webnovel

Just Be Friends

Maraming nagsasabi na kapag mag best friends the other one is in love secretly. At first I never believe that kase I never felt any form of affection for my super best friend Dylan. None at all. Until nagkagirlfriend siya, everything changed. I started noticing those smiles of him. Yung mata niya kapag nakikiusap siyang tulungan ko siya sa mga surpresa niya sa girlfriend niya. How can I resist those brown eyes? And every word sinks in. Why? Why now? Why him? Tsk. Sasabihin ko ba? O itatago ko nalang ba tong kung ano mang nararamdaman ko alang ala sa pagkakaibigan namin? O hahayaan ko ang sarili ko na maging masaya at maranasan ang ganito kahit minsan lang? I thought I'll never be one of them but, I hate to admit it.  Yeah, I'M SECRETLY IN LOVE WITH MY BEST FRIEND.

TheArcher19 · LGBT+
Not enough ratings
26 Chs

Chapter 22: Threat

Justin Klyde's POV

Can't believe that I've been in a relationship for a week! Jusko nangyayari ba talaga to? May boyfriend na ako mga te!!! Sabi ko na nga ba magkapatid kame ni Rapunzel. Mas mahaba lang talaga buhok ko sa kanya. Char! HAHAHA.

"Huy!" halos mapatalon naman ako sa gulat sa kaibigan kong oso. Kamuntik pang matapon ang hot choco na iniinom ko.

"Kahit kelan ka talagang animal ka!" saka ako tumayo mula sa kinauupuan ko. Andito kase kame ngayon sa cafeteria. " Diba sinabi ko sayo tigilan mo na ang kakagulat sa akin pero di ka nadadala." saka ko siya hineadlock ng makaupo siya.

"Aghhh! Jus-...Tin! H-Hindi akk--o maka...hinga!" saka siya pilit na nagpupumiglas.

"Ano yon? Hindi ko maintindihan!" pang aasar ko. Kumuha naman siya ng bwelo para makapagsalita ng maayos.

"Hindi ako makahinga! Di mo ba maintindihan yon?!" bulyaw niya. 

"Aba! Ikaw pa galet!" saka ko hinigpitan yung pagsakal ko sa kanya. "Ikaw tong di makaintindi diba?! Ano uulit ka pa?!"

"Hindi na! Pakyu!" 

"Ay bastos ka? Anong pakyu?! Sabihin mo hindi na boss!" 

"H-hindi na boss!!! Awat na!!!" saka ko naman kinalas yung pagkakasakal ko sa kanya. Kulang nalang higupin niya lahat ng hangin sa loob ng cafeteria. Yung ibang students naman napapatingin na sa amin. Agad naman akong bumalik sa upuan ko saka sinimulang kainin ang pinaorder kong 3 hotdogs, 2 longganisa, egg, and 3 cups of rice. Light breakfast lang tayo mga bes.

"Oh pre what happened? Are you okay?" Tanong ng Babe ko na galing CR. Shet kinikilig na naman ako. 

"Tanungin mo yang syota mong amazona." agad ko naman siyang tinignan ng masama.

"Babe ano na naman bang ginawa mo dito sa bestfriend mo? He looks like he's about to pass out." 

"Wow naman Paul. parang kelan lang nagsasapakan kayo ngayon concern na concern ka?" Yes, you heard that right. Biglang close tong dalawang tukmol na to. Ewan ko ba kung paano.

"Sira. Nag iisa nalang yang bestfriend mong sintu sinto tapos papatayin mo pa di ba?" napatawa naman ako sa sinabi niya.

""Wow pre salamat ha?"

"HAHAHA just kidding.." maya maya pa napatingin si Babe sa plato ko. "Babe hanggang tanghalian na ba yang inorder mo?" pang aasar niya.

"Gusto mo din Babe matry yung ginawa ko kay Dylan?" ang nakangiti kong tanong. Naalarma naman siya bigla. 

"Sabi ko nga oorder nalang ako kesa maranasan yun. Love you Babe." saka siya pumunta sa counter. 

"Hindi ako nakukuha sa paganyan ganyan Paulito ha!" ang halos pasigaw kong sabi sa kanya.

"Alam mo ikaw napakasungit mo? Wala man lang bang sweetness dyan sa katawan mo?" buhay pa pala tong katabi ko.

"Bakit ba? Inaano ka ba dyan?" 

"Yung mga sagutan mo sa syota mo. Wala man lang tamis."

"Paano ba dapat Mr. Expert?" 

"Dapat maglagay ka ng konting lambing. Sige ka iwan ka niyan." 

"Tigilan mo ako sa pananakot mong yan ha! Mahal ako niyan. Saka pwede ba 1 week palang kame. 1 week palang akong in a relationship at alam mo namang wala akong alam sa ganyan. Nag aadjust pa ako." irita kong sagot sa kanya.

"Nako hindi rason yan. Iiwan ka talaga niyan pag ganyan ka."

"Ewan ko sayo. Baka ikaw ang iwan ni Mira. Nagchat nga siya sa akin kagabe."

"Ha? Ano daw sabi?" patola naman neto my gosh. Well sakyan natin ang pagiging uto uto netong bespren ko.

"Ayun sabi niya medyo naninibago na daw siya sayo."

"Hala?! Wala naman akong matandaan na ginawa ko. Okay nga kame kahapon!"

"Aba malay ko. Yun sabi niya. Lalo na daw sa mukha mo." napahawak naman siya bigla sa mukha niya.

"Ano bang problema?"

"Ang pangit mo na daw lalo! HAHAHAHAHAHAHA!" 

"Mas pangit ka kaya! Tignan mo may bago na agad jowa mo oh." sabay turo sa direksyon ni Paul na may kinakausap. I had a clear view of the girl when Paul left the line. Si Shiela. She quickly noticed that I'm staring at her and gave me a smirk. 

"Babe, are you okay?"

"Ha?"

"I said are you okay? Sino ba tinitignan mo dyan?"

"Yung kausap mo kanina." saka ko tinuloy ang pagkain.

"Ahh. She just asked kung kelan daw sisimulan yung report namin since we're on the same group." tango tango lang ako sa sinabi niya,

"Hey, are you jealous?"

"Is there a reason that I should be jealous?" 

"Wala syempre!" 

"Wala pala eh." Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa.

"What's so funny?"

"Nothing. Kahit na nagsusungit ka you still look cute." saka niya pinisil yung pisngi ko.

"Knock it off." bwisit na to. Don't go red Justin. 

"Hay nako nawalan na ako ng gana kumain. Masyadong madaming langgam dito. Una na ako guys." ang reklamo ng katabi ko.

Napatawa nalang kame ni Paul sa kaartehan ng kaibigan ko. I just waved goodbye sa unggoy bago siya tuluyang lumabas ng cafeteria. 

Click!

"Burahin mo nga yan!" reklamo ko kay Paul.

"Why? You're so cute in this shot. Kaya lalo akong naiinlove sayo Babe eh."

"Sus. Ewan ko sayo napakabolero mo." 

"Mahal mo naman." saka niya ako tinitigan as if I'm the only person existing in the cafeteria.

"W-wag mo nga akong tignan ng ganyan!" 

"Why not? you 're mine afterall. Di ba?" I just nodded like a child. He then gave me his sweetest smile. Grabe. Ampogi ng boyfriend ko. 

"Babe." pagtawag niya ng pansin dahil yung utak ko napunta na naman ata sa ibang dimensyon.

"Hmm?"  sagot ko saka inubos ang iniinom kong hot choco.

"Susi ka ba?"

"Mukha ba akong sinasaksak sa doorknob?" tanong ko pabalik na ikinatawa niya.

"Seryoso kase to. Susi ka ba?" Napairap nalang ako. Daming paandar netong lalakeng to. Siguro nakuha na naman niya to dun sa kaibigan kong oso.

"Baket?"

Saka niya nilapit mukha niya at bumulong.

"Pakeys ako." And this blue haired guy of mine really did.

Sa hiya at gulat ko'y napatayo ako sa kinauupuan ko at nauna nang maglakad habang hawak yung pisngi ko.

"Hay na ko Paulito!" 

Narinig ko nalang yung pagtawa niya saka ako sinundan pabalik ng classroom.

---

"Konti nalang te babalian na kita ng buto. Bakit ba ang likot mo? Mamaya mapagalitan tayo ni Maam!" saway ko kay Bry.

"Si Benedict kase parang sira. Kinikiliti ako bwisit." Nilingon ko naman sa kaliwa ko ang jowa netong si Bry at tinignan ng masama. Nag peace sign naman siya at tinigilan na ang pangungulit.

Binalik ko naman agad yung sarili ko sa pakikinig sa lesson ni Maam. Hays gusto ko ng umuwi or makipagdate nalang sa Babe ko. HAHAHA. Joke. 

And speaking of jowa, pasimple ko namang nilingon ang direksyon niya. Busy makipagkwentuhan. Kaso malakas ang instinct ng isang to at agad lumingon sa akin. Kumindat kindat pa. Inirapan ko lang pero kinikilig talaga ako pisti. HAHA. 

Pero that moment I felt strange. Ramdam ko bigla na para bang may ibang nakatingin sa akin. Hinanap ko naman agad kung saan. And once again it's Sheila. Nakatingin ng masama. Ano bang problema neto? 

Hindi pa din niya inaalis yung tingin niya and since wala akong pake sa kanya inirapan ko nalang at nagfocus nalang ulit.

Natapos nalang ang klase at tila may masamang sumapi sa babaeng to. May pagbulong pa siya sa mga kaibigan niya bago lumabas ng room. Sa tinagal kong kaklase to di ko naman alam na may sa abnormal siya. I mean, hindi ko kase sila pinagpapansin sa room. Kaya siguro din hindi ko siya naging kaibigan. Iba. May iba sa babaeng to.

Soon as the class ended, I immediately went to the comfort room dahil di ko na mapigilan. Ihing ihi na talaga ako mga te. Sinabihan ko nalang si Paul na magkita nalang kame sa cafeteria para makapaglunch.

I let out a sigh as a sign of relief. Kung bakit ba naman kase sobrang lamig sa room kanina. Matapos akong makapaghugas ng kamay ay agad na akong lumabas ng comfort room.

As I passed by the corridor, biglang may grupo ng mga babae na humarang. I fixed my glasses since hindi ko sila mamukhaan. Soon as I had a clear view of them, I immediately put my poker face on.

"So hindi ka na pala single ngayon Justin?" Pagtatanong ni Sheila Demonyita ng makalapit ako sa kanila.

"Anong gusto mong sagot, pang tanga o pang bobo? You're asking me the obvious." Agad naman siyang nagtaas ng kilay.

"Iba talaga nagagawa ng malandi. Anong pang uuto ang ginawa mo para makuha si Paul? Ah siguro binayaran mo siya." Saka sila nagtawanan. 

"Kung malandi ako ano ka pa? Even google can't find the appropriate word to describe you. Saka bakit ko ieexplain sayo kung paano ko nakuha si Paul? Pakealam ko ba sayo?" Saka ko siya inirapan and passed them by.

Hindi pa man ako nakakalayo when someone grab my hair.

"Matapang ka na? Nagkaboyfriend ka lang akala mo naman kung sino ka na." 

"I was born fearless bitch. Now let go of my hair." 

"What If I don't?" 

"Then take this." I grabbed her hand that held my hair and twisted it. 

"Ouch!!!!" ang maarte niyang reaction.

"I asked you once but it seems like you didn't hear it."

"Walangya kang bakla ka! Girls help me!" agad naman sumugod ang dalawang bruha.

Before they even laid their hands on me, I already gave them my not so painful kick. 

"Sa susunod bago mo ko sugurin make sure that you CAN beat me." saka ko siya sinampal. 

"You'll pay for this faggot! Hindi mo deserve sumaya!"

"Sure. Sabihan mo lang ako kung kelan. Saka wag ka ngang nag iingles, hindi bagay sayo." saka ko sila tinalikuran at naglakad palayo. 

"One more thing Sheila, maglagay ka nga ng moisturizer sa mukha mo bago ka humarap sa akin, ang eew kase." then I left.

-----

"Sabi ko na nga ba may sa demonyo yung babaeng yun eh." ang nasabi ko nalang habang nakatambay sa roof top. Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling yung galit niya. Siguro may gusto yun sa jowa ko. Well, sorry nalang siya kase mas umangat yung ganda ko sa kanya.

I texted Paul that I had an emergency kaya di na ako sumabay sa kanya pauwi pero di niya alam nakipag sapakan muna ako sa mga kampon ng kadiliman.

"Shit ang hapdi pa din ng anit ko. Bwisit na babaeng yun." 

I thought with that one text ay mapapanatag na si Paul, eh kaso makulit si boyfriend heto at tumatawag.

"Hello."

"Where are you?"

"Ha? Ah eh dito sa supermarket. May pinabili kase si Mama."

"Then why didn't you tell me para nasamahan kita?"

"Ano ka ba Babe malaki na ako. Saka di naman madami pinabili. Keri ko na to."

"Okay. Just text me when you get home. Okay?"

"Sige. Babye!"

"Bye. Love you."

"Love you too." Then I ended the call.

"It doesn't seem to be a supermarket for me." halos mapatalon naman ako sa kinauupuan ko ng may biglang nagsalita.

"OH MY GOD! Kanina ka pa ba dyan?!" ang tanong ko sa lalakeng nakaupo sa dulong part ng rooftop.

"Yeah. Before you even got here. Nasira tuloy tulog ko." what's with the accent? Hindi rin siya mukhang pinoy based on his features. Singkit. Mas singkit kay Paul. Matangkad. Maputi. As in. yung parang lumaklak ng gluta.

"Sorry. Hindi ko naman alam na may tao dito." 

"I don't accept sorry."

"What?" siraulo pala to eh.

"I said I don't accept apologies like that. Bingi." 

"Hindi ako binge! Ang weird lang ng sagot mo. If you don't want my sorry I don't care."

"Andali mo namang mapikon. And about what I said I mean it. Treat me a meal and you're forgiven." sagot niya.

"As If I'll do that."

"Don't you even know me and what I do to people who disobey me?" Then he gave me a mean look that made me shiver.

"N-no." Jusko paano ko naman siya makikilala eh ngayon pa nga lang kame nagkikita.

"Hindi sila nakakaalis ng buhay dito. Now if I were you just do what I say. Are we now okay?" napatango nalang ako at sumunod sa kanya. 

---

Lagas ang pera ko mga te. Timawa pala tong kasama ko. Andito kame ngayon sa isang Japanese Restaurant malapit sa school na ngayon ko lang din nakita. Hindi naman kase ako palagala kaya di ko knows tong lugar.

"Hey, you eat too." ang pagpansin niya sa akin saka nilantakan ang noodles niya.

"Paano pa ako makakain eh yung kinakain mo palang parang kulang sayo." bulong ko.

"Sobra yan para sa atin." saka niya inusog ang isang bowl ng noodles sa harap ko. Katulad ko rin pala to. Malakas din pandinig. 

Maya maya pa narinig ko na siyang dumighay.

"OISHI! Gochisou sama deshita!" Ano daw???? 

Siguro napansin niyang wala akong naintindihan sa sinabi niya kaya inulit niya sa akin.

"I said 'Delicious, thank you for the meal'." tumango tango nalang ako.

"Are you Japanese?" pang uusisa ko.

"Well not really. My mom is a Filipina and my dad is Japanese." sagot niya.

"How about you? Are you Korean?" Agad naman akong napailing. "Well you don't look like a filipino to me. Ampon ka siguro."

"Hoy! Anak ako ng nanay at tatay ko no!" sagot ko na ikinatawa niya.

"I'm Tadashi Kento Nakamura. But I prefer you call me TK." Pagpapakilala niya.

"Nakamura? Napamahal nga ako sayong bwisit ka." bulong ko saka hinigop ang natitirang sabaw.

"I'll treat you too. Come." saka niya ako hinila palabas ng restaurant.

Paul Adrian's POV

Where on Earth are you Justin? 

Tumawag kase ako kina Tita to check if nakauwi na siya since hindi pa siya nagtetext sa akin mula ng tumawag ako sa kanya kanina. Sabi nila Tita wala pa daw siya at hindi rin naman daw siya inutusan ni Tita sa supermarket. 

I immediately grabbed my keys and drove back to the school. I also called Dylan and he's also clueless of where Justin is right now. Damn it.

Soon as I reached the school grounds, I parked at the nearest store. I dialed his number again and now it's unattended. Kinakabahan na ako.

Takbo dito, takbo doon. I searched every place that he might be but there's no sign of him. That's when I try to look for places na hindi pa niya napupuntahan.

And there's this dessert store that is not so far sa school namin. I saw him, with another guy. I calmly walk towards them. 

"Hi Babe. I thought nasa supermarket ka?" bahagya namang nagulat si Justin at agad  napalingon sa akin.

"P-Paul." 

"Oh. That was rude of me for interfering with your quality time. I'm Paul by the way and you are? Sorry, ngayon lang kita nakita pare."

"TK."

"New friend Babe?"

"Let me explain Paul."

"Sure. Now if you'll excuse us dude, I just need to talk to my 'boyfriend'." saka ko siya hinila.

Tahimik lang kaming naglalakad papunta sa store kung saan ko pinark yung kotse ko.

"Talk."

"Uhm ano… Sorry."

"That's it? Yun na yun Justin? Wala ka ng dapat pang sabihin?"

"Okay, okay sige na sasabihin ko na." I just kept myself quiet and let him talk.

"Hindi ko alam kung dapat ko bang ikwento talaga since hindi naman ganun ka big deal." He took a deep breath before he continued.

"Kanina, when I said that I'll just used the comfort room, I got some fight with Sheila and her friends."

"What?! Anong ginawa nila sayo?!" 

"Nung una akala ko they'll just ask something. Well, they did. Tinatanong ako ni Sheila kung paano naging tayo." saka siya yumuko. "She asked me what did I do to make you fall for me and if I do really deserve to be happy. Syempre I did my best to answer her calmly, eh kaso may sapi ata yung babaeng yun at pinagtulungan ako. Buti nalang nag aral akong martial arts." 

Maya maya pa narinig ko yung mga munting paghikbi niya. I grabbed him close to me and hugged him.

"Shhh. Don't mind them. They don't know anything about you and how much I  love you. Wala silang karapatan na sabihin lahat yun sayo, basta mahal kita. Hindi natin kailangang mag explain or iplease ang kahit sino sa kanila. Okay?" tumango tango naman siya saka bumitaw sa pagkakayakap.

"One more thing."

"Hmm?"

"Who's that guy?"

"Just a guy I met sa rooftop. Dun kase ako nagpalipas ng inis kay Sheila." saka niya kunwento sa akin ang mga detalye kung paano sila nagkakilala.

"Basta stay away as much as possible to that guy. Hindi natin siya kilala. Baka kung ano pang gawin sayo." 

"Opo Boss." sagot niya.

Maya maya pa bigla namang tumunog yung tiyan ko. 

"Oh? Bakit may naririnig akong dragon?" 

"Kakaisip at kakahanap ko sayo nakalimutan ko ng maglunch kanina. Inindian mo ako eh."

"Sorry  Babe. Libre nalang kita sa Jollibee." ang nakangiti niyang sagot. 

"Ayoko nun. I want to eat something." saka ko siya tinitigan at nagkagat labi.

Nanlaki naman ang mata niya. Pinigilan ko namang matawa sa naging reaksyon niya.

"E-eh ano ba g-gusto mong kainin?" ang nauutal niyang tanong.

Lumapit naman ako sa kanya saka bumulong.

"I want to eat you Babe.Pwede ba?" Nakatanggap naman ako agad ng hampas sa braso.

"Ewan ko s-sayo Paulito! Andami mong alam! Susumbong kita kay Papa!" saka siya sumakay sa  sasakyan.

Napailing nalang din ako. Ang cute talaga ng mga reaction ng Babe kong to.

Pasakay na ako sa car ko ng mapuna ko yung lalaking kasama kanina ni Justin. Nakasandal siya sa pader malapit sa store kung saan ko sila nakita kanina. And by the way he looks on our direction hindi ko na agad to gusto. He gave me a smirk before he walked towards an alley then vanished. 

I have to keep an eye on this guy. Especially my Justin.

"Huy Babe ano na? Tambay ka lang dyan? Uwi na tayo nagugutom na din ako eh." 

"Okay okay eto na nga." saka ako pumasok sa sasakyan. "Gutom ka na din pala. Di ka ba pinakain man lang ng kadate mo kanina?" pang aasar ko.

"Hindi nga ako nakipagdate! Sira ulo ka ba? Andyan ka na nga makikipagdate pa ba ako sa iba?" ang naiinis niyang sagot. Pwede bang kiligin mga pre? Hahaha.

"Kaw naman binibiro ka lang eh. Cute talaga ng Babe ko magtampo. Pakiss nga ako." saka ako lumapit sa kanya. Agad naman niyang hinarang yung palad niya sa mukha ko.

"Tigilan mo ako Paulito. Nagugutom ka na di ba? Now drive this car." pagsusungit pa din niya.

"Why go home? Eh andito ka naman na sa tabi ko." nanlaki na naman ang mata ng boyfriend ko.

"PAUL ADRIAN TAN!!! Kainis ka talaga!"

Natawa nalang ako sa kanya saka inistart ang engine.