webnovel

Mga Pagkilos ni Zhao Feng

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tinanong ni Zhao Feng kung saan matatagpuan ang dibisyon na may koneksiyon sa Heaven's Legacy Race.

Napailing si Xin Wuheng. "Brother Zhao, mas mainam kung hindi ka magbabasta-basta!"

Naiintindihan ni Xin Wuheng kung ano ang mga abilidad ng Heaven's Legacy Race.

Malakas ang loob niya na kung nanaisin ng Heaven's Legacy Race, kayang-kaya nilang talunin ang Giant God Hall.

Subalit, hindi magandang ihayag ng Heaven's Legacy Race ang kanilang sarili ngayon, at hindi rin ito ang tamang panahon upang makisali sa power structure ng Chixing Zone.

Nakaraan lamang ay lubhang naapektuhan ang Ancient Soul Hall at nagkawatak-watak ito. Kung magdedesisyon ang Heaven's Legacy Race na atakihin ang Giant God Hall, hindi lamang tutunganga ang Sacred Land ng Chixing Zone.

Sa katotohanan, wala namang bagay na taglay ang Giant God Hall na nais makuha ng Heaven's Legacy Race.

"Ang lakas ng loob ng lahing ito. Determinado silang kuhanin ang iyong God Eye!"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com