webnovel

Paghabol

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa gitna ng kaguluhan, nakakuha ng malaking tubo sina Zhao Feng at Nan Gongsheng na halos nagpapula sa mata ng mga taong naroroon.

Sa oras na iyon ay nagsisimula nang huminto ang labanan nila para sa mga kayamanan at sa gintong kalansay.

"Kinuha ng magnanakaw na iyon ang gontong kalansay!"

"Huwag niyong hayaang makatakas ang dalawang iyon!"

Ilan sa mga half-step Kings at Void God Realm Kings ay binago ang puntirya nila papunta kay Zhao Feng at Nan Gongsheng. Hindi lamang ito dahil sa dami ng yaman nila, kung hindi dahil sa mga ninakawan rin nila noong nakaraan. Ito ay para rin sa paglabas nila ng galit at inis.

Ilan sa mga anyo ng King-level ay nagsimulang lumapit kina Zhao Feng at Nan Gongsheng, na siyang nagbuo ng isang sirang bilog.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com