webnovel

Ang Atake ng God’s Spiritual Eye

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Dalawang batang maestro, hayaan niyo na ako mabuhay. Ibibigay ko sa inyo lahat ng kayamanan ko…." Namumula ang magandang mukha ng babae habang nagmamaka-awa.

Mayroon siyang cultivation sa Void God Realm, at ang bloodline niya ay nagbigay sa kaniya ng nakakagulat na bilis. Kaya lamang ay masyado niyang minamaliit ang kaniyang mga kalaban kaya't nalaglag siya agad sa spatial domain ni Nan Gongsheng. Kinailangan niya ring pagtiisan ang pisikal na pwersa na binigay sa kaniya ni Zhao Feng.

Bihira ang Space-type domain ang domain ni Nan Gongsheng, kaya mahirap para sa kahit kanino ang makatakas dito. Dagdag pa doon na naghalo pa ito sa Evil God Crystal, ang lakas ng spatial domain ni Nan Gongsheng ay lumagpas na sa inaakala.

Naisip ng babaeng may pakpak na hindi siya makakatakas.

"Zhao Feng, anong gagawin natin sa kaniya?" tanong ni Zhao Feng.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com