webnovel

Chapter 3

Kabanata 3

Mature

"Ah 'yon, wala naman akong babasahin kaya hindi ako pumunta." Simpleng sagot ko at aalis na sana kaso nagsalita nanaman s'ya.

"Ngayon mayro'n na pupunta kanaba bukas?" He asked again.

"Hindi, may practice kami. Kanina ka pa nagtatanong, bakit ba nagtatanong ka?" Nag-iwas s'ya ng tingin. "Inis inis ka sa'kin 'diba? Ayaw mo nun hindi nakita guguluhin."

"Really?"

"Yes, really." Saka na s'ya iniwan.

May pa really really pa s'ya e alam ko namang gusto n'ya rin 'yon, nando'n lang ang mga tropa n'ya kaya nag babait baitan, akala n'ya ba kapani-paniwala? Hindi.

"Aba lakas ng loob mo," humahangang sabi ni Princess. "Ma subukan nga," ta-tayo sana s'ya ng pinigilan ko s'ya at tinignan ng masama. "Sabi ko nga mag ba-banyo lang ako, bitaw na."

Magbabasa palang sana ako ng may humarang sa harapan ko kaya dahilan ng pagkahindi ko pagbasa, tumingin ako sa lalaki na nahihiya, kumunot ang noo ko.

"Ako nga pala si Josh," naglahad s'ya ng kamay sa'kin, tinignan ko lang 'yon. "Pwede bang manligaw?" namumulang tanong n'ya.

"Hindi," agad kong sagot.

"Woy!" tawag ni Narisa. "Gaga pang ilan na 'yan? Noong grade 6 din panay ang basted mo sa mga lalaki."

"E sa wala akong type, atchaka pagba-nanliligaw kailangang magpaalam? Ayoko sa nga lalaking nagpapaalam, ang pangit pakinggan."

"Gaga, nandyan pa s'ya." Mahinang banggit ni Narisa halos sabunutan pa ako.

"Ay sorry," sagot ko. "Basta gawin mo ang gusto mong gawin."

"May chance naman ako?" tanong ng lalaki, sa boses palang wala na. Hindi nalang ako sumagot. "Silent means yes."

"Papayag ka?" hindi nanaman ako umimik.

Tignan natin, baka magustuhan ko pala ang lalaking 'to. Sa wakas umalis na s'ya! Parang wala ring balak na iwan ako e, nakakainis ang amoy n'ya.

"Papayag ka talaga?" tanong nanaman ni Narisa sa tanong kanina.

"Oo nga!" halos isigaw ko pa sa buong court, tumawa s'ya ng mahina. "Anong nakakatawa?" kunot noong tanong ko.

Umiling lang s'ya saka muling tumawa, inikutan ko s'ya ng mata at tumingin sa kung nasaan sina Yuan. Mas lalong kumunot ang noo ko ng may babaeng nasa tabi n'yan na may ngiti sa labi. 'Yong babae!

Re-Resbak ako dito, so ito 'yung girlfriend? Mas maganda naman ako sakanya kaya bakit hindi nalang ako? Bakit s'ya pa?

"Ang sakit sa mata no?" bulong ni Princess, hindi ko man naramdaman na nasa tabi ko na pala s'ya. "S'ya nga daw 'yung girlfriend," dagdag n'ya.

"Pangit ng taste," tangging na sagot ko, magbabasa sana ako kaso ang i-ingay nila! Ano ba 'yan.

"Congrats bro!" lumaki ang tenga ko do'n, sinong cino-congrats n'ya?

Sino!?

"So official na kayo n'yan?" sabay akbay kay Yuan, tumingin ito sakanya at lumipat din sa isang tropa siguro.

"Confirmed na Rina, anong gagawin mo?" tanong ni Narisa.

"Wala, siguro nga crush ko lang talaga s'ya at hanggang do'n nalang 'yon." Sagot ko, kinuha ko ang mga gamit ko at umalis na do'n, naglakad nalang ako pauwi.

"Karina Ellis!" galit na tawag ni mama, sinampal n'ya kaagad ako ng nakalapit ako sakanya. "Bakit wala kang alam na bu-bully na pala 'tong kapatid mong si Gabi? Pinapabayaan mo na sila! Anong klase kang ate!?" yumuko ako.

"I'm sorry ma, hindi nagsasabi sa'kin si Gabi-"

"Kahit na! Hindi mo rin ba naisip kung bakit s'ya nagkakaganyan!? Rina naman," kinagat ko ang pang-ilalim na labi ko upang pigilan ang hikbi. "Ano bang nangyayari sa'yo? Sa sobrang pagka-adik mo ba sa pag-aaral mo ay nakakalimutan mo ng may kapatid kang kailangan mong alalahanin?"

"Tama na," awat ni papa. "She just want to make us proud Natashia." Hinawakan n'ya ang kamay ni mama.

"Kahit na Joey, kausapin mo 'tong anak mo!" saka kami iniwan do'n sa sala.

"Pa," mahinang tawag ko at nag simula ng tumulo ang luha ko.

"It's okay, it's not your fault." Niyakap n'ya ako at tinahan.

Umakyat ako at pinuntahan si Gabi na natutulog na, hinawakan ko ang noo n'ya at hinalikan 'yon.

"I'm sorry Gabi, bibigyan ko na kayong time sa susunod. Busy lang talaga ngayon si Ate." Hinawakan ko ang kamay n'ya. "Babawi si Ate."

Bumalik ako sa kwarto ko at ginawa muna ang mga gagawin bago na tulog, na pag-isipan kong 'wag na munang magbasa dahil sumosobra na nga ako. Nakakalimutan kong may obligasyon din ako bilang ate.

"Good morning!" bati ko kay Gabi at hinalikan ang pisngi n'ya at sinunod na si Gelai.

"Ate! First honour ako ngayong first quarter," ngumiti ako.

"Talaga? Pakita nga ng grades mo," kinuha n'ya sa bag n'ya at binigay 'yon sa'kin, humanga ako dahil straight 90 lahat walang 80 pababa. "Galingan mo lalo, may sinalihan ka ba na contest?"

"Sasali daw ako sa math competition, tinanggap ko na kasi wala ng mas marunong pa sa'kin, no choice ako ate." Problemadong sabi pa n'ya.

"Hayaan mo na, na sabi mo na ba 'to kay mama?" saka binigay na sakanya ang card.

"Oo, s'ya pa ang unang nag congrats sa'kin." Tumango nalang ako at ngumiti.

"Pag mag-aaral ka na Gelai paturo ka sa'kin kung nahihirapan ka a." Tumango s'ya at ngumiti. "Aalis na ako, sabay kana sa'kin Gab."

"Sige," kinuha n'ya ang bag n'ya at humawak sa kamay ko bago umalis ng bahay.

"Yuan?" tanong ko ng nakita ko ang lalaki na papasok sa sasakyan. Humarap s'ya sa'kin, si Yuan nga! "Pasabay! Ihahatid ko 'tong kapatid ko e."

"Get in," anya, agad agad naman kaming pumasok. Ayaw ngang pumasok ni Gabi nahihiya.

"Salamat," nakangiting sabi ko, tumango lang s'ya at nagsimula ng mag maneho.

"Saan s'ya nag aaral?"

"Sa school." Kumunot ang noo n'ya at masamang tumingin sa'kin.

"That's not what I mean, saan school s'ya nag aaral." Paglilinaw n'ya, I told him. Binaba n'ya si Gabi sa Mhinane.

Nag park si Yuan bago ako bumaba, magsasalita sana ako ng nakababa s'ya kaso may nauna na. 'Yung syota n'ya.

"Hi Yuan! Who is she?" sabay turo sa'kin.

"Thank you sa ride," sagot ko at umalis na do'n, oo nga pala at kailangan ko ng pumasok at baka malate ako.

"You're late Ms. Lopez," suway ni teacher Nika.

"I'm sorry ma'am, na tagalan lang sa biyahe." Pag e-explain ko, pinaupo na n'ya ako.

"Practice agad, wala munang lesson lesson dahil sa intramurals, I hope we win this year!" nakangiting wika ni teacher. "Alam kong kaya n'yo 'yan!"

"Kaya natin 'to!"

"Magaling naman sumayaw si Chelsie,"

"Hoy! Hindi a slight lang."

"Sus hiya ka pa, todo hataw karin n'yan pag tayo na."

"Tanga,"

Ang saya nila.

"Ellis," humarap ako sa taong tumawag sa'kin. "Si Josh manliligaw mo,"

"Kaklase pala kita." Nahihiya s'yang tumawa. "Bakit ba nahihiya ka? Wala naman nakakahiya."

"A-ano.. kasi nga gusto kita kaso 'yon nga.." wala akong naintindihan sa sinabi n'ya.

"Practice lang po ba hanggang hapon?" tanong ng isa kong kaklase.

"Yes, let's only wait for now.. may gumagamit kasi ng court or we can practice here if you want."

"Sa court nalang teacher, masyadong masikip dito para gawin pag practisan." Ako ang sumagot.

"She's right,"

"But teacher, kung mag iisip na tayo ng sayaw at gagawin less pag iisip pa mamaya." Ani ni Chelsie.

"Let's just think about our dance, masyado talagang masikip dito like Ellis said." Teacher answer.

"Masyadong papansin porke't matalino,"

"Yes I agree, kung hindi lang 'yan matalino hindi naman s'ya papakinggan ni teacher. Bida bida."

"In my opinion, you should talk to me not behind my back that's too rude for me to let you talk behind my back." Ngumisi ako, nakita ko naman ang pagsama ng tingin sakanya. "What can you do? Atlis ako may maipagmamalaki, ikaw? Ganda lang?"

"Let's go students, tapos na daw ang section B." Ani ni teacher.

"Bakit sila ang nauna? Tayo ang section A ma'am, hindi ba nauuna ang A sa B?"

"Nauna sila kaya no choice." Sagot ni teacher.

We practice, lahat ng nakakita sa'king sumayaw ay pinuri ako, dahil daw ang galing kong sumayaw, ako nga hindi alam na magaling sumayaw. Buti pa sila alam.

"Hindi tayo mananalo teacher, baka nasa second lang tayo. Magaling sina Yuan!"

"Kaya natin 'to, students, basta bigay n'yo lang best n'yo sa intramurals at do'n natin malalaman kung pang second lang ba talaga tayo."

"Kaya 'yan, mayro'n tayong Chelsie at Ellis e," anang isa kong kaklase na lalaki. "Ang gagaling sumayaw, parang wala ng tatalo e."

"Announcement students, pipili din kami ng representative ng grade 7 for the math competition," huminga ako ng malalim.

"Si Karina na 'yan, sure na mananalo tayo!"

"Guys we need 3 representative," dagdag ni Teacher.

"Si Karina lang alam namin cher, pwede rin si Chelsie at Keya."

"We're not sure about Keya and Chelsie, pero alam n'yo naman na matik na kasama si Ellis." Seryosong sabi ni teacher. "Mag practice muna kayo, kakausapin ko si Karina."

They do what teacher Nika said.

"Alam kong mapapanalo mo 'to Ellis, para sa'yo.. sino ang mga gusto mong kasama sa competition na 'to?"

"Wala po akong alam, okay lang din po sa'kin kung akong mag isa lang." I told her.

"Ellis, hindi pwede ang isa lang. Sige kung sanang pwede kaso hindi." Nagkibit balikat nalang ako. "Is Chelsie and Keya okay to you?"

"Kahit sino po, okay naman sa'kin basta tulungan akong i-solve 'yung problem." Sinseryang sabi ko, hinawakan n'ya ang balikat ko at ngumiti. Nagtataka akong tumingin sakanya.

"Ngayon palang alam ko ng mananalo tayo, ikaw pa? Congrats agad sa'yo Ellis." Bumilis ang tibok ng puso ko. Hinawakan ko ang dibdib ko.

Ganito ba 'yung feeling na kapag ang mama mo cinongrats ka, pero hindi kasi hindi ko s'ya mama kaya magkaiba 'yon, atlis sa teacher ko narinig ko 'yung salitang congrats na hindi ko marinig sa mama.

Sa tingin ko tama nga sila, ang mga teacher ang pangalawa nating nanay kasi minsan mas may tiwala pa sila sa'yo kesa sa mama mo.

Pumunta ako ng garden para ibalik 'yung libro kay Yuan, hindi ko rin magagamit dahil makikipaglaban nanaman ako. At practice din, atlis mabibigyan ko ng konting time si Gabi at Gelai.

"Salamat sa paghiram," sabay bigay sakanya ng libro.

"Na tapos mo na kaagad?" nagtatakang tanong n'ya, agad akong umiling. "Then bakit mo binibigay?"

"Hindi ko na mababasa dahil wala na akong time," akmang aalis na ako ng nagtanong nanaman s'ya.

"Are you ignoring me?"

"Hindi, bakit mo naman naisip 'yun?" kunot noong tanong ko at hinarap s'yang muli.

"I just feel it, now answer me honestly. Are you... ignoring me?" may pagkadiin sa tanong na 'yon.

"Yes, I am ignoring you Yuan, kasi 'yon naman ang dapat." I confessed.

"Why?"

"You're asking me why now!" halos sumigaw na ako pero pinakalma ko ang sarili ko. "Ayaw mo naman akong kasama e, when I'm around you're irritated, kulang nalang kaladkarin mo ako paalis 'diba!?"

"W-what?" hindi makapaniwalang tanong n'ya. "Oo naiinis ako kasi nag babasa ako at nag sasalita ka."

"May oras din na kinakausap kita at pinaalis mo ako Yuan, ano bang gusto mong iparating?" Daretso ko na sakanya.

"I want you to talk to me." sagot n'ya. "And I know that's not only the reason why you're ignoring me, kasi kahit na ipagtabuyan kita no'n hindi ka umaalis."

"Kasi may girlfriend ka Yuan! Ano ipagsisiksikan ko ang sarili ko? What am I? A desperate woman!? No!" hindi ko na mapigilan ang sumigaw. "You always treat me like a kid and I hate it!"

"Because you're! Ano sa tingin mo ang gagawin ko sa isang grade 7 student? Ligawan na? Makakahanap karin ng ibang magugustuhan kalaunan."

"Talaga ba?" sarkastikong tanong ko.

"Yes, bata ka palang at wala pang alam sa mga ganyang bagay kaya 'wag ka munang mag papaligaw sa mga lalaki jan." Kumalma narin s'ya.

"What!?" naguguluhang tanong ko. "But you just said that magkakagusto rin ako ng iba kalaunan! Ang gulo mo! Ganyan ba tinuturo sa'yo ng girlfriend mo!?"

"G-girlfriend?" tinakpan n'ya ang mukha n'ya at mahina na tumawa. "So that's the reason?"

"W-what? No!" tanggi ko. "Pinupunto ko lang ay gano'n ka bang turuan ng girlfriend mo!" I shouted.

"Wala akong girlfriend," paglilinaw n'ya. Umiling iling ako, hindi naniniwala sa sinabi n'ya.

"Liar! Kakasabi lang no'n sa court na official na kayo!" he licked his lower lip and smiled, bumilis ang tibok ng puso ko.

"Are you sure Ellis?" napakurap kurap ako.

Wait 'yung puso ko sobrang lakas ng tibok, o dahil ito ang unang pagkakataon na tinawag n'ya ang pangalan ko? Just what the hell is Yuan Lawrence Dayrit doing to my life?

"Y-yes! Inakbayan k-ka pa ng lalaki. I remember na sinabi n'ya pang 'so official na kayo n'yan?'" ginaya ko pa ang boses n'ya, Yuan laugh dahilan ng pagkatigil ko.

Ano ba 'to!? Tumalikod ako sakanya at hinawakan ang dibdib ko, I bit my lower lip. Tumigil ka! Ayaw maging normal ng puso ko, paano ba papagbalikin 'to sa dati?

"Tell more about it," nakangising utos n'ya.

"A-ayoko nga, a-ano ka sinu-swerte? Hindi." Sagot ko. "Aalis na ako." Hinawakan n'ya ang kamay ko.

"Wala akong girlfriend kung 'yon ang dahilan kung bakit mo ako iniiwasan, may hinihintay pa akong babae." He told me and let go of my hand.

"S-sino naman?" may galit sa boses ko. "Tignan mo na! Kahit wala ka paring girlfriend atlis may hinihintay ka pa! Nakakainis ka talaga,"

"Hihintayin ko muna s'yang maging ready sa mga bagay na 'to bago ko s'ya ligawan." Dagdag n'ya.

"Hindi 'yan ang hinihingi kong sagot, ang tanong ko. Sino s'ya? Ang hirap mo naman kausapin." Nagsalukbaba s'ya at tinignan ako. "'Wag mo nga akong tignan ng ganyan."

"S'ya 'yung babae na nag papanggap na mature, at mahilig magbasa ng libro. Kasama ko lagi dito sa garden." Pinagkrus ko ang dalawa kong braso.

"A, so mayro'n ka palang kasama na magbasa dito ng libro kapag umaalis na'ko? Sino ang babaeng 'yon? Kahit pangalan lang okay na ako Yuan."

Umayos s'ya ng upo at huminga ng malalim.

"Ano bang gagawin ko sa babaeng 'to?" I heard he whispered something. "Umalis ka na,"

"See! Pagkatapos mo talagang makuha ang gusto mong sagot basta basta mo nalang akong papaalisin! Ang unfair mo, paano naman ang mga gusto kong itanong sa'yo!?" galit kong tanong at umupo sa harapan n'ya.

"Then asked me, para okay na 'yang puso mo." Sagot n'ya.

Nag-isip naman ako ng itatanong, kaso wala na akong maisip? Bakit ba ang unfair ng tadhana? Na tanong ko na ata lahat kanina e, gusto ko pa s'yang makasama.

Pag wala akong rason kung bakit ako nandito, ibig sabihin kailangan ko ng umalis. This is his reading place at lagi ko nalang s'yang ginugulo, kaya siguro bibigyan ko nalang s'ya ng time na mag basa.

"Nevermind," I said and stand leaving him there alone, ano bang magagawa n'ya kung wala akong masabi. Atchaka alam ko naman na gustong gusto n'ya na mag isa lang.

Kinagat ko ang labi ko at ngumiti ng paulit ulit na naririnig ang boses ni Yuan sa utak ko. Wala daw s'yang girlfriend! Gusto ko 'yon! So pwede pa kami gano'n?

"Saya natin a?" bungad ni Narisa, agad na nawala ang ngiti ko. "Share mo naman."

"Walang girlfriend si Yuan," sa wakas ay na sabi ko, kumunot ang noo n'ya.

"Kanino mo nanaman narinig 'yan? 'Diba kakarinig lang natin no'ng araw na may girlfriend s'ya, sa mismong harapan pa natin." Mariing sabi n'ya.

"Yuan said that he doesn't have a girlfriend, nakausap ko s'ya. Kakaalis ko lang," sagot ko.

"Edi good, pwede ka nanaman umasa at saktan nanaman 'yang puso mo kapag nalaman mong may girlfriend nanaman s'ya." I glared at her. "What? I'm just telling the truth Rina. 'Yang batang puso mo ang masasaktan at ikaw rin ang kawawa kalaunan."

"Hindi naman ikaw ang masasaktan at aasa kaya hayaan mo nalang ako sa gusto kong gawin Narisa," saka na s'ya tinalikuran.

Nag practice nanaman kami, na tapos kami ng mga 5PM, inaya ako nina Princess na pumunta ng mall para daw bumili ng susuotin namin sa intramurals. Pumayag naman ako dahil costume din naman ang bibilhin namin sa mall.

Bumili kami oversize grey t-shirt with tiger printed on it, itatali daw namin 'yon para gawing croptop para sa iba pero kaming tatlo ay naisipan na hindi gawin 'yon dahil hindi naman kami nagpapakita ng katawan.

Bumili rin kami ng black hat na walang design, nag pakita ng example si teacher Nika sa mga hindi pa naka-gets nung sinabi n'ya.

"Satingin ko bagay na bagay satin 'yung susuotin natin, ang galing mamili ni teacher Nika no? May fashion sense din kahit minsan konti nalang ay lumabas na ang su-" tinakpan ni Narisa ang bibig ni Princess. Tatawa tawa ako ng mahina habang umiiling.

Nakuha ng atensyon ko ang isang babae na nakatalikod, humarap s'ya kaya labis nalang ang panlalaki ng dalawa kong mata ng si mama 'yon na may kasamang lalaki, nakapalupot pa ang kamay ng lalaki sa bewang ni mama.

Umiling akong muli hindi na naniniwalang si mama 'yon, inaya kong umuwi ang dalawa, bandang huli ay hinatid lang ako ni Princess, nag pasalamat ako sakanya.

Hindi mawala sa isip ko ang nakita ko kanina, sana namalikmata lang ako, sana talaga dahil hindi gagawin ni mama 'yon at alam ko. Alam ko, alam ko. Alam ko nga ba?

Pagkagising ko tinanong ko si mama kung saan s'ya pupunta, hindi n'ya man ako sinagot kaya hindi ko nalang pinansin.

"Teacher, pwede pong excuse muna ako ngayon?" humarap sa'kin si teacher Nika at nagtatanong na tumingin.

"Why? May sakit ka ba? Bakit hindi mo nalang pinasabi sa father mo kung meron?" hinawakan pa n'ya ang noo ko. "Hindi ka naman mainit."

"May pupuntahan po akong importante, ngayon lang po teacher baka makakapasok din ako mamayang hapon."

"Sige basta bumawi ka a, hihintayin kita." Ngumiti s'ya at tinalikuran na ako.

"Hey,"

Doon palang tumigil na mundo ko dahil alam ko na kung sino 'yon, syempre si Yuan. Humarap ako sakanya.

"May kailangan ka?" I asked.

"Saan ka pupunta?" ganito ba talaga 'to? Magtatanong ako tapos magtatanong din, ang labo talaga.

"Pake mo?" masungit kong sabi.

"I'm asking Ellis, answer me." Tinarayan ko s'ya. "Ganyan ka na sa'kin ngayon?" dagdag n'ya.

"Ano ba kaseng pake mo? May pupuntahan nga ako at wala kana don," hinawakan n'ya ang kamay ko, eto nanaman 'yung puso ko.

"Sasamahan kita," napatingin ako sakanya ng nagtatanong. "Sa ayaw at sa gusto mo, ngayon sabihin mo sa'kin kung saan ka pupunta."

"Si mama, susundan ko si mama kung sa'n s'ya pupunta." Pag amin ko. "Nakita ko s'ya kahapon na may kasamang lalaki, pero alam kong nagkamali lang ako."

"And? Kung hindi ka naman pala sigurado e bakit mo gustong sundan?"

"Edi 'wag mo'kong samahan, hindi ko naman kailangan ng pakikisama mo e." Sagot ko.

Tumingala s'ya at tinakpan ang mukha n'ya gamit ang isang kamay, kinagat ko ang labi ko dahil alam ko na naiinis nanaman s'ya sa'kin.

"Ano? Hindi mo rin nakakayanan ugali ko? Edi iwan mo na ako, gano'n ka naman 'diba." Huminga s'ya ng malalim at hinawakan ang kamay ko. "H-hoy ano ba!" sigaw ko ng kinaladkad n'ya ako papalabas ng school.

"Let's do what you want," binuksan n'ya ang pintuan ng kotse at konti nalang talaga ay hinagis ako sa loob no'n!

"Ano ba! Hindi mo ba alam na nasasaktan na ako?" tanong ko at hinarap s'ya ng nakapasok na s'ya sa sasakyan. "Ano galit ka ngayon!? Sumagot ka nga!"

"I'm not mad," kalmadong sabi n'ya.

"O come on Yuan, bakit ba lagi mo nalang sinasabi 'yon kahit hindi naman pala totoo!?" pumikit s'ya ng mariin at humarap sa'kin, napalunok ako sa sobrang lapit ng mukha n'ya.

"Isa pang salita mo, isang isa nalang, patatahimikin ko 'yan." Umayos ako ng upo at itinikom ang bibig ko.

"Alam mo ang bahay namin!?" gulat kong tanong ng nasa harapan kami ng bahay namin ngayon.

"Na daanan mo na ako tapos hindi mo pa alam na isang bahay lang ang layo ng bahay n'yo sa bahay namin."

"Hindi ko alam, baka kasi coincidence lang na nagkita tayo do'n. Minsan sobrang swerte ko lang talaga kaya 'yon ang pumasok sa isip ko-"

Nakita ko si mama na lumabas sa bahay, may kotse sa malayo at pinuntahan 'yon ni mama at sumakay doon.

"Sundan mo, bilisan mo!"

"Can you wait?" naiiritang tanong n'ya. "Ako 'yung nag da-drive hindi ikaw."

"Bilisan mo nga, ang bagal mo e. Baka maiwan hindi na natin mahanap 'yung kotse n'yan!" sigaw ko at inalog alog pa ang balikat n'ya.

"Don't touch me, paano ako mag mamaneho kung inaalog mo ang balikat ko? Just sit still," suway ni Yuan, padabog akong umupo ng maayos. Tinarayan ko s'ya. "Don't do that," dagdag n'ya.

"Don't do that," gaya ko gamit ang mahinang boses ko. Humarap s'ya sa'kin habang nag da-drive. "Tumingin ka nga sa daan, gusto ko bang maaksidente tayo? Ha!?"

"Why are you always mad?" minasahe n'ya ang sentido n'ya. "Hindi rin talaga kita maintindihan minsan e."

"Ano? Anong sabi mo?" galit kong tanong dahil hindi ko narinig ang bulong n'ya. "Yuan!"

"Isa pa, totoohanin ko talaga Ellis. 'Wag mo'kong subukan gagawin ko talaga." Banta n'ya ng hindi ako tinitignan.

"Ano ba ang gagawin mo ha?" sa wakas na tanong ko narin. Sinabi rin kanina tapos ng nagsalita ako hindi naman ginawa.

"Just talk to me about something, 'yung hindi ka sumisigaw, naririndi talaga ako." Tumawa ako.

"See umamin rin, just say that you don't want me around you, gagawin ko naman Yuan." Sagot ko. "Matanda ka na e, at alam kong kailangan sundan ng mga bata ang mga matatanda 'diba?" sarkastikong tanong ko.

"I'm not matanda," mariin sabi n'ya.

"Of course you're kuya," mapaglarong sabi ko, tinignan n'ya ako ng masama saglit at bumalik din ang tingin sa daan.

"Kuya? Kailan mo pa naisipan na tawagin ako na kuya? Just call me Yuan like you always do." Kalmado ang pagkakasabi pero ang pagkahawak sa manibela ay sobrang higpit, feeling ko kung kamay ko ang hawak n'ya ay mababali ang kamay ko.

"Ayoko nga, naisip ko ngayon na mas maganda palang tawagin kang kuya Yuan," tumango tango ako. "See? Ang gandang pakinggan, kuya Yuan." Ulit ko pa.

"Ellis tumigil ka na," seryosong sabi n'ya.

"What if I don't want to?" hamon ko sakanya, pumikit s'ya ng pariin at itinigil ang sasakyan. "Bakit mo tinigil? 'Yung hinahabol natin Yuan!"

Nilapit n'ya ang mukha n'ya sa'kin, napakurap kurap ako at napatitig sa manipis na mapula n'yang labi.

"Hindi natin susundan kung ayaw manahimik, now choose Ellis. Susundan natin sila o hanggang mamaya dito tayo?" mariin n'yang tanong saka nginisian ako.

"Syempre susundan, that's why I excuse myself!" I shouted.

"Then be quiet, ayoko sa mga babaeng maiingay naiintindihan mo?" Wala sa sarili akong tumango. "Good then, marunong ka naman palang makinig bata."

"I'm not a kid Yuan," dahan dahan kong sabi. "Minsan pang banggit mo d'yan, I would tell the world that you abuse me," nanlaki ang dalawang mata n'ya.

"Abuse? Really Ellis?" natatawa n'yang tanong, 'yan nanaman ang tawa n'ya. D'yan ako nahuhulog e.

"O-oo, child abuse 'd-diba? Kasi inaasar mo'kong bata kahit hindi naman talaga ako bata." Kinakabahan kong sabi dahil panay parin ang mahinang pagtawa n'ya.

"You're, porke't ba grade 7 ka na satingin mo hindi ka na bata?"

"Oo, thirteen, teen na ako naiintindihan mo ba kuya Yuan?" tinakpan n'ya ang mukha n'ya at mahinang nag mura. Humarap s'ya sa'kin. "Ano?" hamon ko.

"Babalik na tayo," pinigilan ko naman s'ya kaagad.

"Ano ba Yuan, biro lang e. Sige na hindi na kita guguluhin." Seryosong sagot ko. "Nakakainip naman kasi kung panay lang ang sulyap ko sa labas, para talaga akong bata no'n."

"Bata ka naman kase,"

"Nang-aasar ka e! Tignan mo, bata ka naman kase. Sabing hindi nga e," I whined like a kid.

"Mature ka na?" tanong n'ya at pinagkrus ang dalawang braso.

"Oo!" agad kong sagot.

"Patunayan mo," s'ya naman ngayon ang nag hamon. "Maniniwala ako na mature ka na pag napatunayan mo." Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at nag isip ng isasagot.

"Isang lalaki ang gusto ko at ikaw 'yon, sapat na ba 'yon para maniwala ka?" nakangusong tanong ko.

"Yeah, tama ka, mature ka na nga. Sige paniniwalaan na kita." Saka na nagsimulang mag maneho.