webnovel

Chapter 8

Chapter 8

Hindi niya ito naabutan sa opisina nito nang umakyat kinahapunan. Sabi ng secretary nitong si jimboy ay

"Hindi pa ito bumabalik eh. Baka naghahapunan na ito kasama si Mr Jerwin Narre"

"Sino ang Jerwin na iyon" tanong niya mahirap na baka may namamagitan sa kanila.

"Ang kameeting niya 11 to 12" sagot naman nito..

"Sayang hindi ko pala siya makakasabay ngayong kumain ng tanghalian.." Mahinang sabi niya..

Napansin niyang aalis na si jimboy.

"Teka saan ka maghahapunan?, pwede bang makisabay?" Gusto niyang may makasabay ngayon para di niya masyadong damdamin ang pagkadismayang nararamdaman.

"Sa baba lang , sure sumabay ka " sagot nito bago sila sabay na hinintay bumukas ang elevator.

Kumakain na silang dalawa habang nagkwekwentuhan. "Grabe school mate pala kita dati nung highschool pero bakit ngayon lang kita nakitang nagtatrabaho na tayo?"

"Kasi kay sir Johnny lang nakatutok ang atensiyon mo.."

"Alam mo akala ko napakaseryo mong tao pero ngayon nadiskubre kong madaldal ka rin pala."

Natawa ito. "Syempre seryoso ako pagdating sa trabaho.."

"Sabagay- " hindi niya naituloy ang sasabihin ng may huminto sa mesa nila sabay silang bumaling dito. Si Johnny ang tao.

" johnny hindi ka pa kumakain?" Tanong niya dito

"Ano sa tingin mo ang gagawin ko dito kung kumain na ako.." Sarkastikong sagot nito. Masama ang timpla nito , halatang-halata sa pananalita at ang kilay nitong salubong na salubong..

"Sir sumabay na sa akin si Anabel ng di ka niya maabutan sa opisina ." Paliwanag agad ni jimboy dahil nahalata nitong sa kanya tumatama ang masasamang tingin nito.

Sinamaan muna ni Johnny ng tingin si jimboy bago sumagot.

"Bakit ka naman nagpapaliwanag? Normal lang naman na magkakasabay kumain ang mga empleyado." Sagot nito.

"Johnny sumabay ka na sa amin kasisimula pa naming kumain eh, umorder ka na lang ng gusto mong idagdag.." Anyaya ni Anabel.

"Hindi na, sa iba na lang ako uupo.. Nakakaistorbo naman sa inyo." Sagot nitong magkasalubong pa rin ang kilay. Hahakbang na ito ng hawakan niya ito sa kamay.

"Sige na .. Sumabay ka na. " sa pagkakataong iyon nilakipan niya ng lambing paanyaya.

Tumingin naman ito sa mata niya. Ilang sandali pa ay umupo na rin. Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay nito, pinipisil pa niya.

"Pwede mo ng bitawan ang kamay ko Anabel"

"Sige, pero pwede bang hawakan ko uli mamaya?" Tanong niya.

Sinamaan siya nito ng tingin. Sasagot sana ng tumikhim si jimboy.

"Ituloy na nating kumain.." Jimboy..

Tapos na silang kumain at nasa loob na silang dalawa ng opisina nito pero hindi pa siya kinikibo ni Johnny.

"Kumusta naman ang appointment mo?" Tanong niya. Parang di siya nito narinig patuloy pa rin sa pagbabasa sa papeles na hawak nito.

"Bakit hindi ka kumikibo? Ang tahimik mo." Hindi pa rin ito sumagot sa tanong niya.

"Alam mo mabait rin yung secretary mo noh? Tapos akala ko napakaseryoso niya pero madaldal rin pala. School mate rin pala natin noon. Gwapo rin daw siya sabi niya. Tapos ang sabi niya crush daw niya ako noon pero di ko siya napapansin dahil- " tumigil siya sa pagsasalita ng ibagsag nito ng malakas ang kamay nito sa mesa, nagsiliparan ang ibang papel sa lakas ng impak ng kamay nito.

"Stop! Naririndi ako hindi ako makakonsentret sa binabasa ko!" Galit na sabi nito.

Napahiya naman siya, naalala niyang oras na ng trabaho pala. "Sorry, work hours pala ngayon. Sige…" Nakalabas na siya ng pitikin niya ang sariling noo .

"Susme ka Anabel!! Working hours na! Nakakahiya yung ginawa mo! Baka isipin niyang ganun lagi ang gawain mo sa oras ng trabaho." Sigaw sa kanya ng isip niya..

Kinabukasan ay gaya ng dati umakyat siya sa opisina nito binigay na niya ang rosas. Hindi pa rin ito kumikibo kinuha lang ang rosas tapos itinuloy na nito ang ginagawa.

"Ang aga mo ngayon ah.. Hindi pa working hours pero bising-bisi ka na.." Panimula niya ng topic pero gaya kahapon hindi rin ito sumagot.

"Bakit kaya nandito sa fifth floor ang opisina mo? Bakit hindi na lang sa first floor? Para kang nakacheck-in sa hotel kung dito ka, ang taas. Bakit parang lahat ng boss sa pinakamataas na floor ang opisina? Dahil ba gusto nilang iparating sa mga taong empleyado na kahit na sa iisang building sila nagtatrabaho ay mas lumalamang siya sa antas ng buhay?" Mahabang sabi niya, umaasa siyang sumagot ito. Pero nabigo siya, parang hindi siya narinig nito.

"Meron… Mayroon ka bang problema Johnny?.." Malumanay na tanong niya , hindi pa rin ito sumagot. Nalungkot siya dahil hindi siya nito pinapansin.

"Sige bababa na ako.." Lumabas na siya imbes na bumaba na ay dumiretso siya sa mesa ni jimboy.

"Good morning mr. jimboy. " bati niya dito.

"Good morning din sayo miss anabel." Balik bati nito.

Nagkwentuhan pa sila sandali bago siya bumaba.

Sa mga sumunod na araw ay halos ganun rin ang pangyayari hanggang naging isang lingo at nag-aalala na siya at kinakabahan dahil baka sa paraan iyon ni Johnny dinadaan ang gustong sabihin na tumigil na siya sa pagbibigay ng bulaklak.

Ang masama pa ay sinabihan siya ng ina na ayain raw niya siJohnny pagdating ng hapunan. Gusto daw ng mga ito na makita ang kinababaliwan niyang lalaki na bakla. Gusto sana niyang sabihin sa mga itong hindi siya pinapansin ng lalaki ngunit baka sabihan pa siyang kalimutan na lang niya ito at tanggapin na lang ang kapalaran niyang si Jeremy na kapitbahay nila, na matanda sa kanya ng labing tatlong taon ang soon-to-be-husband niya.

Sa araw na iyon ay di niya ito naabutan sa opisina nito, ang sabi ni jimboy ay hindi raw papasok ang boss sa opisina sa araw na iyon dahil bibisita daw ito sa parlor nito.

Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa pupunta rin siya sa parlor.

Nagising siya dahil may yumuyugyog sa balikat niya..

"Anak gising! Tatlumpung minuto na lang hapunan na!"

Pagdilat niya, nabungaran niya ang ina na siyang gumising sa kanya.

"Maligo ka na, katatapos ko lang magluto." Sabi nito.

"Opo.. Si tatay? " tanong niya.

"Ayun sinundo ang mga kapatid mo, gusto naming lahat masilayan ang kinababaliwan mo." Parang walang sabi nito.

Nanlaki naman ang mata niya. "Nanay! Sabi niyo kayong dalawa lang! Kaya pumayag akong ayain siya. Baka mabigla iyon at tumakbo na lang." Nag-aalalang turan niya.

"Ku'! Maligo ka na lang. Ano ba namang masama kung lahat kami, hindi kami nangangain ng tao… At bakit naman siya tatakbo aber? Baliw ba siya para gawin yun?" Naiinis na sabi ng nanay sally niya.

Napabuntong hininga na lang siya.

"Wag ka kasing over thinking anak, umiiwas daw ang grasya pag ganyan" sabi nito at lumabas na. Siya naman ay naghanda na para sa hapunan nila.

"Diyos ko, sana ito na po ang hinihintay kong pagkakataon. Ibigay niyo na po si Johnny sa akin diyos ko… patawarin mo po ako pero nagde-demand po akong ibigay niyo siya sa akin.." Dasal ni Anabel bago sinimulang maghanda..