webnovel

La Lumiere

Pamilya? Wala. Kaibigan? Mas lalong wala. Pera? Meron. Sinasabi ng ibang tao na basta daw may pera sila 'e masaya na sila. Pero bakit ako? I already have a lot of money, but the quotation 'Money can bring hapiness' doesn't work on me. Kaibigan? Marami sana ako, kaso ang tanong may totoo ba? Alam ko rin naman kasi na kaya ako nilalapitan ng iba kasi may kailangan sila... kasi may pera ako. Pamilya? 4 years ago nung mawala sila, yung tinuring kong Pangalawa kong Ama at Ina iniwan rin ako katulad ng biological parents ko. Ang buhay ko na ata ang pinakaboring na nalalaman nyo, hinihintay ko nalang nga na kunin ako 'e. Kaso bakit ang tagal?

aeraceles · Teen
Not enough ratings
4 Chs

Chapter II

Elle

Si Doctor Medina ang tumawag, may importante daw itong gustong sabihin sa akin, at dumating na daw ang resulta pagkatapos ng ilang araw.

Agad naman akong nagtungo sa Opisina nya, walang nakapila ngayon para magpacheck-up na sya namang pinagtaka ko. Sa ganitong oras dagsa ang pasyente ni Doctor Medina, pero bakit ngayon wala?

Nang tuluyan akong makapasok sa opisan nya, bumungad sa akin ang Doctor na nakatayo. Ilang minuto ako nitong pinakatitigan bago niyakap, nagtaka naman ako sa inaakto ng Doctor ngayon.

"Bakit po? Ano po na yung sasabihin nyo?" Tanong ko dito, sinabihan naman ako nitong maupo muna na sya namang sinunod ko.

"Ngayon kolang nalaman ang sakit mo, Elle may Asd ka, nakita sa Xray mo na mas malaki na ang kanang bahagi ng puso mo kesa sa kaliwa" napatulala lang namna ako sa narinig ko.

"A—ano po ba yung ASD?" Hinawakan nito ang kamay ko bago ako sinagot.

"ASD or Atrial Septal Defect. Normally, the right side of the heart pumps blood that is low in oxygen to the lungs, while the heart's left side pumps oxygen-rich blood to the body. But in ASD, blood from the left and right sides mix, and can keep your heart from working as well as it should, kaso 2cm na ang tantsa kong laki ng ASD mo" mahabang paliwanag nito, napangiti naman ako binawi ang mga kamay ko.

"Ah yun lang po ba yun?" Matapang na sagot ko at tumayo na.

"Iha hindi lang basta ganun ang ASD, maari mo yung ikamata—" hindi na natuloy ni Doctora ang kanyang sasabihin dahil yumuko ako dito bilang paggalang at umalis na.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nasa harap ng pundod nina Lola at Lolo. Dito namna ako laging napunta, kulang nalang ata dito ako magtayo ng bahay ko 'e. Kaya kilalang-kilala na ako ng guard.

"La, Lo. Magkakasama na tayo! K—konting panahon nalang. Alam ko hinahampas nyo na ako ngayon dahil sa desisyon ko. La sorry pero wala na akong balak magpagamot pa, mamamatay din naman ako. Atsaka kasi sa Puso yung sakit ko, Lo! Makikita na ulit kita, sunduin nyoko ha? I—itong luhang to? Hindi po ito dahil sa lungkot, dahil to sa tuwa kasi finally magkakasama na ulit tayong tatlo. Malaki po yung pasasalamat ko ngayon sa Kanya, Lo La! See you" Yun lamang ang nasabi ko at nakita ko nalang ang sarili ko na humahagulgol habang nakasalampak sa sahig.

Hindi ko namalayan ang oras, madilim na ang kalangitan hudyat na gabi na. Tumayo ako at nagpagpag, inayos korin ang sarili ko pero ang mata ko, Ang mata ko ang naging ebidensya ng ilang oras kong pag iyak. Pero wala na akong pake, ang importante makikita kona ulit sina Lola at Lolo. Malapit na!

Mula ng malaman ko ang karamdaman ko naging normal lang ulit ako. Kung pano ako mamuhay ay ganun parin, napasok parin ako sa school.

Nagring ang telepono ko at nakita kong si Dr. Medina ito, matapos nyang malaman ang tungkol sa sakit ko ay palagi nya na akong tinatawagan at sinasabing bumalik ako sa clinic nya.

Para matigil na ang pangungulit nito ay sinagot ko narin.

"Finally! Sinagot mo rin Elle. Can you please come here at my clinic to start your medication" saad nito. Napangiti naman ako

"Im so sorry po, pero buo na po talaga yung pasya ko na hinfi magpagamot at hayaan nalang po ang sakit ko, na hintayin ko nalang po ang kamatayan ko" Pagkatapos kong bitawan ang mga salita iyon ay pinatay kona ang tawag at sinilid na sa bag ko ang aking telepono.

Sumandal ulit ako sa puno, nasa puno kasi ako ngayon. Malapit ito sa field sakto dahil ang mga dahon nito ay makakapal sakto lang na matakpan nito ang mga araw. Makulimlim dito kaya dito ko napagpasyahang magpalipas ng oras dahil nga mamaya maya pa ang next subject ko.

"Your Elle Santos right?" Biglang bungad ng isang tinig kaya napadilat ako. Istorbo naman.

Tango lang namna ang sinagot ko dito, naupo ito sa tabi ko kaya umusod ako.

Ano naman kayang ginagawa ng Prince Charming ng school namin dito? At ang malala kinakausap pa ako. May kailangan ba to?

"Im not interested on you, im just here because some of your classmates have a problem on you. May pinagsasampal kadaw kanina" mahabang paliwanag nito. So? Trabaho nya napala ngayon ang magayos ng gulo?

Oo tama kayo, may sinampal ako kanina. Kasi nakaupo lang naman ako s aupuan ko ng maglapitan ang kampon ni Dentie ang dami nila as in napapaligiran ako eh saktong nahihirapan akong huminga nakiusap ako sa kanila na lumayo muna pero gustong gusto nilang makita yung telepono ko kaya hindi nagpaawat sa gigil ko nasampal ko.

Ginawaran kolang namna sya ng isnag thumbs up bago pumikit na ulit.

"Alam mo bang mali yung ginawa mo? Buti saakin lang sinabi hindi sa council" saad nito, hindi ko namna pinansin.

"Hey! Im talking to you!" Sigaw nito, dinilat ko namna ang mata ko at tinignan sya, oo gwapo sya hindi naman kasi sya mababansagang prinsepe kung hindi sya gwapo.

"Anong kailangan mo?" Pormal na tanong ko dito. Natigilan naman ito at tumitig sa akin.

"I want to be your friend" sagot nito sabay lahad sa akin ng kamay nya. Friend? Hindi ko kailangan yun saka lilisanin konarin naman ang mundong to wala ng use.

"I dont need a friend" sagot ko dito.

"You need me" sabay turo nya na sa sarili nya inirapan kolang sya at pumikit nalang ulit.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako, pagbangon ko ay nagulat ako ng may blanket na nakapatong sa akin. Tinignan ko naman ang katabi ko at wala na si Ivar. Mabuti naman yun wala nang sagabal, sakanya kaya tong blanket? Tatanggalin kona sana ng may makita akong sticky note.

Hey Elle,

I want to be your friend, its my blanket please keep it. Sory if im not there when you wake up i need to go to my class. See you soon!

Lucian Ivar

Aba! Ang kapal rin naman ng mukha nun gagawin pa'kong taguan ng blanket nya. At ano daw ipupush nya talaga na maging kaibigan ko sya ha!