webnovel

Soul Body

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Dahan-dahang bumaba si Duanmu Qing at nagsalita, " Pagkatapos ng rebolusyong ito, mas lalakas ang God Eye ni Zhao Feng."

Personal niyang nakita ang ebolusyon ng kaliwang mata ni Zhao Feng noon sa Mystic True Sacred Clan at kung gaano ito mas lumakas. Kahit na si Zhao Yufei, na nakakuha ng tulong mula sa Little World at sa Purple Saint Partial Spirit ay hindi makalalaban sa kanya.

Gayunpaman, ang paggalaw sa enerhiyang inilabas ni Zhao Feng ay tila hindi lumalampas sa soul-dimension. Bagkus, lumampas ito sa pisikal na dimensyon. Hindi ito nagtataglay ng anyo o mga batas na ikinalito ni Duanmu Qing.

"Pagkatapos ng nakaraang ebolusyon, mas lumakas ang Soul Intent ni Zhao Feng. Sinong nakaaalam sa mangyayari ngayon?" Napupuno ng ngiti si Duanmu Qing sa kanyang pag-aabang dito.

"Sacred Lord Duanmu, pumasok po kayo." Agad na pumunta si Bi Qingyue at hindi naglakas-loob na magkamali.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com