webnovel

Masyadong Mahina Ang Lahat

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Zhao Feng… tinutupad lamang namin ang iyong kahilingan!" malamig na sinabi ng isang payat na binata na ang balat ay nababalutan ng itim na mga batik.

Kung ang tatlong ito ay magtutulungan upang harapin ang isang True God na kapareho nila ng antas, ang kanilang reputasyon ay mapipinsala. Dahil dito, bago ang labanan, nagpasiya ang binata na ito na bigyang-diin muli na si Zhao Feng ang nagnanais na tatlo silang lalaban sa kaniya ng magkasama.

"Hindi ito maaari. Nais ba talagang hamunin ni Zhao Feng ang tatlong tao na ito na kaparehas niya ng level? Kakarating niya lamang Heavenly Divine Realm." Karamihan sa mga taong naroon ay naniniwala na si Zhao Feng ay masyadong mayabang.

May mapaglarong ngiti si Zhao Feng sa kaniyang mukha habang sinusuri niya ang trio.

"Tara!" sumigaw ang binatang may itim na mga batik. Siya'y sawa nang makita ang mayabang at mapagmataas na mukha ni Zhao Feng.

 Boom! Boom! Boom!

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter