Ang Lobo at Ang Isinumpa
(Note: Purong Tagalog ang istorya, at hindi tungkol sa mga hayop. Sana magustuhan ninyo.)
May isang tuta na ikinulong ng isang mayabang na ibon. Isang araw, may isang pusang nagpakilala sa kaniya. Nakatatakot tumingin ang pusa, pero ang tingin ng tuta ay mabait ang pusa dahil pinakawalan siya nito.
Ang sabi ng pusa sa tuta, "Ako ang kapatid mo. Sumama ka sa akin at babalik na tayo sa pamilya natin."
"Ngunit ang sabi ng ibon ay hindi ako maaaring lumabas dahil ako'y mapanganib," ang sabi naman ng tuta.
"Isa ka lamang tuta at hindi isang lobo kaya't ano ang mapanganib sa'yo? Nagsisinungaling lamang ang ibon. Sumama ka na sa akin," pangungumbinsi ng pusa sa tuta.
At dahil inosente ang tuta sa mundong ginagalawan niya ay tumango lamang siya at sumama sa pusang tumulong sa kaniya. Sinundan sila ng ibon sa kanilang paglalakbay hanggang sa isang araw ay napahamak ang pusa upang iligtas ang tuta sa kamay ng mga masasamang tao.
Ang sabi ng ibon, "Sinabi ko na sa'yo na mapanganib ka. Bakit hindi ka nakikinig sa akin?"
Tuloy pa nito, "Lahat ng mga bagay sa paligid mo, mapapahamak nang dahil sa'yo kaya kahit kailan, walang magmamahal sa'yo."
Simula noon, hindi na muling lumabas ang tuta mula sa kulungan niya.
Frigelle · Fantasy