webnovel

Hindi Nakikitang Pwersa

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw, na mas malaki lamang nang kaunti sa isang palad, ay ikinaway ang Evil God Staff habang sumasayaw ito, na tila ba siya ang pari.

Sa pagkakataong iyon, walang kahit sino ang nangahas na hindi ito pansinin sapagkat ito lamang ang may kakayahan na makipag-ugnayan sa Evil God Crystal. Sa totoo nga lang, mas magaling pa siya kaysa sa snakeman priest.

Ang mga pinuno ng tatlong pwersa - sina Gu Chaozhi, ang kabataang naka-lilang roba, si Kong Feiling, pati na rin Tandang Fei - ay umaakto na tila ba nasasakal sila. Lalo na kay Gu Chaozhi at sa kabataang naka-lilang roba; hindi nila alam kung ano ang nangyari, at ayaw rin naman nila ng bagong pari matapos patayin ang una.

"Zhao Feng!" Ang mga elites ng Ten Thousand Sacred Clan ay napatingin sa isang gwapong lalaki dahil siya ang may-ari ng pusa.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com