webnovel

Ang Pagbabagong-Anyo ng Ancient God Seal

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos matiyak na kayang maramdaman ng tansong barya ang munting pusang magnanakaw, maingat itong sinuri ni Zhao Feng.

Iniregalo ni Liu Qinxin ang sinaunang tansong barya noong kaniyang tinutuklas ang Fan Lun Ancient Sound Palace. Sa kadahilanang ito, kahit naubos na ang enerhiya, hindi ito itinapon ni Zhao Feng, o hinayaang kunin ito ng munting pusang magnanakaw.

Ilang beses tiniyak ni Zhao Feng na nawala na ang enerhiya ng tansong barya, kaya bakit, matapos ang ilang dekada, ay muling nagkaroon ng kapangyarihan ng tansong barya? Talagang ito ay nakapagtataka.

At ang enerhiyang ito ay ay tila naiiba sa enerhiyang taglay noon ng tansong barya. Ang enerhiya ngayon ay mayroong mas malalim na enerhiya ng Destiny Dao.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter