webnovel

Pagbabalik

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi inaasahan ng lahat ang pagbabago sa mga pangyayari.

Panggulo lamang ang Blue Serpent King at ang Thousand Changes Illusionist Dragon. Naibigay na ang susi sa iba.

Bilang isang nilalang na nabubuhay sa hindi mabilang na milenya, alam na ng Black Serpent Dragon ang lahat ng nangyayari sa Xie Yang Palace at minaliit ng mga tao ang talino nito.

Walang may sapat na oras upang magbigay ng reaksyon.

Crack!

Bumukas nang may malutong at tila metal na tunog ang itim na kadenang sing-kapal ng bariles sa Black Destruction Serpent Dragon na kinakatawan ang kawalan ng pag-asa sa tapat ng Heaven at Earth.

"Matatapos na ang lahat ngayon! Uunahin kong pira-pirasuhin kayong mga langgam at sunod na sisirain ang mga pag-aari ng Xie Yang."

Nagpakawala ng mahabang paghugong ang Black Destruction Serpent Dragon kasabay ng paglabas ng pula at itim na apoy sa malaki at makaliskis na likuran nito.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com