webnovel

Pagiging Banayad Upang Matalo ang Kahirapan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Naramdaman ni Zhao Feng na tila pumasok ang kanyang atake sa karagatang may limang kulay, at malaki ang binagal nito. Ang ipo-ipong may limang kulay ay nagsimulang umikot sa ibang ibayo, at ang gitna nito ay tila kumulo.

Halata na ang mutated Blood Devil Sun Bloodline ni Zhao Feng ay lubhang malakas sapagkat mayroon itong nakasusunog na pagsabog na epekto. Hindi mahirap na ito ay tunawin.

Weng~~ Weng~ Weng~

Ang dalawabg kapangyariihan ay nagkaroon ng interaksyon sa himpapawid bago magsimulang magyanig ang ipo-ipo ni Xin Wuheng.

"Lightning Wings Flying Technique!"

Ang pakpak ng Water Lightning sa likod ni Zhao Feng ay wumagayway kasabay nang pagsulpot niya sa taas ni Xin Wuheng.

Bam!

Ang orihinal na pwesto ni Zhao Feng ay binalot ng limang kulay na liwanag na lumamon sa lahat ng bagay na sakop ng ilang dosenang yarda. Ang katakot-takot na pwersa ay naging dalihan upang masindak ang lahat ng taong naroon.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com