webnovel

Lady in the black dress

Chapter 3: Lady in the black dress

Lagpas 11pm na ng gabi ng makarating ako sa harap ng subivision namin, hay takte di pa rin mawala sa isip ko yung nangyari

kanina parang nakakatakot na sumakay ng taxi ah hayy! takte bakit ba ako natatakot kalalaki kong tao.

Nung napadaan kami sa playground may napansin na naman ako na babaeng nakaitim,

"sya na naman?" sabi ng isip ko sa nakita ko.

Nakita ko syang umiiyak dun halata sa itsura nya dahil tumutulo yung luha nya kitang kita ko ang mga luha na akala mo

kumikinang ang mga tubig ng luha nya na parang tinatawag ako kaya naman pinahinto ko sa driver yung taxi tutal malapit

nalang din naman ako sa bahay ko, bumaba ako at nagbayad na sa driver, nagpunta ako sa playground pagdating ko sa harap nun

wala na yung babaeng nakaitim.

Nagmasid ako sa paligid pero wala sya dun, ang bilis nya naman mawala hmp "san na yun?"

Tanung ko sa sarili ko nung di ko naman sya makita dumiretso nalang ako pauwe sa bahay ko, lasing na yata ako eh at kung

ano ano nalang ang nakikita ko.

Ang weird ng pakiramdam ko ngayon siguro napagod lang ako, binuksan ko na yung bahay at pagpasok ay naghilamos

at nagsipilyo bago magpalit ng pajamas.

Pumasok na ko sa kwarto at nahiga na parang pinako sa krus ang porma ng kamay ko tumingin ako sa kisame

at naalala ko gumawa ng diary dahil isa ito sa mga araw na di ko makakalimutan kaya kinuha ko yung

notes ng diary at nagsulat duon, ng mga pangyayari na nakasaad sa byernes santo na ito!

=============

Hello ms.paper,

*Nung umaga nakita ko yung burger sa lapag ng play ground na ibinigay ko dun sa babaeng nakaitim nainis ako.

*Kaninang pa-uwe inaya ako ng mga kasama ko sa work na mag club 1st time ko sumama sa gimik.

*Inaya ako sumayaw ni wen at duon may bumungo sakin, nakita ko ang banal na ex girlfriend kong si Caysey na

umiiyak(buti nga sakanya).

*Nasa taxi kami pauwe sa bahay nila wen ng ma hold-up kami, tinangay ang pera at gamit namin, kabado ako ng mga

oras na yun at si wen ay iyak ng iyak sa takot.

*Pauwe na ako ng bahay ng mapansin ko sa playground ang babaeng nakaitim na umiiyak, at bumaba ako sa taxi

nagpunta ko dun kaso wala na yung babae.

<Exit.date>

Natulog na ako pag-katapos magsulat sa diary ko, sa tanda kong to may ganun pa talaga akong nalalaman nu =)

Kinabukasan nagising na ako ng mga alas nuebe ng umaga bumangon na ako at kinuha ko ang tinapay sa tapat ng pinto,

na wala ng init pa kaya nilagay ko nalang muna sa oven habang nagtitimpla ng kape.

Stretching muna at unat unat haay!!! Sakit ng katawan ko.

Pagakatapos ko kumain naligo na ako at nagbihis, naisipan ko na kasi magpunta ng mall para bumili ng bagong phone dahil nga

nahold-up kagabi kaya wala akong magamit.

Lumabas na ako ng bahay at sumakay ng taxi papunta sa pinakamalapit na mall nung umaga na yun, nung nasa mall na ako

naghanap muna ako ng bangko para magwithdraw ng pera ng makabili na ako ng phone, pagkatapos ko makakuha naghanap na ako ng

bilihan ng phone at nakapili naman ako ng android phone nung tanghali na kumain na muna ako sa isang restaurant na malapit

sa mall na yun, di ako kumakain sa fast food kasi hindi naman ako nabubusog dun.

Binigay na sakin yung inorder kong pagkain nung waiter, at nagsimula na akong kumain ng mapansin ko nalang habang sarap na

sarap akong kumakain may nakatayo sa harap ko, ng tinignan ko kung sino sya, nakita ko sa pangatlong beses na sunod-sunod

na pagkakataon ay sya na naman.

Yup si Caysey again what the hell?

"pwede ba akong maki-upo?" sabi nya sakin nung nakaharap ako sa muka nya kaya naman

Tinignan ko ang buong resto napansin kong puno na ang kainan at yung saking table nalang ang walang katabi

"sige upo ka" sabi kong ganyan at tumingin nalang ako sa kinakain ko at hindi nag-salita

Binigay na yung order sakanya ako naman naiilang kung bakit sa dinami-dami ng pwedeng kainan dito pa sya kung nasaan ako,

ang masaklap pa sakin pa sya nakiupo, ang kapal din naman talaga ng muka nito nu, wala yata talaga tong hiya di ba nya

naaalala ang ginawa nya sakin.

Tsk pag naalala ko yun piling ko baliw ako hay! Sya kaya ang last na naging gf ko, at di na ko humanap pa ng bago kasi ayoko

ng masaktan ulet.

"new girlfriend mo ba yung kasama mo sa club kagabi?" nagulat ako nung nagsalita sya parang piling ko kinakabahan ako

kahit hindi naman, di agad ako makapagsalita, takte wala ngang hiya may balak pa ako kausapin mas gugustohin ko nalang sana

manahimik eh.

Tumingin ako sa muka nya ganun pa din yun walang pinagbago maganda pa din sya. Tsaka ako nagsalita.

"hindi ko gf yun katrabaho ko lang" sabi kong ganyan

"ah anong trabaho mo pala ngayon?" Grabe ha matanong ang loka

"manager sa company, ikaw?"

"uhm nag-aaply palang ako ngayon sa malapit na mall dyan bilang assistant manager din"

"ah wala ka pa palang work ngayon, bakit umiiyak ka kagabi nung nakita kita?" yan nalang ang naitanong ko bigla tas sa isip

ko nagtataka ako bakit yun ang aking tinanong

"uhm nag-away kasi kami ni Denzel eh ayun"

"ah ganun ba?" (buti kung ganun that's good news) tumango-tango lang ako sakanya, yung sumunod nyang sinabi kinagulat ko na

"ayaw nya kasi buohin yung magiging anak namin gusto nya ipalaglag" marahan nyang bigkas nagulat ako at para bang bumigat

yung pakiramdam ng katawan ko sa sinabi nya natigilan ako na akala mo may batong tonelada ang nakapatong sa dibdib ko, ang bigat ang nakadaghan sakin

"huh, do you mean buntis ka?" yan ang tanong ko sakanya na pabulong lang ang pagkakasabi ko

"oo teo" at ngumite sya na alam mong pilit na ngite na alam kong hindi sya masaya

"dapat panagutan nya yan"

"oo nga tama ka, kaso ayaw nya gusto nya ipalaglag, tsaka alam kong may babae pa sya"

"di kung ayaw nya edi iwanan mo sya, babaero talaga ang loko na yun"

tsk! nakakainis talaga si Denzel grabe sya nababatrip ako sakanya ang sama nya, pagkatapos nya agawin sakin si Caysey ngayon

ayaw nya panagutan kung ano ng meron sakanila takte sya.

Hindi na nagsalita pa ulit si Caysey at tinuloy nya nalang yung pag-kain nya nababasa ko sa muka nya na malungkot sya gusto

ko sya icomport sa mga oras na to kaso hindi pwede dahil naalala ko ang ginawa nya sakin na pang-gagago.

Nung natapos na ako kumain inilapag ko nalang yung bill ko sa mesa at nagpa-alam na din kay Caysey

"Cay una na ako pangalagaan mo nalang yang bata dyan sa sinapupunan mo" at tumalikod na ako sakanya narinig ko naman sya nagsalita

"teo sana mapatawad mo ako sa nagawa ko sayo nuon" isang mahinang bigkas mula sakanya.

Hindi na ako lumingon pa at dumiretso nalang, nawala na sa pakiramam ko ang galit ko sakanya, napalitan ito ng awa sa

nalaman kong kalagayan nya. Ito na siguro ang tinatawag na karma, kahit na di ako naniniwala sa karma.

Pagkalabas ko ng resto ay nag-abang na ako ng masasakyang taxi at dumiretso na akong umuwe sa bahay ko sa Norvill,

nung napadaan ako sa may playground mga alas dos na yata nun napansin ko sa may duyan nun na may nakapatong sa upuan na

flute na kahoy, halata naman kahit medyo malayo pamilyar yun at alam ko nakita ko yun sa nakaitim na babae last time,

binalewala ko nalang dahil meron pa rin gumugulo sa isip ko. Yun yung about kay Caysey, nakauwi na ako sa bahay at nahiga

saking sofa at di ko namalayan na nakatulog nalang ako...

–—–—

[Dinampot ko ang isang flute sa upuan ng duyan at sa di kalayuan nakita ko ang isang batang lalake nasa edad 9 nakasuot sya

ng isang puting polo at puting pantalon hawak hawak sya ng mga lalakeng pawang nakaitim ang mga damit na nakatuxido pa,

dalawa yung lalakeng nakikita ko ang katawan nila ay brusko parang mga bouncer ng club. Nagpupumiglas yung bata sa

pagkakahawak sakanya sumisigaw sigaw sya kaso tinakpan ng isang lalake yung bibig nya at hinila sya.

"hoy bitawan nyo yung bata!" sabi ko sakanila pero hindi nila ako nilingon, sumigaw ulit ako ng kaparehas na salita pero

hindi nila ako pinansin tumakbo ako sa direksyon nila pero parang hindi ako maka-alis sa kinaroroonan ko, nakita ko nalang na

dinala na yung bata at nilagay sa isang toyota hi-ace na nakatali ang bibig nung bata ng panyo.

Umiiyak yung bata, ano ba to kidnaping? Sucks! Tumatakbo pa rin ako pero bakit hindi ko sila mapuntahan hindi pa yata nila

ako napapansin "HOY ANONG GINAGAWA NYO!?" sigaw ko, "PAKAWALAN NYO YUNG BATA!" sigaw ko ulit pero wala, non sense hindi nila

ako nakita, hindi pa nakaka-alis yung van ng makarinig ako ng putok ng baril banda sa kinatatayuan ko, oo alam ko banda lang

yun sakin dahil rinig na rinig ko, pagkatapos ko marinig yun umalis na ang van paharurot. Namanhid ang tenga ko sa lakas ng putok.]

Minulat ko ang mata ko ala' singko imedya na ng hapon, grabe nanaginip lang pala ako ang weird naman ng panaginip na yun

bakit nakakita ako dun ng flute?, masyado ko bang iniisip yung tungkol sa babaeng nakaitim na ang pangalan ay Cassandra,

kalokohan to ah, makapagluto na nga lang napasarap ang tulog ko sa sofa waaah stretching muna at binuksan ko na ang ref at

kinuha ko yung manok na nahiwa na huhugasan ko nalang to at magluluto nalang ako ng adobo, nagsaing muna ako ng bigas habang

nakababad pa sa tubig yung manok na galing sa ref may yelo yelo pa kasi, inoorasan ko yung kanin ko sa kalan ng mga

bandang 6pm ng may nag doorbell sa bahay ko, napaisip naman ako kung sino yun pinuntahan ko yung pinto para buksan ng magulat

ako sa nakita kong tao na tumambad sa aking harapan, isang babaeng nakaitim na dress, napaatras pa nga ako ng

bahagya nung makita ko sya, bakit kaya ganito maganda naman sya pero mayroon sa pakiramdam ko na parang nakakatakot tong

nilalang na to.

"Oh Cassandra right, why you're here?" tanung ko sakanya, nakatingin lang sya sakin ng diretso at di man lang nagsalita ng

may na-amoy ako na parang may nasusunog.

"hala yung sinaing ko sunog na teka teka, wait patayin ko lang yung kalan"

sabi ko sakanya at tumakbo ako papuntang kusina para patayin yun kalan iniwan ko lang sya muna dun sa may pinto nang nakatayo at ng

pagbalik ko sa pinto wala na sya dun napakamot ako sa batok ko, san na yun nagpunta? Tanong ko saking sarili.

Parang baliw naman yun kumatok tapos bigla nalang aalis at mawawala adik yata yun eh, lumingon ako sa kanan, sa kaliwa, at

lumabas pa ako pero wala talaga ako nakitang tao nakakapagtaka ang bilis nyang nawala ng napaisip nalang din ako bigla kung bakit

yata parati nalang sya nakaitim? hindi yata sya nagpapalit eh, o di kaya hindi naliligo,

yun lang ba ang damit nya itim ano kaya sya gothic na rocker hehe =)

natatawa nalang akong pumasok na ulit sa loob ng bahay para ituloy ang niluluto kong ulam. 

Na hindi ko pa nasisimulan nang istorbo lang ata yung babaeng yun, at ano naman kaya ang kailangan nya sakin?. Amp!

At pagpasok ko pakusina nalaglag ang kutsilyo sa may lapag ng may mantsa ng dugo, isang itim na pusa ang tumambad sa may lamesa nanlilisik ang mga mata at dali daling lumabas sa maliit na bukas na bintana.