webnovel

Ancient God sa Isang Hakbang

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang ika-pitong Divine Stage ay ang simbolo ng isang Ancient God!

Sa sandaling ito, alapaap sa malapit ay kumukulog at umiikot samantalang ang kalupaan naman ay dumadagundong at umaatungal tila ba ito ay pagsagot sa pagkilos ni Zhao Feng.

"Kaya ba nitong magtagumpay?"

Huminga ng malalim si Zhao Feng, ang pag-asa sa kaniyang isipan ay napalitan ng pag-iisip at pag-aalala.

Ang karamihan sa kaniyang mga resources ay nagdudulot upang makaabot siya sa Rank Six. Maaari bang magtagumpay sa pagbuo ang ika-pitong Divine Stage na ito?

Siyempre, hindi siya maaaring mangialam kahit na naisin pa niya.

"Hindi pa rin tapos ang pagbabago ng God Eye…" Tahimik na bulong ni Zhao Feng.

Sa sandaling ito, ang kaniyang kaluluwa ay sumanib sa mundo. Nakokontrol nito ang lahat ng mga bagay na nasa loob ng higit pa sa isang milyong li, at ang nasasakupan na ito ay mas lalo pang lumalawak.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com