1 Chapter I

Darelle

"Tara na!" Sigaw sa amin ni Bless.

"Oo Mano wait lang." Sabi ko at kinuha ang shoulder bag ko at isinabit sa balikat ko habang kinakain ang ice cream ko.

Hmm. Ang sarap talaga ng rocky road.

"What the!!! Huwag na huwag mo akong matawag na Mano dahil Bless ang pangalan ko! Hindi Mano!!" Sigaw niya sa akin at nagpamewang pa habang namumula ang pisngi. Iniimagine ko tuloy na may usok na lumalabas sa ilong niya. Pft...silly me.

"Psh....manahimik kayo." Sabi naman ni Blenda char Blade pangalan niya. Kakambal ni Mano pero babae iyan. Hahaha.

"Hay ewan ko sa inyo pasok na nga tayo Girls!." Sabi ni Jhon at inakbayan silang dalawa at tinanggal naman nilang dalawa ang akbay niya at inirapan.

"Ouch that hurts." Sabi ni Jhon at hinawakan ang dibdib niya sa may bandang puso at nagpout. Napangiwi naman kaming anim sa kaniya.

"Yuck brad ang bakla mo!" Sabi ni Gerold at nandidiring tinignan si Jhon.

"Ano? Ako bakla halikan kita dyan eh!" Sabi ni Jhon kaya nanlaki ang mata namin.

Pft.

"Ahh- hindi.....ano ang ibig kong sabihin! Ayt punta na nga tayong room late na tayo." Sabi niya at nagwalkout.

Napansin niyang hindi kami sumunod kaya bumalik siya.

"Ano ba bakit hindi kayo sumunod?" Tanong niya at tinaasan kami ng kilay.

"Tutal late naman tayo ng 20 minutes magcutting na lang tayo." Sabi ko at ngumiti ngunit tinignan nila ako ng masama.

"Tsk....kaya wala kang natututunan eh." Sabi ni Ashton at ngumisi.

"Bakit ikaw ba may natututunan?" Tanong ko at tinaasan siya ng kilay.

"Oo." Sabi niya at tinignan ako ng poker face.

"Eh ikaw ba meron." Tanong niya kaya tumango ako.

"Sige sino pumatay kay Lapu-lapu?" Tanong niya at nagcrossarms.

Psh ang dali.

"Edi si Magellan. Tsk." Sabi ko at nagchin up pa pero naguguluhan ako ng nagpipigil sila ng tawa.

"Tsk tsk tsk. Hindi si Magellan pumatay kay Lapu-Lapu." Sabi niya at umiling iling.

"Hoy si Magellan pumatay kay Lapu Lapu tsk pinagaaralan iyan ng elementary tas hindi mo alam?" Sabinko at tinaasan siya ng kilay ngunit napangisi lang siya.

"Paano makakapatay ang patay?" Tanong niya at ngumisi.

What The!!!

"Baka nagreincarnate...pft." sabi nila Gerold at Jhon.

"O kaya nabuhay ulit tas naging zombie." Sabi ng kambal na Blade at Bless. Psh.

"Ano ba bakit niyo ako pinagkakaisahan. Bad nyo. Hindi ko kayo lab." Sabi ko at nagpout.

"Love ka ba?" Sarcastic na tanong ni Blade kaya napairap ako.

"Oh sige tama na huwag na kayo mag-away. Pasok na tayo." Sabi ni Hades. Kabaligtaran ng pangalan niya ang ugali niya. Napakabait niyan at ang gwapo niyan kaya nga crush ko iyan eh hihihi.

Pakilala ko pala muna sainyo mga kaibigan ko.

Syempre girls muna.

Si Bless Mariano. 17 yearsold at nakatatandang kapatid ni Blade. Mas matanda siya ng 2 minutes kay Blade at siya ang pinakapikon sa grupo.

Si Blade Mariano. 17 yearsold at nakababatang kapatid ni Bless. Kumpara sa ate niya mas mature siya at siya ang pinakacold sa grupo.

Boys na.

Jhon Dela Cruz. 17 yearsold at ang pinakabakla sa grupo. Pft.

Gerold Anderson pero huwag kayo hindi niya kaano ano si Gerald Anderson. 16 yearsold at ang pinaka cassanova sa grupo. Mukha iyang mabait pero playboy iyan.

Ashton Mendez 17 yearsold at ang frienemy ko. Napakapilosopo niyan at talagang mapipikon ka sa kaniya.

Si Hades Cruz. 17 yearsold at ang pinakamatanda sa amin. Siya ang pinakamabait, pinakamatalino at ang pinakagwapo sa circke of friends namin. Kaya nga crush ko iyan pero ako lang ang nakakaalam. Ayaw kong ipaalam kila Ate Mano at Ate Blade. Pft.

Shh kayo ha ayaw kasi nung dalawa na tinatawag ko silang Ate.

And last but not the least the one and only me.

Save the best for last nga diba.

Si Darelle Santos. 16 at ang pinakabata sa grupo. Mag 17 na kasi si Gerold next next mext week at ako ay next mont pa hihi. Maganda,sexy char. Ikaw na bahala manghusga sa akin. At ako pala ang pinakajoyful sa grupo. Ako rin ang mahilig magprank sa grupo hihi.

"Uy Darelle pasok ka na." Bulong ni Blade kaya napatingin ako. Ay hayup nasa classroom na pala sila at ako nasa pinto pa lang. Dahan dahan akong pumasok dahil nagsusulat si Ma'am sa board. Pagnahuli kasing nakatayo sa klase niya ay pagsusulatin ng Essay na may 10 000 words.

Hay salamat nakaupo na rin.

Fast Forward

"Class dismissed." Sabi ng prof namin at isa isa na kaming nagsitayuan at agad akong tumakbo palabas.

Yehey uwian na.

"Huy hintayin mo kami." Sabi nila Blade at Bless kaya huminto ako.

"P7tangina ang bilis mo tumakbo hindi mo man lang kami hinintay." Sabi ni Bless at inirapan akoi.

"Tara na excited na ako magshopping." Sabi ko at ngumiti.

"Tara na." Sabi ni Blade at naglakad na papaalis at sumunod si Ate Bless. Maglalakad sana ako ng maramdaman kong may presensiya sa may likod ng puno na parang nakatingin sa akin kaya nilapitan ko ito.

Naramdaman kong gumalaw ito.

Sisilipin ko na sana ng...

"Huy! Ano ba Elle bilisan mo iiwan ka namin." Sabi nila kaya tumakbo ako papalapit sa kanila.

Napansin kong may nakatingin parin sa akin ngunit binalewala ko lang.

Tinatakot ko lang yung sarili ko.

Baka pusa lang yun.

avataravatar
Next chapter