webnovel

CHAPTER ONE

"My Name"

I woke up in a room painted with white. I was lying on this soft bed and I noticed that I was only wearing white slack. I can't remember why I am here. I can't remember even my own name. I can't remember everything.

Medyo masakit ng kaunti ang aking ulo. Nang gumalaw ako para bumangon ay agad akong may naramdamang napakasakit na parte sa kaliwang balikat ko. Agad akong namilipit sa aking naramdaman.

I felt like my bone's piercing my flesh.

Sa bandang dulo ng silid ay mayroong salamin. Napakunot ang noo ko dahil walang repleksiyon na nililikha ang salamin na iyon. Siguro ay dahil sa pinturang puti na nababalot sa buong silid.

Ilang minuto ang nakalipas ay mayroong pinto ang bigla nalang lumitaw at agad namang lumabas ang isang babaeng nakasuot ng puting coat. Base sa suot niya ay alam kong isa siyang doktor.

"You're awake," sabi nito at ngumiti ng sapilitan.

Isa siyang babaeng doktor na parang ang edad niya ay nasa mid-thirty pero di makakaila na isa siyang magandang babae.

"I am Doctor Sam," pagpapatuloy nito. "How are you feeling? I know that you have suffered a severe injury but I am impressed how your body was able to survive."

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya sa pangalawang pagkakataon. Wala akong alam kung ano ang pinagsasabi niya.

Hindi ko nga maalala ang sariling kong pangalan pero base sa kanyang mga binitawang mga salita ay nagkaroon ako ng ideya. Siguro ay nahulog ako mula sa mataas na gusali at nabugok ang ulo ko kaya hindi ko maalala ang lahat. O hindi kaya'y nasagasaan ako ng kotse at nagpagulong-gulong sa kalsada hanggang sa nauntog ang ulo ko sa matigas na bagay.

Seems like I am making a horrible scenario that it caused my head to hurt. My vision was slowly blurring to the point that I am about to puke.

"Don't force yourself to remember all the things you have done to your past," she said and looked me straight to my eyes, "It won't help you in your condition. As far as I know, you have a temporary amnesia," she continued.

"W-What?"

She didn't reply and automatically walked away from me and swiftly stopped at the door where she was appeared earlier.

"Follow me," she said without any expression on her face. "By the way, put some shirt on. It's kinda cold outside."

Pagkatapos niyang masabi iyon ay agad kong hinanap ang puting T-shirt at agad iyong sinuot. Pumasok kaming dalawa sa pintong biglang lumitaw sa silid kanina. Nakarating kami sa isang mahaba at malawak na pasilyo.

Nakakasalubong namin ang mga taong kakaiba ang mga suot.

Mayroong nakasuot na kapareho ng suot ni Ms. Sam. Mayroon din na nakasuot na isang helmet at war suit. Bitbit din nila ang kanilang mga rifle at ang iba naman ay mga pistol.

Nagkakaroon na ako ng kutob sa lugar na ito. Parang isa itong military base facility o headquarters. Wala naman akong ideya kung bakit ako nandirito. Baka isa akong refugee na ibibilanggo sa lugar na ito. Dahil sa mga kakaibang kong mga iniisip ay hindi ko mapigilang kalibutan. Hindi ko maitago ang kaba ng aking dibdib dahil sa walang humpay na paglabas ng aking pawis sa aking noo at likod. Halos 'di ko rin maihakbang ng maayos ang mga paa ko sa sobrang panginginig.

I don't know if the place and the people that I saw was real or my brain just projecting a fake visions to deceive my eyesight.

Sa bawat taong nakakasalubong namin ay binabati nila si Ms. Sam ng:

Good Morning or Good Morning, May the Justice be with our side.

Wala namang tugon si Ms. Sam sa mga taong bumabati sa kanya. Baka mataas ang kanyang posisiyon kaya hindi niya kailangang gantihan ng pagbati ang mga ito.

Nang makarating kami sa isang Elevator Glass ay agad niyang pinindot ang numerong 7. Probably we are going to seventh floor but I was wondering how many floors this headquarters have.

This elevator was quite stunning. It's actually made of glass. We can see all the people around the hall and they barely see us travelling inside this elevator. My eyes got widened after I saw a giant tank from my left side. A lot of dudes marching around it and after a moment, a chopper entered inside the hall. I was amazed of what I saw. There was also a bunch of cars and all of them was black.

My scenery changed as the elevator continued to go up and arrived at 7th floor. This is our destination. The elevator opened itself and we saw a long hallway. This hallway was different from the hallway I saw earlier. It had some expensive portrait hanging from the wall. An expensive sculptured man figurines. A relaxing scent of flowers inside the giant vases. The sunlight from clerestory window bumped on my skin and I felt the warm of it. It gave me summer vibes and that was the best moment to sleep after a tiring day.

"We're here." Ms. Sam destroyed my fantasies as we stopped in front of a huge door. She opened it and my eyes was blinded by the sunlight coming from a huge window. A man was standing behind those windows and I saw only his silhouette. Seems like he was a king watching all of his countrymen inside his big and powerful castle.

"General Sebastian. Here's your nephew," sabi ni Ms. Sam at bigla nalang siyang naglaho ng parang bula. Mabilis kase siyang umalis na hindi ko namalayan. Narinig ko nalang ang pagsara ng pinto.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ms. Sam.

Nephew daw? Tito ko ba yang lalaking nakatalikod? Naguguluhan ako sa mga nangyayari.

Dahan-dahan siyang lumingon sa akin at umupo sa kanyang upuan. Nasa harap niya ang isang eleganting lamesa at mayroon itong Newton's Cradle at mga babasahing libro.

Nahagilap ng aking mga mata ang isang librong may pamagat na Falling like the Stars. Hindi ko nabasa kung sino ang author nang bigla niya itong inilagay sa kanyang book shelf. Halatang naninigarilyo siya dahil sa mga upos ng sigarilyo sa kanyang ash tray.

Mayroong wall clock sa kanyang pader at nasa 9:23 na ng umaga. Mayroon din na sofa sa kanyang opisina na napapatungan ng mga napakaraming libro.

Paniguradong matalino ang taong ito dahil sa kanyang mga binabasa. Nanaig pa rin ang katahimikan sa kanyang opisina dahil abala siya sa kakaayos ng kanyang mga libro. Nakatayo lang ako habang pinapanood siya sa kanyang ginagawa.

"I never thought that you will grow like that." Pagbasag niya sa katahimikan. Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. Talaga ba n tiyo ko ang lalaking ito?

"Based on your body shape and body posture, your dad probably trained you very well," pagpapatuloy niya, "You're in a good shape, my nephew," mahinahon niyang saad at agad na ngumiti ng napakalapad at bigla akong niyakap ng mahigpit.

Nagulat ako sa ginawa niya at heto na naman ako, naguguluhan sa mga nangyayari. Mas mahigpit ang yakap niya nang bigla siyang humagulgol sa pag-iyak.

"If I only came to your house as early as possible, you don't have to suffer like that," sambit nito habang umiiyak. Hindi ko napansin na umiiyak na rin pala ako. Wala akong ideya kung bakit patuloy na lumuluha ang aking mga mata. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at inayos ang kanyang sarili, "dahil nalaman ko ang balita na mayroon ka raw na amnesia ay hayaan mo akong magpakilala," sabi niya at agad na tumingin sa akin ng deritso, "I am General Sebastian Diasque, youngest son of your grandparents."

Mas lalo iyong nagpagulo sa aking isipan. Totoo pala talaga na tiyo ko ang taong ito at ang apelyido ko pala ay Diasque. Pero bakit hindi ko siya maalala. Sinabi nila sa akin na mayroon akong amnesia pero wala silang binanggit kung bakit ako nagkaroon ng amnesia.

It felt like I am an empty jar. Just transparent that they can see through me, and craving to be fill up with knowledge that I need.

"Ang pangalan ng ama mo ay si Siyaszo Diasque, The elder son of Diasque Family," pagpapatuloy nito.

"A-ano?" I stammered. I can't absorb all the names he mentioned.

"Are you okay?" tanong nito sa akin at nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

Unti-unting sumakit ang ulo ko habang pilit kong inaalala ang sarili kong pangalan. Sa sinabi niyang Diasque ay parang mayroong sumagi sa isip ko na isang salita na hindi ko maalala. Kahit anong gawin ko ay 'di ko pa rin iyon maalala.

Nilapitan niya ako at tinignan sa mga mata. Bago pa siya makapagsalita ay agad ko siyang tinanong.

"W-What is... m-my... name?" tanong ko sa kanya habang iniinda ang sakit ng ulo ko.

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak pero 'di ko manlang alam ang dahilan kung bakit ako umiiyak.

Napangiti pa ito ng bahagya habang binibigkas ang nga salita na lalabas sa kanyang bibig

"Your name is..." dahan-dahan niyang pagsalita habang hinintay ang susunod niyang sasabihin.

"My one and only nephew, The last Heir of Diasque Family, Your name is..."

Dammit... Can he said it quickly without any suspense?

"Kylvin Diasque."

Thank you for reading. :)