webnovel

Wait For Me

Athena's staring at her hand that is trembling. Masama ang kutob niya sa biglaang pagkabasak ng baso. She feels like something's gonna happen. Something bad.

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay at sumulyap sa pinto. Kanina pa kasi umalis si Cyri at hindi pa ito bumabalik, nag-aalala na siya. Saan naman kasi nagpupunta ang asawa niya?

Matapos ang isang oras na paghihintay ni Athena, hindi na siya nakatiis kaya inilabas niya ang cellphone at tinawagan si Cyril. but her phone just keeps on ringing. Napatingin siya sa cellphone ng tuluyang hindi sinagot ng asawa ang kaniyang tawag. She called him again and again but nothing happened. Hindi parin ito sumasagot.

Mas lalo lang sumama ang kutob niya dahil doon. Mas lalo siyang nag-alala para kay Cyril. Kilala niya ang asawa. Alam niyang sasagutin nito ang tawag niya kahit gaano pa ito kabusy kaya ngayon namang hindi niya ito macontact, napuno ng kaba ang kaniyang dibdib.

"Bakit ba kasi hindi mo sinasagot yung tawag ko?" mahinang bulong niya na akala niya'y walang makakarinig kaya nagulat na lang siya ng may magsalita sa kaniyang likuran. "Sino, princess?"

Agad siyang napalingon sa kaniyang likuran. "Ahmm..." nakita niya yung lalaking unang nagsalita kanina ng ipakilala siya ng kaniyang ama.

"You can't remember me, can you? Well, hindi naman kita masisisi. You're still so little when we last saw you. Inilayo ka ni Kevin sa mundong kinagagalawan namin dahil ayaw niyang mapahamak ka but it looks like this is your destiny." saad nito at mahinang natawa bago ginulo ang buhok ni Athena.

Athena didn't feel any awkwardness. Siguro kilala niya na nga ito dati ng bata pa siya.

"By the way, I'm your Tito Leo and news flash my dear, you love playing with me the most."

Hindi pa man siya nakakapagreact sa sinabi nito, may umangal na kaagad doon. "Geez, don't lie too much, Leo! Alam nating lahat na ako ang paborito ni Athena sa ating lahat."

Nabaling ang kaniyang paningin sa nagsalita. The woman who spoke a while ago is the woman who opposes what her Tito Leo said.

"Oh, shut the hell up, Sheila! You know it's me! I-"

"No, you shut up Leo! I'm t-"

"Leo and Sheila, stop!" sabay sabay na nalipat ang tingin nila sa nagsalita. It's Athena's father. He's the one who cuts Leo and Sheila from arguing. "Ako ang paborito ng anak ko ka-"

"Oh, shut up!" napaiglad si Athena sa pagsigaw ng kaniyang Tito Leo at Tita Sheila. They both stop her father from talking. Ng makabawi siya sa pagkagulat, hindi niya mapigilang matawa kaya napalingon sa kaniya ang tatlong nag aaway away kung sinong paborito niya. Natawa na lang rin ang mga ito dahil sa nangyari.

"Wala pa rin talagang nagbabago. You three still acts the same. So childish." mas lalo siyang natawa habang napasimangot naman yung tatlo ng sumingit ang kaniyang ina mula sa may gilid Mukhang narinig nito ang pag babangayan nila.

"By the way, my baby, where's your husband?"

Doon bumalik kay Athena lahat ng kaba at takot na nagawang alisin saglit ng kaniyang Tito, Tita, Papa. May pag aalala siyang tinignan ang mga ito. "I...I don't know. He's not answering my call. Ang sabi niya sa akin kanina, aalis lang siya saglit but it's been an hour since he left."

Lumapit siya sa kaniyang ina. "Mama, I'm nervous. I felt like something's wrong."

Napansin ng mga ito ang sobrang pag aalala niya kaya kaagad na kumilos ang mga ito. "I'm going to dismiss the meeting first." saad ng kaniyang ama.

"I'll try to track him. Just give me his number, princess." aniya naman ng kaniyang Tito Leo. Kaagad niya itong sinunod at binigay niya ang number ni Cyril.

"I can also feel that something's going to happen. I'll ready our men." her Tita Sheila said and immediately go back to her seat and opened her laptop.

"This meeting ends here. Get out." rinig ni Athena ang mahina pero malamig na boses ng kaniyang ama. Pagtapos ng sinabi nito, naglabas na ang mga tao sa kwartong kinalalagyan nila maliban sa Tito Leo at Tita Sheila niya na abala sa kakakalikot ng kanilang sari-sariling laptop.

His father's cleaning some files in the table while her mother caressed her back. "Don't worry too much, anak. Your husband's fine." nakangiting saad ng kaniyang ina. "Trust him." dagdag nito na agad niya namang tinanguan.

"I trust him, Mama. I trust him a lot." saglit siyang natahimik bago muling nagsalita. "But I can't just stand here and do nothing. Cyril's my husband, Mama. I can't just wait for someone to move when I don't know if he's fine or not."

"I know you'll say that. Anak nga kita." bulong nito bago hinawakan ang kamay niya. "Halika, may pupuntahan tayo." nakangiti paring sabi ng kaniyang ina at hinila siya palabas ng kwartong yun pero nagsalita ang kaniyang ama bago pa man sila makaalis. "Hon, I don't think-"

Hindi natuloy ang sasabihin ng kaniyang ama ng magsalita ang kaniyang Tita Sheila. "Let her, Kevin." maikling saad nito na dinugtungan ng kaniyang Tito Leo. "She's not young anymore."

Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng mga ito lalong lalo na ang dinagdag ng kaniyang ina. "She'll do fine, hon. Don't worry, I'm with her."

May pag aalala sa mata ng kaniyang ama habang tinitignan sila. But then, he let out a loud and heavy sighed before agreeing. "FIne. Just take care."

Ngumiti lang ang kaniyang ina bago siya nito tuluyang hilahin palabas ng kwartong yun. She didn't get the chance to ask questions anymore. Pumasok sila sa elevator at may kung anong pinindot pindot ang kaniyang ina bago iyon umandar. After a while of silence, the elevator's door slowly opened.

And what she saw the moment it opened completely made her totally gasped and entirely speechless.

"Welcome to Underground Society's Main Headquarters, Jade Athena." Athena feels like, cat got her tongue because she can't really speak. Hindi niya alam ang dapat sabihin.

Napalingon sa kanila ang mga taong naroon at agad nagtayuan ang mga ito at bahagyang yumuko. "Queen and Princess, welcome." saad ng isa sa kanila. "Sit down." sagot naman ng kaniyang ina na dahilan para mapalingon siya rito.

Did she hear it right? Her mother's voice is cold...and scary. 'What the hell is this?' she can't help but to ask herself.

Para siyang napunta sa ibang mundo. The place is surrounded by a dim blue light, there's a big screen in the front where a different face of people is shown, everyone's has their own computer to operate and the most thing that caught Athena's eyes are the different kinds of weapons that's on their all sides. Ang dingding ng lugar na kinalalagyan nila ay punong puno ng mga baril na nakasabit at mga espada na nakakatakot tignan.

What she saw is too unbelievable.

"W-What i-is this?" she stuttered. Napansin ng kaniyang ina ang kaniyang pagkalito. "Stay calm, baby. Don't worry, you'll get used to this."

Naglakad ang kaniyang ina at dahil hawak nito ang kaniyang kamay, pati siya'y nahatak nito. They walked to the front. Binitawan ng kaniyang ina ang kaniyang kamay at may kinuhang maliit na remote sa may lamesa sa kanilang harapan. Even the tables are made of glasses.

Her mother presses something on the remote and the contents of the big screen in front of them changed. Nawala ang mga mukha ng iba't ibang tao doon at napalitan ng nag iisang mukha na pamilyar sa kaniya.

On the left side, there's a picture of a man who has a cold and frightening expression while on the right side is his information.

Nagpantig ang sentido ni Athena dahil sa itsura ng lalaki. She's sure that he saw him before, hindi niya lang maalala kung saan. Ipinikit niya ang mata at pilit na hinalukay ang kaniyang alaala. Pero sumakit na ang ulo niya't lahat lahat, wala parin siyang maalala tungkol dito.

Iminulat niya ang mata at nilipat ang paningin sa kabilang gilid. His name is the first one she saw and it made her gasped.

"Giovanni Clemonte...G-Gio..."

Pagkabanggit niya sa pangalan nito, bumalik sa kaniya ang alaala ng lalaki na nakilala niya sa supermarket noong panahong magbabakasyon sila sa resort nila Christian.

'That's the man who made Cyril so angry and jealous.' saad ni Athena sa sarili.

Ibinaba niya ang paningin sa mga nakasulat pa roon at mas lalo siyang nagulat sa mga nabasa. "Diablos's leader and topmost paid assassin." wala sa sariling basa niya sa naroon. She's dumbfounded. Really.

"After a long hide and seek games with him, finally we found him." napalingon si Athena sa kaniyang ina ng magsalita ito. Nasa harapan ang paningin ng kaniyang ina at hindi siya nagkakamali sa nakikita.

Her mom's looking at Gio with a dangerous stare. She's scary.

"I...I think I saw him before, Mama." bulong naman ni Athena na ikinalingon ng kaniyang ina sa kaniya.

"What? When?"

She shakes her head. "Matagal na, Ma. I didn't even suspect him to be Diablos's leader."

Her mother shrugged. "Well, he's good at hiding, anak." muling binalik ng kaniyang ina ang paningin nito sa screen. "Nung nakaraang araw lang namin nalaman ang tungkol sa kaniya."

Her mother sighed and looked at her. "Athena, lahat ng grupo na nakapaloob sa atin ay kailangang magbigay ng personal information about sa kanila. Lahat sila. That's why we knew that your husband is also a member. But this jerk..." ani ng kaniyang ina at itinuro si Gio. "Didn't give any real information about himself."

Ibinaba ng kaniyang ina ang kamay nito. "Isa rin yun sa mga ginamit ng Papa mo na dahilan para tanggalin sila sa Underground Society."

Habang tumatagal ay mas naiintindihan na ni Athena ang patakaran sa kaniyang mundo. Slowly, she's becoming used to it.

"But Mama, why are you telling this to me?" pagtatanong niya. "Ma, I know that this is important but I need to find Cyril. I need to-"

"That's why I'm telling you this." pagpuputol ng kaniyang sa sinasabi niya. Kaagad namang nangunot ang kaniyang noo. "What?"

"Your husband talk to us after we removed Diablos in Underground Society." mas lalo siyang naguluhan sa dinagdag nito. "He said Giovanni threatened him. Na papatayin ka niya pag hindi umalis ang asawa mo sa organisasyon natin. But your husband is smart, baby."

"Since Giovanni didn't know that we own Underground Society, kinausap kami ng asawa mo at sinabi niya samin ang napag usapan nilang dalawa. He said that he'll meet with him on the day that we announced you to the society. At ang plano ng asawa mo ay bantayan ka namin habang ang grupo niya na ang bahala sa Diablos."

"But we can't risk our son-in-law. Alam naming ayaw mo siyang mapahamak at ayaw rin naming mangyari yun, anak. That's why I brought you here."

Unti unting nagsink in sa kaniya ang sinabi ng ina. She didn't expect that the jerk threatened her husband. Hinding hindi niya ito mapapatawad.

"But why brought me here, Mama. Shouldn't we followed him already?" tanong niya pero nginitian siya ng ina. "You mean, you're going to a battle without any weapons? That's not right, anak."

Weapons? Napalingon siya sa kaniyang paligid kung nasaan ang mga baril at espada. "You mean...this?" nagtatakang tanong niya sabay turo sa mga baril at espada sa paligid.

Her mother grinned. "Yes, baby. Choose anything you want but I suggest...you used a sword. Mas tahimik at mas madaling gamitin para sayo. No need to learn, just sway it, anak."

Halos mapanganga siya sa sinabi ng ina. No need to learn? Niloloko ba siya nito? Sword is damn dangerous! Hindi niya yun alam gamitin...but she thinks the gun is harder to use.

'Bahala na!'

Inilibot niya ang paningin para maghanap ng espadang gagamitin and a sword with a red handle caught her attention.

Parang ang gaan nong tignan at madaling gamitin. It's not that long but she knew that it's sharp.

Itinuro niya yun. "I want that one, Mama."

Napalingon siya sa ina ng mahina itong matawa. "Good choice, anak. You really are my daughter." saad nito at pinakuha sa isang lalaki ang itinuro ni Athena na espada.

The man gave it to her mother and her mother touched the sword's blade. Makintab yun at halatadong matulis.

"This sword is customized, anak. Your father and I personally choose the design of it. And can you see this?" saad ng kaniyang ina at may itinuro sa hawakan nun. She saw three carved letters.

J.A.L

"Wait! That's my initials!" gulat na saad niya dahilan para matawa ang kaniyang ina. "You're right. This is personally made for you."

Hindi siya makapaniwala sa nalaman. She didn't expect to choose the one that's personally made for her. "Here. This is yours."

And her mother handed her the sword. Maingat niya yung kinuha at pinakatitigan. She didn't know that she can love holding a sword.

"Now that you choose your weapon. Let's go to battle!" her mom sounds excited. Matagal na tagal narin kasi nung huli siyang nakipaglaban so she missed it.

Ng tignan niya ang kaniyang ina, may hawak na itong dalawang baril sa magkabila nitong kamay. She can't help but to laugh.

Is this really her mother?

She mentally shakes her head and looked again at the screen. Tinignan niya ng masama ang litraro ng lalaking nagbanta sa kaniyang asawa.

"I'm going to kill you." wala sa sariling bulong niya bago bumaling sa elevator na nakabukas na at naghihintay sa kanila. "Wait for me, love. I'm coming."

Let's go, guyssss!!!

LOVELOTS!

Esrixxcreators' thoughts