webnovel

Trenta

Dalawang taon na lang mawawala na ang edad ko sa kalendaryo. Magiging simula na naman ito ng panibago kong buhay. Isisilang akong muli at mabubuhay sa ibang pagkatao. Nakakapagod. Nakakalungkot. Ang daming tanong na ako man ay hindi ko masagot.

Hindi ako isang immortal kung ang basehan nito ay ang kamatayan. Nagwawakas ang buhay ko ngunit nagsisimula din agad. Kasama ang ilang alaala ng mga buhay na nakalipas. Pero hindi lahat ng alaala ay nanatili sa akin. Hindi ko naaalala ang mga mukha ng mga taong nakasama ko sa mga nakalipas na buhay. Ang naalala ko ay ang kanilang mga boses, mga pangaral. Tanging alaala ng mga karanasan, mga lugar na napuntahan, mga emosyong naramdaman. Ang mga iyon ang baon ko sa sa kasalakuyan.

Ako ngayon si Laura June. 30 years old. Walang espesyal sa akin. Ordinaryong tao tulad ng karamihan. Magugutom kung hindi maghahanap buhay. Sandigan ng pamilya. Hindi ko masabi na ito ang paborito kong buhay. Hindi madali ang buhay ni Laura June. Malaya siya ngunit nakakulong sa mga responsibilidad sa pamilya. Nababagalan ako sa takbo ng buhay niya.

"Gusto kong yumaman." Iyan lagi ang maririnig mo sa akin bilang si Laura June. Mali ba na maghangad ng magandang buhay? Iyong hindi mo iisipin saan mo kukunin ang susunod na pambayad ng bills? Iyong makakabasyon ka sa mga lugar na gusto mong puntahan? Maraming maraming pera na maaari pong itulong sa pamilya mo at sa iba?

Naaawa ako kay Laura. Oo ako siya. Ngunit magkaiba kami sa ibang mga aspeto. Nagegets nyo ba? Maraming bagay sa buhay at pagkatao ni Laura Jean na hindi ko makontrol. Mga bagay sa buhay niya hindi ko mabago. Boring madalas. Nanaiisip ko wala akong babaunin masyadong alaala papunta sa susunod kong buhay.

Sana nakuha niya ang katapangan ni Madeleine. Siya ako sa buhay ko bago dumating si Laura. Maganda, posteryosa, mayaman. Nasa kanya na ang lahat maliban sa pag-ibig. Buhay niya ang madalas kong mapanaginipan. Siya na kasi ang pinakaperpekto sa lahat ng naging buhay ko. Sayang nga lamang nagwakas ang buhay niya. Kung bakit ay hindi ko alam.

Go getter is Madeleine. Madalas kapag may doubts ako sa sarili ko bilang Laura Jean. Nagfflash sa akin ang alaala-ni Madeleine.

"You can have it if you really want it. Work hard for it. The Sky is the limit." Paulit-ulit kong naalala iyon. Mas tumatapang ako bilang si Madeleine.

Kaya madalas curious akong malaman ang lahat lahat sa naging buhay niya. Magiging mas masaya ba ako as Laura kung nabuhay ako bilang si Madeleine?

Takot akong kilalanin ang mga naging "ako" sa nakaraan. Ngunit sumasagi sa isip ko na kung si Laura ang magiging huli kong buhay. Mas exciting siguro ang boring na buhay ko bilang Laura kung makikilala ko mabuti si Madeleine.

Pero paano ako magsisimula kung ni hindi ko nga alam ang buo niyang pangalan. Ngunit walang impossible hindi ba?