webnovel

Labanan ng mga Bagong Stars

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang pitong realms na kilala sa mundo ay: Consolidated Realm, Ascended Realm, true Spirit Realm, Origin Core Realm, Void God Realm, Mystic Light Realm at Heavenly Divine Realm.

Kapag umabot ang isang tao sa Void God Realm o mas mataas pa dito, ang kanilang anak o apo ay maaring magkaroon ng pagkakataon na makatanggap bloodline power.

Kung ang isang tao ay umabot sa Heavenly Divine Realm at kinilala ng langit at mundo, halos lahat ng kanyang tagapagmana ay maka tatanggap ng bloodline power. Ang pagkakaiba lamang ay kung gaano kalakas ang bloodline power at kung kailan ito mabubuhay.

Ngunit ang pinakamataas na realm sa kontinenteng ito ay ang Origin Core Realm.

Sa nakaraang sampung libong taon, tanging ang Scarlet Moon Patriarch ay may pagkakataon na umabot sa Void God Realm.

"Mukhang ang mga taong may bloodline power ay mayroong mahabang kasaysayan at ang bloodline ay lumalabo na ng lumalabo dahil sa paglipas ng panahon. Ang tsansa n mabuhay ito muli ay mababa rin." Sinuri ni Zhao Feng at napagtanto niya na ang kasaysayan ng bloodlines ay hindi simple.

Maaring sabihin na ang mga taong may bloodlines power ay mga anak ng Heaven na iningatan ng mga ninuno nila.

Siyempre.

Mayroon ding bloodline power si Zhao Feng, ngunit hindi ito galing sa kanyang mga ninuno. Ang kanyang paraan kung paano niya ito nakuha ay kakaiba.

Ang finals arena.

Ang dalawang prodigies na parehong may bloodline powers ay matinding naglaban at nagpasabog ng lakas na lumagpas sa limitasyon ng kanilang kasalukuyang cultivation.

Sa sandaling ito, ang battle power ni Ao Yuetin ay maikukumpara na sa isang half-step True Spirit Realm at lahat ng kanyang aspeto, opensa, depensa at galaw ay perpekto.

Ang kalamangan ni Zhao Yufei ay nagmula sa compatibility rate ng kanyang True Force at flesh. Ito ay naging dahilan upang mas maging puro ng kanyang True Force at ang pwersa nito ay 1.5 beses na mas makapangyarihan sa iba.

Ang kanyang buto ay mas nakikita at kuminang noong sumanib ang True Force dito. Ito ay nagbigay sa kanyang katawan ng kakayahan na gumalaw ng mabilis sa hangin kagaya ng duwende at kahit hindi siya kasing bilis ni Ao Yuetian, mas maliksi naman siya dito.

Ngunit matapos ang 40-50 na atake, natalo na si Zhao Yufei.

"Ang pagkakaiba ni Zhao Yufei at Ao Yuetian ay ang kakulangan sa cultivation at skill. Dagdag pa ang kanyang bloodline power ay hindi pinataas ang kanyang combat power."

Hindi na nagulat si Zhao Feng - ito ay kanya ngang inaasahan.

"Salamat Yufei." Ngumiti si Ao Yuetian at nanatili ang kanyang postura.

Nakuha niya ang kanyang mithiin - ang talunin si Zhao Yufei ng patas, upang maging masunurin ito sa kanya at maaring umasa na rin ito sa kanya sa hinaharap.

Sa kabila ng lahat, karamihan sa babae ay gusto ang mas malakas na lalaki dahil mas nararamdaman nilang ligtas sila.

Gayunpaman, noong matalk si Zhao Yufei, siya ay kalmado at mukhang hindi siya apektado.

Bakit ito ganito?

Galit si Ao Yuetian at masama ang kanyang kalooban.

Kahit na natalo si Zhao Yufei, hindi pa rin siya nito nirerespeto, kaya paano magkakaroon ng paghanga at aasa sa kanya?

"Natalo ko siya sa parehong paraan na ginawa ni Zhao Feng, ngunit si Zhao Yufei ay hinahangaan siya at ako'y hindi… mukhang ang naunang to ang mas mahalaga."

Kumislap ang mga mata ni Ao Yuetian nang maintindihan niya ito.

Ito ay dahil mas kilala ni Zhao Feng si Zhao Yufei bago siya at ito ay nangyari noong mga bata pa sila.

Sa mga oras na iyon, ang pananaw ng babaeng ito sa buhay ay hindi pa buo at madali sa kanya na makaramdam ng paghanga at pag-asa.

Ngunit ngayon, malaki na si Zhao Yufei at buo na ang kanyang puso. Hindi na madaling mapa hanga siya kagaya noon.

"Hindi naman sa wala ng solusyon. Kung matatalo ko si zhao Feng, maari kong palitan ang pwesto niya sa puso ni Zhao Yufei."

Ang malamig na ekspresyon ni Ao Yuetian ay napalitan nang mainit na ngiti nang makaisip siya ng solusyon.

Ang solusyon ay si Zhao Feng.

Kahit siya ay isa sa Four Stars, katulad niya, may tiwala si Ao Yuetin sa kanyang sarili. Ang kanyang bloodline power ay mas malakas na at mas master niya na ang kanyang Moon God War.

Pinanood ni Ao Yuetian ang laban nina Zhao Feng at Xu Zixuan.

Ang dahilan kung bakit natalo si Xu Zixuan ay dahil masyado siyang kumpyansa noong simula kaya siya natamaan ng Louhou Bow ni Zhao Feng.

Sa puso ni Ao Yuetian, si Zhak Feng ay isang Star, ngunit may mga pagkakaiba pa rin sila nito, ni Cang Yuyue at Lin Tong.

Ang finals arena.

Ang ikalawang labanan ay natapos na.

Maliban sa Four Stars, ang natitirang mga henyo ay mayroong mga panalo at talo.

Ang mga nanonood sa arena ay umaasa sa laban ng mga Four Stars.

Ang ikatlong labanan.

Si Cang Yuyue at Lin Tong ay pumunta sa taas at agad nilang tinalo ang kanilang mga kalaban.

Pagkakataon na ni Zhao Feng.

"Zhao Feng laban kay Ao Yuetian." Malinaw na anunsyo.

Hua!

Ang mga nanonood at mga disipulo ay hindi mapigilan ang kanilang kasabikan.

Labanan na sa pagitan ng mga Stars.

"Magaling!" Tumawa si Ao Yuetian sa kanyang puso.

Kahit anong gusto niya ay nangyayari. Mukhang dinidinig ng langit ang kanyang dasal.

Sa Four Stars, ang pinaka gusto niyang makalaban ay si Zhao Feng.

Ang lakas nina Cang Yuyue at Lin Tonv ay katakot-takot at wala siyang kumpyansa na matatalo sila. Ngunit ang lakas ni Zhao Feng ay kaparehas lamang sa kanya, maari niyang mapalitan ang pwesto ni Zhao Feng sa puso ng kanyang diyosa.

Kailangan nuyang manalo sa labanan na ito.

Naglabas si Ao Yuetian ng hindi maubos na battle intent. Ang labanang ito ay makakaapekto sa kanyang Alliance Banquet, apektado ito kung makukuha niya ba ang puso ng kanyang pangarap na babae, at ang kanyang tadhana.

Sa kabilang banda, si Zhao Feng ay walang emosyon na naglakad sa arena.

"Ito ay magandang pagkakataon…"

Kalmadong tinignan ni Zhao Feng si Ao Yuetian na kumikislap ang mata.

Anong kabwisitan ang pina-plano ni Zhao Feng.

May pakiramdam si Ao Yuetian na siya ay kiankalkula, ngunit siya ay tiwala sa kanyang bloodline power at Moon God War.

Tungkol sa opensa, depensa at bilis, maikokonsidera na siya ay perpekto at walang kahinaan.

Bukod pa dito, ang kanyang cultivation ay umabot na sa 7th Sky at siya ay may bloodline power at wala nito si Zhao Feng at nasa 6th Sky pa lamang ito. Paano ito makalalaban sa kanya?

Kung hindi siya mananalo sa laban na ito, pwede na siyang maghanap ng bloke ng tokwa at patayin ang sarili sa pag palo nito sa kanyang ulo.

"Simulan na." Anunsyo ng hukom sa True Spirit Realm.

Hindi agad na gumawa ng atake si Ao Yuetian sa halip ay sinimulan niyang paikutin ang kanyang bloodline power.

Moon God War Body.

Isang silver light ang pumalibot kay Ao Yuetuan at ang kanyang aura ay mabilis na namukadkad, sapat na upang talunin ang mga normal na cultivators sa 5th Sky.

Lightning Wind Palm.

Si Zhao Feng ay napapalibutan ng mga arko ng kidlat at itinira niya ito kay An Yuetian.

Baliw ba ang lalaking ito?

Tumalon sa takot si Ao Yuetian - tila gusto siyang patayin ni Zhao Feng.

"Moon God's Palm."

Ang kanang kamay ni Ao Yuetin ay naglabas nang maliwanag na sinag ng silver moonlight na bumuo ng hugis espada na tumama sa Lightning Wind Palm ni Zhao Feng.

Peng----

Ang dalawang katakot-takot na pwersa ng mga enerhiya ay sumabog.

Naramdaman ni Ao Yuetian ang kanyang pulso at ang kanyang katawan ay bahagyang namnahid.

Boom!

Napaatras si Zhao Feng ng ilang yarda.

Sa salpukang ito, ang tapang ng depensa at opensa ni Ao Yuetin ay nakita.

"Dance of Wind and Lightning!" Sigaw ni Zhao Feng kasabay ng mga arko ng kidlat ang tumungo kay Ao Yuetian.

Sa oras na ito, sagad na ang pagkagamit ng Lightning Inheritance ni Zhao Feng at ang mastery ng kanyang Lightning Wind Palm ay malapit na sa peak 6th level.

"Sobrang lakas na kidlat!"

Naramdaman ni Ao Yuetian na ang hangin ay pinamugaran ng mapanirang aura. Pinaikot niya ang kanyang bloodline power upang mapalapot ang silver light na nakapaligid sa kanya at ang arko ng kidlat ay mabilis na nawala noong mapalapit ito kay Ao Yuetian.

Tungkol naman sa depensa, mas malakas si Ao Yuetian kay Zhao Feng.

Booom!

Sa ikalawang pagpapalitan napaatras ng ilang hakbang si Zhao Feng, habang si Ao Yuetian ay bahagyang nayanig lamang.

"Hahaha, sa iyong lakas na iyan, bakit hindi ka na lamang sumuko?" Malakas na tumawa si Ao Yuetian habang ang kanyang air of supremacy ay umabot na sa kalangitan.

Hanggang ngayon, 50-60% pa lamang ng kanyang boodline power ang kanyang ginagamit at madali niyang nahaharang ang mga atake ni Zhao Feng habang nakatatanggap ng bahagyang upper hand.

Nasuri ni Ao Yuetian na ang forte ni Zhao Feng ay opensa at ang kanyang mental energy techniques, Lightning Wind Palm at Louhou Bow.

Kung gayon kailangan lamang niyang ipagpatuloy ang kanyang ginagawa at dumepensa. Malapit na siyang manalo.

Tai!

Biglang sumigaw si Zhao Feng at ang kislap ng liwanag ay nagtungo sa isipan ni Ao Yuetian. Kumulo ang kanyang dugo at umalon ang Moon God War Body.

"Wala iyang silbi. Ang Moon God War Body ay mayroong malakas na pansalag sa mga gnyang uri ng atake."

Bumalik si Ao Yuetian sa moonlight kasabay ng pag atakeng muli.

Ang mental energy sound attack ni Zhao Feng ay bahagyang apektado sa Moon God War bosy ni Ao Yuetian.

Illusion Fish Lightning Arc Step.

Mula sa hangin ay ang huni ng kulog at si Zhao Feng ay naging mabilis at misteryoso. Ang Yin Shadow Cloak sa likod ni Zhao Feng ay ginawa siyang madilim na anino.

Hindi nagtagal, dalawang mabilis na mga pigura ang nagpalitan ng nakasisindak na atake.

Ang mga nanonokd sa paligid ng arena ay nalaglag ang panga.

Ang mga atake nina Zhao Feng at Ao Yuetin ay umabot na sa karurukan - maging sina Cang Yuyue at Lin Tong ay napa buntong-hininga.

"Tungkol naman sa bilis, si Zhao Feng ay kaparehas na ni Brother Ao lalo na noong ginamit niya ang misteryosong cloak. At tungkok namna sa kabatiran, si Zhao Feng ay mayroong upper hand." Naisip ni Zhao Yufei.

Ang Lightning Inheritance ay nagpapataas sa bilis at ang bloodline power at Moon God Shadow ay sumanib sa moonlight ni Ao Yuetian.

Ngunit si Zhao Feng ay mayroing Yin Shadow Cloak, na kailangan nangbakunting bloodline power upang magamit ito.

Sa kabuuan, si Zhao Feng ay mayroong kalamangan sa bilis, ngunit si Ao Yuetian ay may kalamangan sa depensa.

Sa puntong ito, ang labanan sa dalawang Stars ay pantay.

Ang dalawa ay naglaban nang mataas pababa, patuloy na umaatake.

Mabuti na lamang, sila ay nasa finals arena na ilang milya ang laki sapat na upang makagalaw ang dalawa. Ang normal na battleground ay masisira na sa ganitong sitwasyon.

"Nababaliw na ba si Zhao Feng? Mas nagiging mabagsik siya."

Gulat si Ao Yuetian sa kanyang puso.

Walang taktika si Zhao Feng at patuliy lamang siyang umaatake at nakikipag laban. Sa bawat direktang labanan, si Zhao Feng ay hindi nakakukuha ng upper hand, bagkus, siya at nawawalan.

At ang Moon God War Body ni Ao Yuetian ay sobrang lakas at 'di matalo.

At kahit na bahagyang napinsala na si Zhao Feng, patuloy siyang lumalaban. Kahit na siya ay nasaktan na, ang kanyang opensa at enerhiya ay patuloy na tumataas.

"Ayaw na ba ni Zhao Fengs sa kanyang buhay?" Sigaw ng mga disipulo sa paligid.

"Hehe, kaya pala." Bahagyang tumawa ang taong naka itim mula sa Iron Dragon Country.