1 Uno

Nandito ako ngayon sa bahay ng kaibigan kong si Mika. Birthday niya kaya nagkayayaan na magkaroon ng kaunting salu-salo sa tinitirhan niya.

"Bakit wala si Lyndon?"

"In-invite ko siya pero hindi daw siya makakapunta"

"LQ?"

Umiling lang ako bilang pagtanggi sa sinabi ng kaibigan ko

"Wala namang kami"

"Ah. Balita ko darating si Lucas mamaya"

"Talaga?"

Na excite ako bigla.

"Tigilan mo na, may Lyndon ka na nga"

"Hindi nga kami"

"Torpe talaga" sabi ni Tupe, boyfriend ng kaibigan kong si Mika.

"Kala ko kayo talaga. Kasi lagi kayong magkasama" sabi ni Lara

"Hindi ba pwedeng sobrang close lang kami dahil magkababata kami?"

"Cliche" Mika

Pero ang totoo, matagal ko naman naging crush si Lyndon, hindi lang ako sigurado kung siya pa din hanggang ngayon.

"May girlfriend na siguro si Lucas." Mika

"Sa gwapo nun imposibleng wala".

Hindi naman imposible yun. Pero kung alam lang nila.

"Next week pasukan nanaman. Ga-graduate na siya. Naku tayo may 2 years pa sa high school. Nakakainis na k-12 yan"

"Alam mo ba kung saan siya mag-aaral?"

"Hindi ko alam. Baka mag manila yon."

"Sus di nun iiwan si Lyra" Tupe

"Anong meron sa kanila? Sila ba?" Lara

"Talaga? Pinatulan niya yon? Kala ko ba hindi yun mahilig sa bata?" Mika

"Isang taon lang naman pagitan nila. Tsaka grade 11 na yon no pwede na." Tupe.

"Siraulo ka talaga" Mika

"Bakit? Maganda naman si Lyra. Campus crush nga yun eh. Swerte ni Lucas." Tupe

Kung alam lang nila.

avataravatar
Next chapter