webnovel

Matagumpay na Pagpipino

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Walumpung porsyento ng mga tao sa limang kulay na palasyo ang dumating upang masaksihan ang pangyayari.

"Brother Zhao..." Hindi alam ni Quasi-God Jian Feng ang gagawin. Humaharap ngayon si Zhao Feng sa napakaraming kalaban. Kahit ang isang Quasi-God Jiang Feng ay bahagyang natatakot. 

"Huwag kang magpadalos-dalos!" Dagliang banta ng matandang babae na may bughaw na buhok ng Sky Haze Race.

Ang isang maliit na tulad nila ay walang maitutulong kay Zhao Feng at maghuhukay lamang ng kanilang sariling libingan. Kung kikilos sila kasama ang napakaraming tao upang nakawin ang kayamanan, paniguradong aalis silang walang maiuuwi.

Ilan sa mga mas mahihinang grupo ay nagdesisyong piliin na lamang manatili sa tabi tulad ng Sky Haze Race. 

"Patayin!"

Halos tatlumpung eksperto ang tumulak pababa sa tatlong grupo ni Zhao Feng, madaling nagdulot ng mabigat na presyur na pinahirapan silang gumalaw. 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com