series 1 : Completed Lavandeir Trinidad is an outcast of Elites College University. She was the only one who's a scholar student, the only reason why she was being bullied by most of the students. The leaders of the bullies are the Elites, which are consisting of few individuals who are part of the richest socialites. One day, someone offered her to be part of an organization. An organization which she didn't expect it to be existed in reality. She'll meet few new students which she started to suspect that they're also a member of that unknown organization. Will she trust them? A/N : This story was made since 2018 and completed in 2021. I just revised it to a new version but the plot, characters, and settings were still the same. The story consist of action, mystery, teen romance, betrayal, and love.

Parisfrans99 · Teen
Not enough ratings
51 Chs

7th Floor Guy

A/N : Warning: From this chapter onwards contains violence. If this story is not for you, drop this. And if you still continue, brace yourself and enjoy the story.

....

'K-kailan napunta ang lalaking 'to rito? Ba't hindi ko naramdaman?'

Naka-side view siya sa akin, nakatukod 'yong dalawang kamay sa baba niya habang ang siko niya ay nakapatong sa mesa. Nakasuot siya ng polo shirt na maroon at naka-faded blue pants. 

Mas lalong lumaki ang aking mata nang humarap siya sa akin at tumitig sa mata ko. Naging conscious naman ako bigla at napalunok.

"I-ikaw," sabi ko at napalunok ulit. Siya naman ganoon pa rin, walang reaction. "Totoo p-pala 'yun. I-ikaw 'yon! 'Yong tumalon sa 7..." napatigil naman ako sa pagsasalita nang bigla siyang tumayo at lumakad paalis...

"..."

'Huh?'

Hindi ako makagalaw nang magrehistro sa utak ko kung sino ang lalaking iyon. S-siya nga ang lalaking tumalon sa 7th floor.

....

*Van? Hindi muna ako makakasabay sa'yo mmyang lunch.* Basa ko sa text ni Kim. Nireplyan ko naman siya ng 'okay'*

Ibinulsa ko na lang ang cp ko at naglalakad na patungong canteen. Iyong parang 7eleven style.

Meron kasing ganito rito sa campus, para hindi na dapat lumabas pa kapag may bibilhin ng kung ano-ano. Mayroon ding mga school supplies. Dito ako palagi kasi mahal doon sa cafeteria.

Pagpasok ko sa loob, natigilan ako saglit kasi nakita ko siya na umiinom ng kape kahit tanghaling tapat. Napansin ko kaagad siya kasi walang ibang nandito kundi siya lang. Kunti lang kasi ang pumunta rito. Mukha naman siyang mayaman eh bakit nandito siya? Afford naman siguro niya ang cafeteria.

Napatingin naman siya sa gawi ko at nag-iwas agad ako ng tingin, tumitingin sa kaliwa't kanan na parang naghahanap ng kung anong mahanap.

Ano ba dapat gawin?

Pinadaanan ko naman siya ng tingin para e-confirm kung nakatingin pa ba siya sa akin.

Nakita kong nakatitig na siya pero hindi sa akin kundi sa likuran ko. Na-curious ako kaya lilingon na sana ako nang may nagsalita sa aking likuran.

"Found you, bitch!"

Nanindig ang balahibo ko at biglang nanginig ang tuhod ko noong narinig ko ang matinis na boses ng babae. Kilala ko kung kanino ang boses na iyon. Kay Justine.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Sa takot... lalo na't pinangunahan agad ako ng mga nakakatakot na imahinasyon na mangyayari sa akin sa mga oras na ito.

Tiningnan ko siya, 'yong lalaking tumalon sa 7th floor na umiinom pa rin ng kape. Nagtama ang paningin namin bago ako humarap sa Elites. Parang tinakasan ako ng sarili kong kaluluwa noong nagtama ang tingin namin ni Jax na kakarating lang. Ang mga itim niyang mata na parang kinikilatis ang aking kaluluwa sa titig niya.

Ngumisi naman siya sa akin at alam ko ang meaning ng ngisi na iyon dahil ilang beses ko nang nakita iyon. Bakit sila ang narito at hindi ang mga alagad niyang estudyante?

Ano na naman ba ang gusto nila? Wala naman akong ibang ginagawa.

Hindi ko na inisip kung bakit sila mismo ang narito para sa akin. Nabalutan na ng takot ang buo kong katawan.

Nilibot ni Jax ang kanyang tingin sa loob bago siya tumalikod at naunang umalis.

"Come with us loser!" sabi ni Kei.

Umatras naman ako at natatarantang nilingon ang lalaking iyon pero hindi ko na siya nakita. 'Di ko alam kung nasaan siya.

...

Habang kinakaladkad nila ako patungo sa kung saan man nila ako dadalhin, pinagtitinginan na ako ng mga estudyanteng nakakita sa akin. Maraming nagbulung-bulungan at may iba pang nakangisi. 'Yong iba ay tumatawa, 'yong iba ay sinasabihan pa ako ng kung anu-ano 'tulad ng 'buti nga sa'yo', 'ha. lagot ka' at iba pa.

Mauulit na naman ang nangyari dati. Gusto ko'ng umiyak at magsumbong kina lolo at kuya, gusto ko'ng gumising kung panaginip na naman ba ito. Ayoko na ulit mangyari ang nangyari dati. Akala ko tapos na iyon pero hindi pa pala!

Gusto kong kalimutan ang lahat ng iyon pero ang hirap! Kung ikaw nagsikap para makalimutan ang isang bagay, di mo magawa kasi mangyayari na naman ulit. Bibigyan ka nila ulit ng panibagong memoryang ang hirap kalimutan.

Sa pagkakaladkad nila sa'kin ay bigla akong natapilok at natumba. Tinawanan naman ako nila Clent, "kahit kailan lampa talaga!"

"Tumayo ka na diyan. Tsk!" Sabi ni Kei at sinipa pa ako sa binti ko. Ang sakit grabi,wala ba silang awa? Oo nga naman, 'tulad ng dati parang wala rin silang sinasanto. Tinapak-tapakan nila ang aking pagkatao.

Tinayo naman ako ni Reid at mas lalong hinigpitan ang paghawak niya sa braso ko. "I already told you to leave! Jax won't leave you alone whenever he sees you!" galit niyang bulong sa 'kin.

'Bakit? 'Di naman ako nagpapakita sa kanila, sila lang 'yong humanap sa 'kin!' Gusto ko sanang sabihin ito sa kanya pero natatakot ako kaya itinikom ko na lang ang  bibig ko.

Gusto ko nang umiyak kaso pinipigilan ko lang. Hindi sa nagpakatatag ako kundi dahil ay mas lalo nila akong sasaktan kapag nakita nila akong umiyak. Masaya sila kapag nakita nila ang luha ko.

Ang sakit isipin, na kahit ang kuya ko na binigyan ko ng right para asarin at bwisitin ako, ay hindi pa 'yun nakakasapak sa akin o kahit hinampas. Inihulog sa kama Oo, babatuhin ng kung anu-ano Oo. Pero 'yong kahit sapak hindi niya pa nagawa. Kukunwari lang na sasapakin ako pero hindi tinutotoo. Maski ang lolo ko hindi pa nagawang paluin ako.

"S-saan n-niyo a-ako dadalh-hin?"

"Do we have to answer that? Tsk!" Sabi ni Jax. Hindi ko mababasa ang intensyon niya kung bakit ginagawa niya ito sa akin.

'Dahil ba wala silang ibang maaapi rito kundi ako lang?'

Hindi na ako umimik pa at nagpatuloy sa paglakad. Hindi ko alam kung ano na naman ba ang gagawin nila sa akin ngayon.

Noon kasi isang linggo akong wala sa sarili, ni hindi nga ako makausap ni kuya nang maayos kaya iniiwasan ko siya sa tuwing tinatanong niya ako. Alam kong nagdududa na siya doon at alam kong hinihintay niya lang akong magsabi sa kanya. Nagpapalusot lang ako ng kung anu-ano at iniiba ang topic.

Takot ako kapag nalaman niya. Ayoko ring madamay siya sa gulo at alam ko'ng tatapak-tapakan lang din siya ng Elites kapag kakalabanin niya pa sila, at iyon ang pinaka-ayaw kong mangyari sa lahat.

Dumaan kami sa likod ng building ng Commerce at pumasok sa isang malaking abandonadong room, Iyong mini gym. Ito 'yong mini gym na pinagbabawal nang puntahan o pasukan, kasi bukod sa useless na ito ay ito 'yong gym ng Elites kung saan nila binu-bully o may sasaktan sila. Ang Elites ang nagmamay-ari nito.

Nang makapasok kami sa loob ay napakadilim pero biglang lumiwanag kasi may nagbukas ng ilaw. Nakita kong si Elayah ang nagbukas noon.

Naalala ko na naman ang nangyari no'ng una nila akong kaladkarin dito. Noong first semester pa lang. Noong una ko'ng naranasan ang hindi kanais-nais. Bumabalik sa akin ang takot at klasi-klasing emosyon.

Itinulak naman ako nina Clent at Reid kaya napadapa ako sa sahig. Nakita ko'ng dumudugo 'yung siko ko. Di ko na napigilan ang mga luha ko kaya napangisi silang lahat sa akin.

"Get in!" Malakas na sigaw ni Clent. Hindi ko alam kung sino ang sinabihan niya pero napagtanto ko'ng mga schoolmates pala namin nang makita ko'ng nagsipasukan sila.

Mga 10% ng estudyante sa school ang nandito at nakita ko'ng may mga hawak silang baldi na 'di ko alam ang laman at 'yong iba may hawak na harina, 'yong iba naman ay itlog.

'Kaya pala parang excited 'yong mga mukha nila kanina!'

Na sa'kin na ngayon ang sakit, gutom at lalong-lalo na ang kaba at takot sa mangyayari.

"Hey loser! Don't try to do something. Just stay there and experience the round 2," natatawang sabi ni Elayah sa'kin.

Nagtawanan naman ang lahat ng nandito except kay Jax at Reid na seryoso lang ang tingin. Nakita kong inilibot ni Jax ang kanyang tingin.

'Bakit? Sinong hinahanap mo?'

"Students listen!" Tumahimik naman ang lahat nang magsalita si Kei. "Your money is all worth it! You can do whatever you want to do to this loser right there."

'Money? Sa yaman nila bakit nagpapabayad sila? At ako ang... Ako ang...'

Hindi ko na napigilan ang luha ko nang maghiyawan ang mga estudyante. Mas lalo akong naiyak sa ginagawa nila. Wala naman akong kasalanan. Wala silang awa. Di pa ba sapat na ginaganito nila ako at nagawa pa nilang ibenta ako? Wala ba'ng halaga ang buhay ko sa kanila? Oo wala silang paki, pero sana inisip nilang tao rin ako!

Kung pwede lang na lumipat ng paaralan, lilipat ako. Kaso 'yong napagsunduan namin ni lolo at 'yong sponsor ko, nakakahiya kung bigla akong hihinto. Ito lang kasi ang chance para makapagtapos ako.

"A-ano bang kasalanan ko s-sa inyo!?" hindi ko napigilang sumigaw.

Lumapit naman ang Elites sa akin at napahiyaw nang bigla akong sinampal ni Justine. "Who gave you the right to act like that you lowly bitch?"

Sasampalin niya sana ulit ako kaso pinigilan siya ni Reid. "Stop wasting your time."

Umalis silang anim at si Jax na lang ang nakatayo malapit sa 'kin na nakangisi pa rin.

...