webnovel

Pangamba

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Habang inaatake ni Zhao Feng ang warship ng Heaven's Legacy Race pagkatapos niyang magising, ang iba pang mga sinaunang halimaw at mga kampon ng Lightning Race ay nagising rin mula sa kanilang mga panaginip, at silang lahat ngayon ay inaatake na ang Heaven's Legacy Race.

"Ang matandang ito ay papatayin ka!"

Sumigaw si Yu Liuping, nag-uusok sa galit.

Kesa ang kalabanin siya, napagdesisyunan ni Zhao Feng na tumuno sa kabuuang laban, pinipinsala ang warship ng Heaven's Legacy Race at pinapatay ang God Lord ng Heaven's Legacy Race.

Sa paraan na ito, ang Heaven's Legacy Race ay wala nang lamang sa mga pwersa ng Light Race Divine kingdom.

"Wala ka nang pagkakataon!"

Sa isang malamig na singasing, sinugod ni Zhao Feng si Yu Liuping.

Sa sandaling ito.

Bzzzzz! Broooom!

Isang matinding spacetime pressure ang bumaba sa mundo at patungo sa mga miyembro ng Heaven's Legacy Race.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com