webnovel

IWIWH

"Sana ako na lang siya para mahalin mo"

saddestchick · Urban
Not enough ratings
2 Chs

01 - Graduation Day

Luna's POV

"CONGRATULATIONSSSS!"

Sigaw ng mga kaklase namin kaya nakihiyaw nalang din kami dahil magmumukha kaming kj, today is our graduation day at kakatapos nga lang ng graduation namin kaya heto kami at kinukuhanan ng litrato ng mga magulang namin since magna cumlaude si Heather at kami ni Archie ay may award lang syimpre may pakain pero sa bahay nila Heather dahil masarap ang foods dun tsaka pwedeng magtake-out.

"Isa pa" sabi ko kila Archie at Heather pagkatapos ay inakbayan nila ako, meron pang binuuhat nila akong dalawa at nakasimangot ako habang nakahalukipkip at tumawa lang silang dalawa.

Magkakaibigan kaming tatlo since grade school una kong nakilala si Archie, naglalakad kasi ako nun sa may kalye tapos may tumamang bola sa ulo ko dun ko nalaman na siya yung nagbato kaya simula nun na-scam ko siya na kapag di niya ako ililibre ay ipapakulong ko siya kaya ayun simula nun lagi na kaming magkasama tapos si Heather naman ay transferee student tapos una akong nag-approach kasi napakatahimik niya tapos kami ni Archie maingay--eh magkatabi kaming tatlo kaya lagi ko siyang ginugulo kaya simula nun bestfriends na kaming tatlo.

Pagkatapos ng picture taking ay binigay ko kila Heather at Archie ang pictures dahil iniipon namin ang mga memories namin together, nagpaalam na ako pagkatapos dahil nag-aya na sila mama na umuwi dahil yung mga manok daw ni papa ay nagugutom na. Buti pa ang manok inaalala. Char.

Nang makarating sa bahay ay nagbihis muna ako ng komportable at natulog muna para hindi ako mabilis antukin mamayang gabi sa party dahil sigurado akong puyatan kami sa bahay nila Heather mamaya. Nang magising ako ay agad akong naligo at nagbihis, nakasuot lang ako ng black hoodie at white dolphine short tapos naka-bun ang buhok ko para hindi hassle hindi naman kailangang bongga ang suot dahil kami lang namang tatlo ang tatao mamaya dahil hindi na makikiparty yung mga magulang namin.

Nang matapos mag-ayos ay lumabas na ako at nagpaalam muna kila mama bago tumakbo sa bahay nila Heather, magkatapat lang kasi ang bahay namin at kila Archie naman ay katabi ng bahay nil Heather, pagkapasok ko sa loob ay nandoon na ang dalawa at naglalaro ng ps4. Si Archie ay nakasuot ng sweat short na gray at white na tshirt at may hawak na stick o sa kaliwang kamay at sa kabila naman ay ang controller habang si Heather naman ay naka hoodie na sweater na white at nakablack na sweat short at meron pa siyang eyeglasses dahil hindi siya magiging si Heather na kaibigan namin kung hindi naka-eyeglasses yan.

"Ang duga bakit nauna na kayo?" nakasimangot kong tanong sa kanila at umupo sa gitna habang inaabot yung manok sa may maliit na table andun ang iba't ibang klaseng pagkain hindi ko naman alam ang tawag basta kinakain ko lang at masarap.

"Paano ang tagal mo..." sagot ni Archie habang binubuksan ang soju. "...teka naka-make-up ka?" takang tanong ni Archie habang nakaturo pa sa mukha ko agad ko namang hinampas ang daliri niya at sinamaan siya ng tingin.

"Kailan mo ako nakitang naka-make-up?" napailing na lang si Heather sa amin at nagmix ng inumin.

Naglaro lang kami ng uno at as usual lagi na namang talo si Archie dahil magkakuntsaba kami ni Heather kaya wala siyang choice kundi gawin mga dare namin sa kaniya, grabe yung tawa ko ng sumayaw siya ng careless whisper para lang siyang uod dahil hindi naman marunong sumayaw si Archie dahil sa aming tatlo ako ang dancer at si Archie naman ay talent niya ang pagkanta habang si Heather ay matalino lang, mas mabuti pa nga yun kaysa samin ni Archie.

Nang mag alas tres na ng madaling araw ay natulog na kami, ako sa kama ni Heather at silang dalawa naman ay sa papag. Wala na kaming ilangang tatlo dahil palagi kami dito sa bahay nila Heather para na nga naming bahay 'to dahil hindi naman nagrereklamo ang mga magulang ni Heather mas gusto pa nga nilang narito kami para daw masaya ang bahay nila.

Nagising ako ng may narinig akong tawa kaya naman minulat at nakita ko si Archie na kinukuhanan ako ng picture habang tulog at katabi nito si Heather na tumatawa lang at nanonood sa kalokohan ni Archie agad kong tinalon si Archie at binatukan.

"Aray Luna!"

"Aray! Bro help!"

"Talagang ginagago mo ako Archie!" patuloy ako sa pagbatok sa kaniya habang nakita kong lumabas si Heather ng kwarto pagkatapos kong bugbogin si Archie ay lumabas na kami para mag-almusal.

Naroon na si Heather at nagbabasa ng diyaryo nang makita niya kami ay binaba niya iyon at inalalayan ako umupo agad naman ako nagpasalamat.

"Ano palang plano niyo ngayong tapos na tayo sa College?" tanong bigla ni Archie.

"Ako pahinga muna tapos mag-aaral ng photography diba nga pangarap ko yun" nakangiti kong sagot sa kanila kaya ngumiti tin sila ng tumingin sa akin.

"Ako naman mag-o-audition sa isang company pangarap ko kasi maging singer" malaki ang chance na sumikat si Archie dahil maganda ang boses niya.

"Ikaw Bro?" nag-angat ng tingin samin si Heather at nagkibit balikat.

"Gusto ko maging doktor" yun lang ang sinagot niya at naintindihan na namin yun.

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

saddestchickcreators' thoughts