webnovel

Stunning Effect

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa loob ng kuweba kung saan naroroon ng Bee Empress, kinayang labanan ng aura ng divine power ni Nan Gongsheng ang aura ng Bee Empress sa maiksing panahon. Sa labas ng kuweba, kasalukuyang napanatili nina Zhao Feng at Mo Dongyao ang sitwasyon.

Nasa kanilang harapan ang kalahating nabuo at iba't ibang kulay na honey. Lubha itong nakaaakit; kaya nitong makatulong upang umabot ang isa sa Mystic Light Realm.

Gayunpaman, kahit pa sa ganitong sitwasyon, nananatiling kalmado si Zhao Feng. Nakatingin lamang sa Bee Empress sa kanilang harapan ang kanyang kaliwang eye-bloodline. Biglang nanigas ang katawan ni Zhao Feng nang magsimula siyang mag-pokus.

"Zhao Feng, bilis!"

Nagsimulang lumabas ang malalamig na pawis sa noo ni Nan Gongsheng habang nagsisimula nang mayanig ang kulay lila at dugong marilag na ilaw sa kanyang paligid at kumikislap kasama ng lila at pilak na ilaw. Pinadaloy niya ang lahat ng kanyang lakas ngunit hindi napigilan ang Bee Empress.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com