webnovel

Ikaw ang Aking Sisisihin

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Nakabalik na sila!"

"Lumabas na si Kong Feiling!"

Nagsimulang nagsilabasan ang mga pigura nang sunod-sunod sa itim na entablado at natapos na ang lahat matapos ang ilang hinga.

Tinignan isa-isa ni Zhao Feng ang mga grupo sa entablado. Nasa kalahati ng grupo ang nakabalik - sa kabuuan ng apatnapu o limampung tao.

Mas lumakas ang aura na nagmumula kay Kong Feiling. Mayroon siyang matingkad na bistida, at natagpuan ni Zhao Feng na ang kanyang parehong True Yuan at bloodline aura ay mas malakas kaysa noong bago pa siya pumasok sa Divine Illusion Dimension, ngunit kaunti parin ang kanyang layo sa Void God Realm.

May ilang pamilyar sa grupo kay Zhao Feng, kasama na si Old Fei, Liu Tianfan, Huang Yunhu. Kahit si Senior Martial Brother Guang ay naroon. 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com