webnovel

Periphery Disciple

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Madilim na nakatitig si Shi Weinan kay Zhao Feng. Noong nakaraan lang, ipinahiya siya ni Zhao Feng sa harap ng maraming worker disciples. Pagkatapos ng sandaling iyon, sinimulan agad ni Shi Weinan na gamitin ang mga koneksyon niya sa mga periphery disciples para may periphery disciple na pumunta kay Zhao Feng upang turuan siya ng leksyon. Sa pamamagitan nito, nagawa niyang maibalik ang kaniyang dignidad, pati na rin ang takot ng mga worker disciples.

Ang kabataang may mahabang mukhang iyon ay isang periphery disciple ng Spiritual Race na may cultivation ng isang Rank One Quasi-God. Nasaksihan ng iba pang mga periphery dicsciples, na pumunta roon para makita si Zhao Feng, na magsisimula nang gumalaw ang kabataang may mahabang mukha, kaya nagtigil silang magdaldalan at nag-ayos para panoorin ang palabas.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com