webnovel

Chapter 6

Chapter 6

Kinagabihan ay hindi agad nakatulog si Anabel. Iniisip kasi niya kung paano makapasok sa school ni Johnny na hindi siya sinisita ng guard.

Mahabang sandali na nakamulagat lang siya sa kisame hanggang may pumasok na ideya sa isip niya. Napasuntok siya sa hangin.

"Ok. Magluluto ako ng banana que. Yun ang isusuhol ko sa dalawang guard na iyon."

Kinabukasan bitbit niya sa isang kamay ang banana que habang ang isa naman ay rosas.

Nakita agad siya ni security inggo. "Hi manong. Para sainyong dalawa". Sabay abot dito ng supot na naglalaman ng banana que.

Kinuha naman nito ang supot. " naku hija nag-abala ka pa.." Sabi into at tinawag na ang kasama niyang si security Rod..

Habang kinakain na ng dalawa ang banana que saka naman siya nagsalita. "Ang totoo niyan ay may kapalit ang banana que na iyan.."

"Ano yun hija.. Ano nga pala pangalan mo?" Si manong Rod.

"Anabel po".

" Ang sarap nitong banana que ikaw ang nagluto?" Tanong nito

"Oho.. Pinaghirapan ko iyan.."

"Eh ano namang kapalit? " si manong inggo.

"Ang kapalit po ay papasok ako sa loob.. " sabi niya..

Nagtinginan ang dalawa nagsisihan ang tingin sa isat isa.

"Wag na po kayong tumangi ubos na ang banana que eh" nakangiting sabi niya..

Walang nagawa ang dalawa kundi ang papasukin siya. Mga alas nwebe na sa mga oras na iyon. May nakasalubong siyang lalaki. Tinawag niya ito.

"Kuya!kuya .. Alam mo ba kung saan ang building ng business management?" Tanong niya dito..

"Oo deretso ka lang " sabi nito sabay lahad sa kamay nito sa unahan niya. "Tapos pagdating mo sa pinakadulo ay bumaling ka sa kanan mo doon mababasa mo ang malalaking titik na Business management. Okay.. ?"

"Okay salamat ginoo.. Tutuloy na ako" sabi niya ag akmang hahakbang na ng hawakan ng lalaki ang braso niya. Nabigla siya kaya ipiniksi niya ang kamay nito.

"Sandali lang, itatanong ko lang ang pangalan mo.. Ako nga pala si Joben" kumindat ito sa kanya. Inilahad nito ang kamay na ipiniksi niya lang kanina. Sa pagkindat pa lang nito sa kanya ay alam niyang Playboy ito.

Tinanggap niya ang kamay nito. "Anabel."

"Pwede ko bang hingin ang numero mo?" Sabi pa nitong hindi binibitawan ang kamay niya.

"Ano bang numero iyon?"

"Numero ng selpon mo"

Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. "Sorry mister hindi na ako available. I'm not single anymore, taken nato brad" sabi niya sakto namang nakita niya ang grupo Nina Johnny na papalapit. "And taken na ako sa baklang iyon" sabi niya sabay turo kay Johnny na papalapit na sa kanila habang salubong ang kilay na nakatingin sa kanila.

"Grabe numero lang ang hinihingi ko. Sino ba ang.." Hindi na nito natuloy ang sasabihin ng makita ang tinutukoy niya. "Holy...shit!" ..

"Minumura mo ba ako ha?" Matigas na tanong niya.

"Hindi bakit naman?"

"Good. pwede ba lumakad ka na ?!" Naiinis na sabi niya dito.

Sinalubong na niya si Johnny at binigay dito ang rosas. "Nakuha mo ba yung bulaklak kahapon.?"

Tumango ito. Hinawakan ang braso niya. "Excuse me girls" baling nito sa mga kaibigan nito. Hinila siya kung saan, gulat naman siya sa ginawa ng lalaki. Huminto sila sa lilim ng isang mangga walang masyadong tao roon.

"Teka bakit mo ako hinila dito" nagtatakang tanong niya.

Umiwas ito ng tingin sa kanya. Ang kaninang magkasalubong na kilay ay napalitan ng pagkalito. "Kasi gusto Kong sabihing paano ka nakapasok sa loob.?" Patanong na sabi nito.

"Haha sinuhulan ko yung dalawang matandang binatang guards kaya nakapasok ako" nakatawang sabi niya. "Nakuha mo ba yung bulaklak kahapon?" Tanong niyang muli sa hindi nito sinagot kanina.

"Oo " ngumiti ito... "Grabe noh? Still ka parin sa pagbibigay ng bulaklak sa akin.?" Sabi nito..

"Aba oo kasi gustong-gusto kita.. Sagutin mo na kasi ako." Turan niya.

Tumawa ito ng mahina. Nangiti na rin siya nahahawa siya sa ganda ng ngiti nito..

Inilagay niya ang palad sa pisngi at nangangarap na nagsalita. "Ang gwapo mo talaga Johnny. Kailan mo ba tatanggapin ang pagsinta ko.?"

Umiwas ng tingin ito. "Ang pangit mo sa ginagawa mong iyan."

"Uyy gusto mo yata ikiss kita eh.. Ang kyukyut ko kaya. Sagutin mo lang ako at anytime, anywhere mo na ako pwedeng halikan. At hindi ako nagbibiro ." Binasa pa niya ang labi gamit ang dila. Tingnan lang natin kung di ito maakit sa malambot Kong labi. Sabi niya sa kanyang isipan.

Matagal bago sumagot ito. "Yuck!! Kadiri ka talaga.." Sabi nito sa nandidiring mukha.. Maarte rin ang Bose's nito

Bigla namang nawala ang ilusyong baka maakit ito..

Sa mga sumunod na araw ay bumalik na sa dati ang routine niya. Sa umaga ay magtatraysi siya hanggang school ni Johnny. Pagkatapos ay makikipag kwentuhan kina manong inggo at manong rod habang hinihintay si Johnny. Ibibigay niya dito ang bulaklak at sinasabi kung gaano niya ito kagusto tapos ang isasagot nito ay irap at ingos pero tinatanggap naman ang rosas.

Hanggang ang mga araw ay naging lingo. Ang lingo ay naging buwan. At ang buwan ay naging mga taon. Sumapit ang graduation niya at di niya inaasahan ang pagpunta nito , binati siya pagkatapos may gift rin ito sa kanya. Aalis na sana ito ng pilitin niyang magpicture taking sila. Pagdating sa bahay nila ay dumiritso siya sa kanyang kwarto dali-dali niyang binuksan ang regalo ni Johnny.

"Ayy! Manyak! Manyak! Manyak! " gulat at pabulong na sigaw na sabi niya . Niregalohan kasi siya ni Johnny ng pares na panty at bra. May tinatago pa lang kamanyakan ang baklang iyon..

Nakita niyang may kapirasong papel. Binasa niya ito.

"Its payback time." BasaA niya sa sulat. Nalito naman siya hangang sa naalala ang regalo niya sa graduation nito.

Natawa siya . "Payback time indeed" sabi na lang niya. Isang boxer at sando ang regalo niya dito noon. Ang malala pa pinatatakan niya ang harap at likod ng boxer pati ang sando ng 'Anabel's property' .

Dali-dali niyang chineck-up kung may tatak rin ang panty at bra pero wala. Ma's gusto sana niyang may tatak rin ito ng 'Johnny's property' pero okay na rin iyon.