1 CHAPTER 1: TRAGEDY

Third Person P.O.V

hinahabol ng dalawang truck ng militar ang mabilis na pagtakbo ng kotseng porsche. may dalawang lalaki sa loob ng sa sakyan, ang isa mabilis na pinapatakbo ang sasakyan habang ang isa ay may kausap sa telepono.

"hinahabol na kami ng mga militar" pasigaw na sabi niya sa telepono.

"wag kayong mag papahuli kundi madadamay si Boss" sabi ng nasa kabilang linya.

"anong gagawin natin malapit na nila tayo maabutan" sabi ng katabi niyang nagd-drive. tumingin ang kasama niya sa nag d-drive.

"pare aalagaan naman sila ni Jester" tumingin ang kasama niyang nag d-drive at nagulat sa sinabi ng kanyang kasama.

"pare hindi naman natin alam kung sino o ano si Jester"sabi niya at patuloy paring binibilisan ang pagmaneho.

"hoy anong gagawin ninyo---hayaan mo na sila" sabi ng nasa telepono.

"gagawin ang Tama, kahit naman na hindi kami na huli ng militar na ngayon ay hinahabol kami. mas mabuti pang mawala, para hindi ma pahamak ang sinasabi ninyong Jester" pag kasabi niya noon ay pinatay niya ang telepono tumingin siya sa kasama niya, tumungo ang kasama at iniba ang direksyon ng manebela. nahulog ang kotse sa bangin at paikot ikot ito pababa hanggang sa sumabog ito. tumigil ang dalawang truck ng militar kung saan doon na hulog ang kotse sa bangin. bumaba ang lalaki sa truck at naglakad patungo sa bangin, nakatingin lang siya sa baba kung saan gumulong ang hinahabol nilang kotse. habang nakatingin ito sa baba may lumapit sa kanyang lalaki at may inabot na telepono kinuha naman niya ito at sunagot ang tawag. huminga muna siya ng malalim bago mag salita.

"Yes Sir...papunta na po kami..."walang ganang sabi niya sa kausap sa telepono. tumingin muna siya sa lalaking nag abot sa kanya ng telepono, umayos ang pag katayo nito na diresto ang ulo pati narin ang katawan niya.

"maghanda ulit kayo. pupunta na tayo sa Head Quarters" sabi niya at nag lakad papunta sa sinakyan niya kanina. sumigaw ang lalaki ng 'sir yes Sir!' at sumunod sa pinapagawa nito.

tatlong oras bago makarating ang dalawang truck sa HQ. malawak ang HQ, puro puno at putik ang makikita mo sa paligid madaming tumatakbo sa HQ may malaking building para sa tulugan ng mga sundalo. nang ma igarahe ang truck nag sibabaan ang mga sundalo sa loob ng truck, nang makababa agad lahat nakapila sila ng sunod sunod at tuwid silang nakatayo para bang may hinihintay. may huling lumabas sa truck na lalaki at nag lakad sa harap ng mga sundalo. papalabas siya ng may tumawag sa kaniya sa telepono.

"marshall ko kailan mo ako dadalawin sa studio miss na kita" sabi ng nasa kabilang linya. tumigin muna siya sa telepono,binasa ang pangalan na tumatawag sa kanya huminga muna siya ng malalim at pinapat ulit ang telepono sa tainga niya.

"mamayang gabi ako mag hahatid sayo gan sa studio mo" sabi niya nag pasalamat ang kausap niya bago ito patayin. naglakad siya paputa sa Lexus LC niyang kotse doon siya sumakay at pinaandar niya ito ng katamtamang bilis.

Jessica's P.O.V.

"sige lumapit ka tutuluyan ko talaga ang babaeng toh na itulak sa building na ito." sabi ko na hawak ang leeg ng babae. nasa roof top kami ng buildin at sobrang taas maaring mamatay talaga siya rito.

"huwag, mong ihulog si Jasmine. a-ako n-nalang" sabi ni ng lalaki habang palapit ng papalapit parin siya saakin.

"Hans umalis kana dito hayaan mo na akong mawala" sabi ng babae na hawak ko na umiiyak kanina pa. ahh nakakainis ang drama naman ng dalawang toh.

"t*ng*N* naman mag si tigil na nga kayong dalawa nakakar--" hindi ko na ipag patuloy ang aking sinabi dahil na bumukas ng pinto sa rooftop.

"sh*t ka Hans may gana ka talagang tumawag ng pulis, hindi ako mag papahuli sabay kami ni Jasmine na tatalon dito sa Building na ito" sabi ko at naglakad papalapit sa dulo ng building habang hila hila si Jasmine.

"wag, liana...BANG" pag katapos sumigaw ni Hans ay may pumutok na baril at ako ang natamaan sa sa tagiliran na bitawan ko si jasmine at patuloy akong bumagsak sa sahig dahil sa sakit nito.

"CUT--- oh tulungan ninyo agad si ms. Uter, faster ibigay ninyo narin agad sa kanila ang mga jacket." napabangon agad ako sa pag kahiga ko kanina sa scene. tumingi ako sa paligid at abala sila sa paglilikpit ng mga gamit.

"maam tawag po galing kay Spades" sabi ni Yumi ang assistant ko sa showbis at sa iba pa. tumayo ako at tumingin sa kanya ng walang emosyon at bumulong sakanya.

"sagutin mo at sabihing mo na mamaya sa dressing room ko siya kakausapin" sabi ko at tinapik ang balikat niya

"maam mag jacket kayo baka sa bihin nila na hindi kayo nilalamig at yun ang totoo" sabi sa akin ni Yumi na naka ngisi sa akin at inabot ang jacket nginisian ko rin siya. lumapit ako sa mga kasama ko kanina sa scene dahil may sasabihin daw ang director. nang kompleto na kami sa harap ng direktor pumalakpak siya sa amin.

"great job guys, magbihis kayo at kakain tayo sa resturant and treat ko " sabi ng direktor.

"direk baka hindi ako makasama"

avataravatar