webnovel

kahit minsan

Mari_posa · Urban
Not enough ratings
3 Chs

Chapter 1

Leighyana's pov.

"Leighyana! Bilis! Dito tayo!" kumaway-kaway pa itong si Danica ng makita akong tumatakbo. Naka tago ito sa maliit na eskinita. Kaya agad akong tumungo sa kinaroroonan nito. Habol hininga kong narating ang pinag-tataguan nito. Kahit sino ang dumaan sa kalsada ay malabong mapapansin ang kinaroroonan namin.

Para kaming mga daga na nag-uunahan sa pag takbo. Dahil huhulihin kami ng mga taga Dswd.

Araw-araw, ganito lagi ang routine namin. Malas mo lang pag nahuli ka nila. Tiyak! Di kana makakalabas ng Center.

Lumaki ako sa kalye kasama ng mga batang inabadona ng mga magulang.

Halos tatlong taon na akong palaboy sa kalye ng Cavite. Mula ng tumakas ako sa bahay Ampunan sa Batangas.  Napad-pad na ako sa lugar na ito. Hindi ko nga alam kung may magulang pa ako. Ang sabi kasi nila Mother Lina. Iniwan daw ako sa harap ng Ampunan noong sangol pa lang ako.

Walong taong gulang lang ako nung binalak kong tumakas ng Ampunan. dahil napaka higpit ni Mother Lina. Lagi nalang akong pinag-iinitan Kahit konting pag-kakamali, paparusahan na.

Pero bigo ako ng mga panahong 'yon.

Tanda ko pa. Lima kaming tatakas nun. Pero dahil sa aksidenteng nangyari. Nahuli din nila ako.

Kaya nung nag Dose anyos na ako. Naka gawa ako ng paraan para muling makatakas. Sumabay ako sa isang truck na nag-hahatid ng mga gulay sa Ampunan. Sumakay ako sa likod nito ng walang nakaka-pansin. Kaya napad-pad ako dito sa Cavite. at dito ko na rin nakilala si Danica. Mag-ka edad lang kami. Pareho kaming nasa kinse anyos na ngayon. Naging matalik ko na itong kaybigan. simula nong makita ako nitong umiiyak dahil di ko alam kung san ako tutungo. Pinatira ako nito sa barong barong nilang bahay. Kasama nito ang Lola na may sakit. Ngunit di nag tagal ay binawian din ng buhay si Lola Anna.

Kaya mula no'n, ay mainit na kami sa mga taga Dswd.

"Hay! Salamat. Hindi tayo nakita ng mga yun!" napa buntong hininga pa ito habang sinisilip ang mga taga Dswd na naka patrol.

"Danica. Nakakapagod na ng ganito. Lagi nalang tayong nag-tatago sa t'wing nag-papatrolya ang Dswd," naka-upo ako. habang sinisilip ang kalsada ng itugon ito.

"Sus! H'wag kang matakot. Mapapagod din yan sila sa kaka-huli sa'tin. Mukhang wala na sila," nagliwanag ang awra ng mukha nito. Kaya masayang humarap ito sa'kin.

Pero bigla itong natigilan. ng marinig ang tunog na mula sa sikmura ko. Napangiwi ako at agad niyakap ang t'yan, "Nagugutom na ako Danica."

"Halata naman eh, base sa tunog ng t'yan mo. Krok-krok. Sabi ng mga alaga mo," natatawang turan nito. kaya natawa na rin ako.

"Tara na nga. Nagugutom na din ako. Mabuti pa, puntahan na natin si ali bang-bang," kumindat pa ito bago tumalikod. palabas na kami sa masikip na eskinita. At naka-sunod ako dito, "Ali bang-bang ka d'yan! Marinig ka ng non. hindi na tayo pakakainin sa karinderya niya."

Pag-karating namin sa karinderya ni Aling Bebang. Agad kaming nakita nito.

"Hoy! Nandito nanaman kayo?" naka pamewang pa ito, ng makita kaming papalapit sa maliit na kainan nito sa may kanto.

Suot pa nito ang ang brown na apron. Na hapit sa katawan nito, dahil sa may katabaan ang panganga-tawan. Naniningkit pa ang mata nito. Tila nangigil sa'min. Imbes matakot itong si Danica. Pinipigilan pa nito ang matawa sa itsura ni Aling Bebang. Maliit na Babae kasi ito at may katabaan. Pero matangos ang ilong nito At maputi.

"Aling Bebang naman, mag-babayad naman kami." Nakaka-kapit ito sa braso ko. Ng muli kaming singahalan ni Aling Bebang, "Hoy! Danica! ang haba na ng listahan n'yo dito oh!" tumalikod ito at inabot ang isang note book na pinag listahan ng utang namin, "Ayan! Nakita n'yo?! No space for new utang na kayo, kaya lumayas kayo dito! Layas!"

Napa-atras kami ng lapitan kami nito. Halos tulakin kami palabas ng karinderya.

"Danica. Tara na!" hihilain ko sana ito, ngunit bigla itong natumba. mabuti at nasalo ko ito agad, "Danica!? hui Danica!"

"Hala! Anong nangyare?!" Napa sigaw, at tila luluwa na ang mga mata ni Aling Bebang. ng makita nito si Danica na nawalan ng malay.

"Aling Bebang! Tulungan niyo po ako!" naluluha kong turan.

Agad ako nitong tinilungan sa pag alalay papasok sa karinderya nito,

"Dito! ipapahiga natin siya dito sa mahabang upuan."

Marahan namin itong pinahiga sa mahabang upuan na gawa sa kawayan. "Sandali! kukuha ako ng pamay-pay. para may hangin siyang malanghap," nag-mamadaling humakbang ito patungo sa maliit na kwarto.

Kunot-noo kong ibinalik ang mga tingin kay Danica.  Pero biglang nawala ang pag-kunot ng noo ko ng makita ang isang mata nito na naka dilat. "Oh eto na ang pamay-pay!" Agad nitong pinikit ang mata ng marinig si Aling Bebang. Inabot nito ang

"S-salamat po," mahinahon kong inabot dito ang pamay-pay. Kahit pa nauutal ako.

"Pay-payan mo s'ya. Siguro gutom na yan, kaya nahimatay."

"O_oo nga po,"

"Naku! Konsensya ko pa ngayon! Hala, sige. Pag-ka gising niyan kumain kayo. Tsaka, pwede ba maligo naman kayo?! Kababaeng tao niyo amoy chichas kayo!" lumaki pa ang mga butas ng ilong nito ng maamoy kami.

Napa-kamot nalang ako sa ulo. mabuti nalang at kaka-unti palang ang kumakain dito sa karinderya at di gaanong nakaka-hiya.

Ng magising kunwari si Danica. Ay agad kaming pinakain ni Aling Bebang. At pagka tapos, umalis na din kami doon.

"Akala ko talaga, totoong nahimatay ka,"

Halos mapunit ang bunga-nga nito sa malakas na pag-tawa, "Ang daling utuin ni Alibang-bang" namumula na ito ngayon dahil sa labis na pag halak-hak "Pang best actress ba ang drama ko kanina?"

Nasa kalsada kami ngayon, naglalakad pauwi sa tinitirhan namin.

"Naku. wag mo ng ulitin yun ah! Baka mamaya, di na 'yon maniwala sa'tin," naka nguso kong tugon.

Halos araw-araw kaming ganito. Yung palipat-lipat ng mauutangan ng pag kain namin. Pero binabayaran naman namin, kapag sumweldo kami sa pag ka car wash. Pero malimit nauunahan kami ng mga lalaki. kaya madalas zero kami.

"Danica?" napa tigil kami sa pag-lalakad  ng may huminto na kotse sa gilid namin. May dumungaw na Babae at nag aapurang lumabas ng sasakyan. tantsa ko mga kwarenta anyos na ito.

"Danica ikaw ba yan?!" nag-katinginan lamang kami ni Danica ng makilala siya nito. Matangkad at maputi ito. At may blonde na buhok hangang leeg. Kahawig ito ng Ina ni Danica base sa nakita kong litrato.

"Sino po kayo?" halos paningkitan  ng mata ni Danica ang kausap na Ginang.

"Pinsan ko ang Mama mo. Matagal na kitang hinahanap, kaya lang hindi ko alam kung saan ka hahanapin.. mabuti nalang at may naka-pag sabi na nandito ka sa Cavite," Naluluhang lintaya nito.

"Kung gano'n. anong kaylangan n'yo sa'kin?"

"Danica. Bago mawala ang Mama mo. Nangako ako na aalagaan kita. Kaya lang, noong panahon na 'yon ay walang wala ako. Kaya hindi ko nagawa ang pangako ko sa kanya.

Kaya ngayon, naka ahon na ako. kukunin na kita. Papa aralin kita tulad ng pangako ko sa Mama mo." Lumuluha na silang pareho. Kaya diko na rin na pigilan ang mapa luha.

Sumama kami sa Tita niya sa isang Hotel dito sa Cavite. Nung una ay nag-aalangan pa kami. Pero napa niwala naman si Danica. na totoong kamag-anak n'ya ito. base na din sa mga storya nito na nag tutugma sa mga taong nababangit.

"Sige kain lang kayo ng kain ha, maraming pag-kain," natutuwang turan ng Tita ni Danica.

"Ikaw iha? Ano nga ang pangalan mo?"

Nilunok ko muna ang laman ng bibig ko. bago ako sumagot, "Leighyana po."

"Saan ka nakatira?"

Napatigil ako sa pag-subo ng kanin ng muli itong mag-tanong. Nilingon ko muna si Danica bago sumagot, "Sa-"

"Sa bahay. Sa bahay namin ni Lola Anna," di ko natapos ang pag salita ng agawin ni Danica ang atensyon ng Tita nito.

"Ganun ba? Sige bilisan nyo ng kumain. at pupunta tayo sa mall."

Nag-liwanag ang mga mukha namin ni Danica ng bangitin nito ang Mall. Kaya binilisan namin ang pag-kain.

Ng matapos kaming kumain. Ay agad kaming umalis ng hotel. Sakay sa magarang kotse na kulay maroon.

Tinungo namin ang pinaka malapit na Mall dito sa Cavite. Lagi namin itong nakikita pero hindi kami nakakapasok. Dahil wala naman kaming pambili.

Ng matapos kaming bilhan ng mga gamit. ay nag pasya na ding umuwi ang Tita ni Danica.

"Sa hotel na din kayo matulog," naka ngiting lintaya nito. Naka sakay na kami ng kotse at binabaybay na ang daan patungo sa naturang Hotel.

"Tita,"

"Hmm? Yes Danica,"

"Ano nga po pala ang pangalan n'yo?"

"Ah. Oo nga pala. Call me Tita Elma." Naka-ngiting tugon nito.

"Ah, Tita Elma? Saan po ba kayo naka tira? May pamilya na po ba kayo?"

"Sa US. Yes may mga anak na din ako. Ang Kuya Arnel at Ate Loraine mo. Pero lahat sila ay may kanya-kanyang pamilya na. Ako nalang mag-isa sa bahay. Patay na din kasi ang Asawa ko."

"Kelan po kayo babalik do'n?"

"Ikaw talaga ang pakay ko dito sa Pinas. Tatlong lingo na ako dito. Kaya ngayong nahanap na kita. Bukas. Aalis na ako kasama ka,"

Natigilan si Danica sa huling sinabi ng Tita n'ya. Nilingon ako nito na may lungkot sa mukha. Hinawakan ko ito sa kamay at nginitian. Batid ko ang nasa isip nito. Pero pinapakita ko na ok lang ako.

Kinabukasan, nag paalam muna kami ni Danica  kay Tita Elma na umuwi muna sa tinitirhan namin.

"Leigh," mahinang tawag nito sa'kin habang naka tayo sa bintana na may tungkod na kahoy.

Nasa bahay na kami.  Tinutupi ko ang mga damit na pinamili namin kahapon sa mall, "Hmm?"

"Paano ka? Wala  kanang kasama dito," naluluhang turan nito.

Tumayo ako at nilapitan ito. Hinawakan ko ang magka-bilaang balikat nito at tiningnan sa mga mata, "Danica. Wag mo akong intindihin. Magiging maayos ako dito. Tsaka, ito na yung pangarap mo na makaka punta ng ibang bansa diba?"

Tumango-tango ito habang lumuluha, "Pero kasi, maiiwan ka. Wala ka nang kasama dito. B_baka mapano ka?! Tsaka, pangarap natin yung dalawa, na sabay tayong pupunta sa ibang bansa."

"Edi mauna ka do'n! at susunod ako," sabay pa kaming natawa sa sinabi ko.

"Mamimis kita. Pangako. Kapag nakapag-ipon ako. Papadalhan kita ng pamasahe. para maka sunod ka agad," niyakap ako nito ng mahigpit. Mamimis ko din ito. Itinuring ko na itong kapatid at pamilya. Kaya masaya ako na makakawala na ito sa hirap na dinadanas.

"Mamimis din kita. Basta mag-aaral ka ng maayos dun ah!" naluluha kong tugon.

"Pangako. Para sayo, para sa pangarap natin."

Matapos kong mailigpit ang mga damit na pinamili. Ay bumalik na kami sa Hotel na tinutuluyan ng Tita Elma. "Oh! Nariyan na pala kayo," nakangiti ito ng pinagbuksan kami ng pinto. Nilakihan nito ang pag-bukas upang makapasok kami.

Ng maisara nito ang pinto ay kinausap ako, "S'ya nga pala, Leighyana. May naka-usap ako. Na pwede mong tirhan. Mas okey dun para safe ka."

Nilingon ko ito ng may pag-alinlangan, "Ahm. Okey naman po yung tinitirhan namin. Tsaka mababait po yung mga kapitbahay."

Lumapit ito sakin at hinawakan ako sa balikat. Bakas sa mukha nito ang awa para sakin, "Pasensya kana kung di ka namin maisama sa US" may dinukot ito sa bulsa. Isang kapirasong card, " Ito. Tangapin mo. Makakatulong 'yan sayo."

Bahagyang lumaki ang mata ko ng makita ito, "Naku po Tita. Hindi ko po yan matatangap."

Mabilis nitong inabot ang kamay ko. At pilit inilagay sa palad ko ang Atm card,  "Sige na. Tangapin mo na. Para naman hindi mag-alala si Danica sayo. Monthly may papasok na pera d'yan. Gamitin mo sa mga pangangailangan mo."

"P_pero-"

"Leigh. Sige na," inilipat ko ang tingin kay Danica ng lumapit ito sa'min. Diko napigilan ang maluha. Dahil may mga tao pang nag-mamalasakit sa'kin. "Salamat po. Makaka asa po kayo na gagamitin ko po ito sa maayos."

Kinabukasan. Maaga kaming nagising.

Dahil dahil ngayon na ang alis nila Danica, at Tita Elma patungong US.

Hindi na ako sumama sa pag- hatid sa  Airport. At mas pinili ko nalang ang umuwi sa bahay namin. Sa isang masikip na eskinta at  maputik na daan. Dikit-dikit ang mga tagpi-tagping bahay ang narito. Makikita mo ang mga batang naka hubo't hubad na naglalaro. Mga kalalakihang nag susugal sa daan. At nag uunpukang mga kababaihan na nag iinuman. Sanay na ako sa ganito. Pero mababait ang mga 'yan.

"O, Leighyana. Naka alis naba si Danica?" Nag-wawalis itong si Manang Ising ng makita ako. Mabait na kapit bahay ito. May katandaan na din kaya kuba na ito. Pero malakas parin sa kalabaw.

"Opo Manang," iksing tugon ko. Nilagpasan ko nalang ito at tinungo na ang pinto ng bahay namin. Maliit lamang ito. Pag-pasok mo. Makikita mo na agad ang higaan. At sa kaliwa nito ang mesa na hapag kainan.

Lumapit ako sa mesa at umupo. 'Ang tahimik. Di ako sanay sa ganito. Pero kaya ko to. Kakayanin kong mabuhay ng mag isa.' Naka-lumbaba pa ako. At inikot ang paningin sa kabuuan ng bahay. Biglang pumasok sa isip ko ang  Atm card na binigay sakin ni Tita Elma. Mabilis ko itong dinukot sa bulsa ng saya kong hangang tuhod. Pinag-mamasdan ko ito. Ngayon lang ako naka-hawak ng ganito sa tanang buhay ko. Biglang may pumasok sa isip ko na mamili ng pag-kain sa palengke. Napangiti ako. Kaya agad akong tumayo at kinuha ang basket ni Lola Anna na pam-palengke n'ya noon. Kinuha ko na rin ang sling bag na napulot ko sa bundok ng basura. Inilagay ko sa loob nito ang Atm card.

Masigla akong binuksan ang pinto pero, biglang napa-mulagat ang mga mata ko ng makita ang isang grupo ng mga taga Dswd. kausap si Manang Ising. 

Mabilis kong sinara ang pinto. At napa-hawak pa ako sa dib-dib. Na ngayon ang parang may mga daga na nag-uunahan. "Leighyana! Nand'yan kaba sa loob? May mga nag-hahanap sayo," si Manang Ising na kumakatok sa pinto. Napa-pikit ako at napa-kunok ng laway sa sobrang kaba. Mabilis kong hinakbang ang mga paa at tinungo ang pinto sa may kusina. Ito nanaman ako. Parang kriminal kung tumakas. Mabilis kong nabuksan ang pinto at tumakbo ng mabilis. "Hoy! Mag dahan-dahan ka naman!" sigaw sa'kin ng Lalaking na nabanga ko. Hindi ko na ito pinansin at hindi na nilingon. Tanging sa pag-takbo lamang ang focus ko.

Naka-labas na ako ng eskinita. Pero patuloy parin ako sa pag takbo kahit kinakapos na ako ng hininga. Hindi ko na alam ang haba ng tinakbo ko. Basta  ang sa'kin, ang makalayo sa lugar na 'yon. Para di nila ako mahuli at ayokong tumira sa Center. Hindi ko na namalayan tumutulo na pala ang mga luha ko. Hindi ko na magawang punasan ito kahit nanlalabo na ang paningin ko. Nakaramdam na ako ng labis na pagka-pagod kaya pabagal ng pabagal na ang takbo ko. Hanggang sa huminto na ako sa lugar na matao. Tiyak na hindi na nila ako masusundan.  Taas baba ang dib-dib ko dahil sa pag habol ko ng hininga. Napa-hawak ako sa mag-kabilaang tuhod dahil sa labis ng pagka-pagod. Napatingin ako sa katawan ko. Ganun nalang ang pagka-bigla ko ng mapansin wala na ang sling bag ko na naka sabit kanina.

Napa-sapo nalang ako sa noo, 'Ano ba Leighyana?! Ang malas mo naman! Lahat nalang ba ng kamalasan sa mundo nasalo mo?!' Usig ko sa sarili.

Paano na ako ngayon? Ayoko naman mamalimos. Di bale, mangungutang nalang ako ulit kay Aling Bebang. O kaya mag-aaply ako ng tiga hugas ng pinggan? Tama! Kahit pang kain ko lang. Siguro naman papayag yun. Napa buga nalang ako ng hangin.

Paisa-isang hakbang ang ginawa ko  sa tabi ng kalsada. Tinitingnan ko ang paligid, malayo na ito sa tinitirhan ko.  Pero nasa kalye parin ako ng Cavite. Napatingala ako sa langit. tinatantsa ang oras base sa sinag ng araw. Tantsa ko mag aalas-dose palang ng tanghali.

Ramdam ko na ang hapdi ng balat dahil sa tindi ng sikat ng araw. Ramdam ko na din ang hapdi ng sikmura. Kaya binilisan ko na ang pag-lakad.

Halos trenta minutos ang nilakad ko bago narating ang karinderya ni Aling Bebang. Marami na ang kumakain dito. Nakatayo ako sa labas at sinisilip ang loob. Hihintayin ko nalang siguro na kumonti ang mga taong kumakain bago ko kakausapin si Aling Bebang.

Tatalikod na sana ako ng makita ako ni Aling Bebang.

"Leighyana! Mag-isa ka yata?! Nasan na yung kambal tuko mo?" naka taas pa ang isang kilay nito habang hinahalo ang mainit na sabaw sa kalderong malaki.

Bahagya akong humakbang at bahid sa muka ko ang matamis na ngiti, "Nasa US na po. Kaka alis nga lang eh."

"Weeeh?? US mukha mo! Wag mo nga akong pinag-loloko," kunot noong lintaya nito.

"Oo nga po! Di po ako marunong mag siningaling," nakataas pa ang kanang kamay ko tila nanunumpa.

"Bahala ka nga d'yan," tumalikod na ito at pinuntahan ang kustomer na mag-babayad ng kinain. Nanatiling naka tayo ako sa labas ng karinderya nito. Ngunit ilang saglit pa, muli ako nitong nakita,  "O anong tinatayo-tayo mo d'yan? Alis na!" napakagat labi ako ng tabuyin ako nito, "Ah. Aling Bebang baka po pwedeng maka utang ulit. Babayaran ko din kapag nag-ka pera ako."

"Naku! Hindi! Umalis kana bago pa ako tatawag ng pulis!" dinuro-duro pa ako nito. Hindi na ako nag-pumilit pa. Baka totohanin pa nito ang pag tawag ng pulis.

Bagsak ang balikat ko ng umalis sa karinderya nito. Gutom at uhaw na ako pero kaya ko itong tiisin kesa madampot ng pulis.

          Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Ayoko naman bumalik sa tinitirhan namin baka naroon pa yung taga Center. Napa hinto ako sa harap ng isang Beauty salon. Tiningnan ko ang sarili sa babasaging salamin. Napa ngiwi ako ng makita ang itsura ko. Ang dungis ko na pala. Ang dumi ng puti kong damit na dalawang tao ang kakasya. At ang saya ko na hangang tuhod ay may punit na sa dulo. Pinunasan ko ang mga butil-butil na pawis sa noo ng bigla nalang akong nahilo. Napa-upo ako bigla sa takot na baka babagsak ako sa kalsada. Pero huli na ng manlabo ang paningin ko.