webnovel

KETSUEKI

Ren thought she knew everything about his bestfriend, but what if she found out that he is not what she thinks he is.

Hayime_HaruAki · Fantasy
Not enough ratings
22 Chs

Chapter Five

Pagkatapos kumain ay nagpunta na ako sa sala at nanood ng T.V. Gaya ng dati ay tumabi ulit sa akin si Kai. Tiningnan ko lang siya, hindi ko alam kung kakausapan ko ba siya o hindi, hindi ko alam ang sasabihin ko. I don't know how will I start a conversation with him.

Oo, sinundo ko siya sa kanila kanina, but we still haven't settled the misunderstanding between us.

Mag-so-sorry ba ako? Tingin ko wala naman akong kasalanan. Dahil naasiwa ako, ay nagdesisyon akong umakyat sa aking kwarto. Di naman siya naiwan mag-isa roon dahil tumabi sa kanya ang kuya ko, sila na lang ang manood. Pagdating ko sa kwarto ko ay nagpalit ako ng pantulog at nahiga lang ako sa kama ko. Nakita ko ang teddy bear na bigay niya sa akin.

"Naku ikaw! Pagsabihan mo yung amo ha? Di ko na siya makuha madalas."

Di ko namalayan nakatulog na pala ako. Naalimpungatan dahil may naririnig akong parang kumakatok. Umupo ako at kinusot ng kamay ko ang mga mata ko para tingnan kung saan nanggagaling 'yun.

Napatingin ako sa may bintana dahil doon nanggagaling ang tunog. Nakaramdam ako ng kaba dahil duwag ako. Di muna ako lumapit sa bintana, sinubukan ko munang silipin kung ano ang lumulikha ng ingay mula sa kinaroroonan ko pero di ko pa rin makita kung ano yun. Nag desisiyon na akong lumapit sa bintana para makita kung ano iyon. Nagitla ako nang bigla na lang tumabad sa akin ang mukha ni Kai mula sa labas.

Putspa!

Muntik na akong atakihin sa puso. Dahil sa inis ay marahas kong binuksan ang bintana ng aking kwarto.

"Anong ginagawa mo diyan?" Nakakunot noong tanong ko.

"Sneaking out late, tapping on your window," sagot niya sa akin na tila sinasabi na 'diba obvious? '

"Abnormal ka talaga! " Sumampa na ako sa bintana at dahan-dahang umakyat sa bubungan habang inaalalayan ni Kai. Napitlag ako nang maramdaman ko lamig ng bubong sa ilalim ng aking mga paa, dapat pala nagsuot ako ng tsinelas. Kalaunan ay nasanay na rin ang mga ito sa lamig.

"Anong ginagawa mo rito anong oras na kaya?" baling ko kay Kai.

"I wanted to show you something," sagot niya sa akin.

Ano naman kaya ang gusto niyang ipakita sa akin?

Hinila niya ako at ngayon ay naglalakad kami sa bubungan. Dahan-dahan ang apak namin sa yero upang di lumikha ng malakas na ingay. Pakiramdam ko tuloy ay para kaming miyembro ng akyat bahay. Ngpatuloy kami sa paghakbang hanggang sa nakarating kami sa isang maikling hagdan paakyat sa pinakabubungan ng bahay namin.

Una siyang umakyat doon at sinundan ko lamang siya hanggang sa pareho na kaming nasa tuktok ng bubungan. Hindi ko alam kung bakit kami andun at kung anong gagawin namin doon pero sinundan ko pa rin siya.

"Anong meron dito? " naka-kunot noong tanong ko.

"Didn't you heard what I said? I wanted to show you something." Itinuro niya ang hintuturo sa taas, sinundan ko ng tingin ang kamay niya hanggang sa mapatingin ako sa kalangitan. Doon ko lang napansin ang ganda ng mga bituin, hindi maulap at kitang-kita ang pag kislap ng mga ito. Nagtaka ako nang bigla na lamang humiga si Kai.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko.

"Enjoying the view in a more relaxed way," paliwanag niya.

Napaisip ako, sabagay mas relax nga mahiga kesa tumingala at magkaroon ng stiff neck kaya humiga na din ako sa tabi niya. It was a peaceful and quiet night.

"Aren't they beautiful?" baling sa akin ni Kai.

"Yes," 'yun lang ang nasabi ko habang di inaalis ang tingin sa mga bituin.

"Let me look for your favorite constellation," sambit niya at iginala ang tingin sa kalangitan.

Nagsimula rin akong hanapin iyon. Ilang sandali pa ay itinaas niya ang kamay niya at itinuro ang 'Big Dipper'. Tinignan ko ulit ang direksyon na itinuturo ng daliri niya at nakita ko ang big dipper. Alam niyang 'yun ang favorite ko dahil yun lang ang alam kong constellation.

"'Yan lang kasi talaga alam kong constellation kaya 'yan ang favorite ko," pagpapaalala ko sa kanya saka ko ibinalik sa kalangitan ang mga mata ko.

"My favorite one is the small dipper, because it's always connected to the big dipper. Just like us, we will always be connected to each other, " biglang sabi niya.

Napangiti ako sa sinabi niya, I find it sweet.

"Ren," tawag niya sa pangalan ko, nilingon ko naman siya.

"Sorry," sabi niya.

Napakurap-kurap ako sa kanya, di ko insahan na mag so-sorry sa akin.

"Are you still mad at me?" tanong niya nang hindi ako nagsalita.

"Hindi na, nag-sorry ka na ehh," sabi ko sabay ngiti sa kanya. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kalangitan.

"I just said that because I don't want you to get stolen away from me. That guy when we we're still kids has a habit of taking away things that I love. Those we're just things but you are not. I'm afraid that if you befriend him he might take you away and I can't take that. You're the only one that I have" sabi niya.

He sounded so sincere that it made my heart flutter.

"Wow, ang haba nun Kai ha!" I joked and smiled.

"I already summarized that," sabi niya.

"'Wag kang mag-aalala kahit maging kaibigan ko ang Nigel na iyon ikaw pa rin ang favorite ko at nag-iisang bestfriend ko, okay?" sabi ko sa kanya.

Yes, Bestfriend.

"Yes, I'm the best," sagot nito. Napangiwi na lang ako sa sinabi niya.

"Abnormal nga lang," dagdag ko sa sinabi niya.

"Cause I'm above the normal, I'm superior," bara niya sa sinabi ko.

"Na miss kita," pag-amin ko sa kanya.

"No, you didn't miss me," kontra niya.

"Anong hindi?" naka-kunot noong pagpoprotesta ko sa kanya.

"Because you love me," sabi niya and he gave me a smirk. Iba din ang damuhong ito. Aaminin ko na-miss ko ang ngisi niya kahit makakainis yun madalas.

"Bakit mo ba pinagpipilitan, baka ikaw," bintang ko sa kanya.

"You cried when you thought that I was dead," dahilan niya.

"Malamang iiyak ako, bestfriend kita abnormal ka talaga," paliwanag ko.

"Tell me that you don't love me then," paghahamon niya.

Napatanga ako sa sinabi niya, sigurista ang damuho.

"Ayoko nga nga! "tanggi ko.

"See, you can't even tell a lie," pagmamalaki niya.

"Manahimik ka na nga lang!" inis na sabi ko at ibinalik ang tingin sa langit.

"Don't worry I love you too," sambit niya.

Lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Napatingin ako sa kanya dahil sa narinig ko, tama ba ang narinig ko. Tila huminto ang oras sa narinig ko.

"I got you there! " bawi niya, sabay ngisi.

Putsa! Namula na naman ang mukha ko dahil sa ka abnormalan niya.

"Haay naku, ewan ko sayo Kai!" Pailing-iling na sabi ko.

"I miss seeing your red face," sabi niya sabay ngisi.

Madalas talaga dapat di mo iniintindi sinasabi ng lalaking to ehh. Nanatili kaming nakahiga at nakatitig sa langit hanggang sa mabahing ako.

"Sorry," sabi ko.

"I think we should go back inside It's getting cold," suhestiyon niya.

"Mukhang ganun na nga, "pag sang-ayon ko.

Kaya tumayo na kami bumaba sa hagdan at bumalik sa mga bintana ng kwarto naming.

"You go in first," sabi ni Kai.

"Okay, Goodnight," paalam ko.

Pagkasabi ko 'nun ay sinubukan kong itaas ang 'double hang' na bintana ng kwarto ko. Ngunit di ko iyon nagawa, mukhang nalock ito mula sa loob.

"Uhm, Kai... May problema ako," sabi ko sa kanya.

"What is it?" Tanong niya sa akin, saka siya lumapit.

"Naka-lock yung bintana ng kwarto ko," sabi ko sa kanya.

Tinignan naman iyon ni Kai at sinubukan ding buksan, pero di din niya nagawa.

"Okay, we can use my window to come inside," suhestiyon niya.

Pinauna niya akong pumasok mula sa bintana tsaka siya sumunod sa akin. Nang pareho na kaming makapasok sa loob ay sinarado na niya ang bintana.

"Shall I send you to your room?" tanong niya sa akin. Saka ko lang naalala na naka-lock din ang pinto ng kwarto ko, napangiwi na lamang ako.

"Uhmm may isa pang problema, naka-lock din ang pinto ng kwarto ko," Pagibigay-alam ko sa kanya.

"You did plan this don't you? So you can sleep with me in my room." Naniningkit ang mata na paghihinala niya sabay upo sa gilid ng kama niya.

"Abnormal ka! Bahala ka na nga diyan!" Irap ko sa kanya.

Maglalakad na sana ako patungo sa pinto para lumabas, ngunit bago pa ako makalapit doon ay hinila na ni kai ang kamay ko na naging dahilan para mapaupo ako sa tabi niya.

"Oh!"

Tumayo siya mula sa tabi ko, sinundan ko siya ng tingin. Bahagya siyang lumuhod sa harap ko. Napataas ako ng isa kong kilay ng magtapat ang mukha namin.

"Anong pakana na naman 'to?" kinakabang tanong ko.

"I think you should stay in my room," sabi niya.

"Ha?" tanong ko.

Tama ba ang dinig ko?

Tumingin lang siya sa akin at inilapit ang mukha niya sakin.

"Hoy! anong balak mo!" protesta ko sabay yakap ko sa aking sarili.

"Stay still." Pagka tapos 'nun ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ko, para di ako gaano makagalaw.

"Hoy! Kai! inaatake ka na naman ng ka-abnormalan mo!" Sigaw ko sa kanya. Pero parang wala siyang naririnig.

Inalis niya ang isang kamay niya sa balikat ko at hinawi ang bangs ko. Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng mga labi niya sa noo ko.

Nabigla ako sa ginawa niya, napatingin lang ako sa kanya hanggang magtama ang mga mata namin. Binigyan niya ako ng isang ngiti, the smile I rarely see. Hindi ko namalayan na nakangiti na rin ako sa kanya. Tumayo siya ngunit hindi naaalis ang tingin namin sa isa't- isa.

"I think you should sleep now." Pagkasabi 'nun tumalikod siya at akmang lalabas ng kwarto.

"Saan ka matutulog?" tanong ko.

"Don't worry about me, I can sleep anywhere," sabi niya saka siya naglakad palabas ng pinto.

Pagkasarado niya ng pinto tsaka lamang ako natauhan sa kung anong nangyari. Ngumiti siya, ngumiti siya. Yan lang ang tumakbo sa isip ko. Napahawak ako sa dibdib dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Ano bang nangyayari sa akin, di naman ako ganito dati. Bakit lalo akong nahuhulog?

Humiga na ako sa kama ni Kai at di ko napigilang yakapin ang unan niya. Kung ano man itong nararamdaman ko, alam kong hindi maganda ito.

Hindi pwede, ayaw ko, ayaw ko nito!

< End of Chapter 5>