webnovel

Love

Ang "LOVE" daw ay nararamdaman ng bawat indibidwal sa mundo, makakaranas ka daw ng totoong pagmamahal kung alam mong para na siya sa'yo. Handa mong gawin lahat para lang sa ikaliligaya ng mahal mo. Handa kang mag sakripisyo para lang tumibay pa lalo ang pagmamahalan niyong binuo.

Pero bakit may mga taong nagpapaka-tanga para lang magpatuloy sa pag ibig na minsan lang nabuo sa mga damdaming masaya lang sa una pero hahantong sa dulo. Bakit may mga taong nasasaktan dahil sa mga kasiyahang nabuo sa una pero magdudulot ng kirot sa dibdib ng kung sino.

Ako si Cj College Student at matalinong estudyante, mataas palagi ang grado laging numero sa klase palaging lonely at moody. Hanggang isang araw nagmahal sa isang babaeng naging kasiyahan at kulay ng aking buhay. Laging kausap sa bahay, simbahan at iba pang pasyalan. Maganda siya, matalino, mabait at lahat lahat nasa kanya na ng katangian na pinapangarap at hinahanap ng isang lalaki. Siya si Shan, laging marami ang likes sa Facebook at sa lahat ng post nito. Pero, di lang nila alam na marami na ring nanloko dito. Kaya kung ako makakasama nya pangakong di ko ito lolokohin kahit ano pang gawin di ipagpapalit.