webnovel

Simula

Tila nasa isang karera ako dahil sa sobrang bilis ng sinasakayan kong pampublikong sasakyan papunta sa aking destinasyon, sa San Antonio. Ino-okupa ko ang pang-dalawahang upuan kahit mag-isa lamang ako. Bawat pasahero na sumasakay ay nilalagpasan ang pwesto ko sa hindi malaman na dahilan.

Maybe they find me good when all alone.

Ilang sandali ang nakalipas nang may umupo sa katapat kong upuan sa harap, lovers.

Hindi pa umaabot ang limang minuto mula ng makaupo sila ngunit ilang beses nang naglapit ang mukha nila. They needed a room! Hanggang bus ba naman? Hindi makapag antay itong dalawang to na makababa sa pupuntahan nila at maghanap ng motel sa malapit at ipagpatuloy ang pinagkakaabalahan nila.

"Aray," sabi ng babae ng mauntog sya sa bintana ng bus. Napangisi naman ako.

Biglang nag vibrate ang cellphone ko dahilan para halungkatin ko iyon sa bag ko.

Reese is calling...

Pinag-iisipan ko pa kung sasagutin ko ba o hindi. Pero kasi late na ako ng isa't kalahating oras. Magkikita rin naman kami mamaya, e bakit kailangan niya pa tumawag?

Hindi ko alam kung sino ang pasimuno sa 'reunion' daw kuno na magaganap ngayon.

Kaka-inform lang nila sa akin kahapon. Palibhasa ayaw nila akong isama sa group chat nila kasi alam nilang hindi ako mag rereply.

Nang tumigil na sa pag vibrate ang aking cellphone ay bigla ko naman tinext si Reese.

To: Reese

What?

Yun lang naman ang sinabi ko pagkatapos, ilang sandali lang ay bigla nanaman nag vibrate ang phone ko. So this high school friend of mine really don't change at all... ang kulit pa rin.

Kailangan ba maging excited ako kasi makikita ko nanaman ang mga kaklase ko dati? After five years, ngayon lang kami ulit magkakasama. Sobrang tagal din pala yun. Parang gusto ko nalang bumalik ulit ng High School nang maalala ko mga alaala ko noon.

Huminto ulit ang pag vibrate. May bigla naman nag text sa akin.

From: Unknown Number

7-11! Tagal mo, Aurea! Walang sisihan ha, nagpahuli ka kasi.

Kilalang kilala ko to, nako Dulce! Nagpalit nanaman siya ng number. Wait, bakit ko naman kailangan magsisi sa pagiging late ko? I'm glad I didn't join them. Malamang kasi e, nakipagsisksikan nanaman sila sa van ni Kuya Michael.

Bumaba na ako ng bus ng makarating ako sa bayan ng San Antonio. Dala-dala ang backpack ko na naglalaman ng laptop at iilang libro na hiniram ko pa sa library bago ako dumiretso rito. Suot suot ang dress kong hanggang taas ng tuhod ang haba. I remove my coat, masyado na kasing tirik ang araw, mainit. That revealed my red sleeveless dress, so out of place. Dibale uuwi rin naman ako mamaya.

Hindi mapakali si Dulce habang nakikita niya akong papunta na sa 7-11. Hinanap ko ang iba niyang kasama, mag-isa lang kasi siya sa labas, pero nang dumapo ang mata ko sa loob ng convenience store, tumindig bigla ang balahibo ko ng magtama ang mata namin.

"Aurea!" Sigaw ni Dulce ng makalapit ako sakanya at bigla akong niyakap.

"Hindi halatang na-miss mo ko Dulce," wika ko nang hindi pa rin ako makawala sa yakap niya.

"Sorry, ikaw ba naman hindi siputin ng limang taon diba? Twice a year kami nagkikitang lahat at thank God, pinaunlakan mo na rin kami." Too bad, bigla naman akong nakonsensya. Ako lang ba ang pinaka-busy sa amin?

"Kaya nga nandito na ako diba? Sorry na po. Saan na ba yung iba nating kasama? Akala ko ba ako lang late? At anong ginagawa mo rito?" Sunod-sunod kong tanong sakanya.

Bago pa makasagot si Dulce ay biglang bumukas ang double door ng convenience store na syang ikinalingon ko. Parang huminto ang ikot ng mundo, sari-saring emosyon ang nararamdaman.

The small stubbles was growing on his chin making him more mature than before, his nose was still prominent, high cheek bone, enticing red lips. Hindi ko napansin na medyo nagtagal ang tingin ko roon hanggang sa bigla nalang umangat ang gilid ng kanyang labi.

Napaiwas ako ng tingin.

"I know what you're thinking but don't be too obvious to stare at me like that, Aey." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, mahangin pa rin!

Napahagikhik naman ang isa sa gilid.

Naunang naglakad si Rouel habang naka plaster pa rin ang mapaglarong ngisi sa kanyang labi. Bitbit niya ang dalawang plastic ng yelo sa kanang kamay at isang mamahaling alak na malaki naman sa kaliwa.

"I told you, magpa-late ka pa ha." Bulong sa akin ni Dulce sabay kindat niya at humagikhik nanaman.

"Bakit di mo ako sinabihan?" Pabulong kong tanong sa kanya habang sinusundan na ang matipunong lalaki sa harapan namin.

"Sabi ko kay Reese na siya magsabi sayo."

"Saan ba tayo?" Tanong ko ng biglang pumasok si Rouel sa itim na chevy. Tumakbo naman si Dulce papuntang kotse at hindi man lang ako sinagot. Binuksan niya ang likod na pintuan at sinarado iyon ng malakas.

Nang nakalapit na ako sa kotse ng kung sinoman ang may-ari ay bubuksan ko na sana ang likuran na pinto pero naka-lock ito. Dumila si Dulce mula sa loob at tinuro ang front seat.

Do I have a choice?

Lunok laway. Hinga ng malalim.

Binuksan ko na ang pintuan ng front seat at umupo na roon. Ayaw ko naman na sabihan pa ng damuho dito na katabi ko na nag-iinarte pa ako.

"Grabe Aurea, miss na miss ka na raw ni Cliff. Kaya dalian mo raw sa pagpapatakbo, Rouel." Nagkatinginan kami ni Rouel. Siya ang unang umiwas ng tingin.

Malapit na raw kami sa aming destinasyon pero halos sampong minuto na kaming bumabyahe, ipinagpapasalamat ko ang pagiging maingay ni Dulce. Kahit papaano ay naibsan ang awkwardness na nararamdaman ko kahit ang totoo ay kausap lang naman halos ni Dulce ang sarili niya.

"How are you?" kaswal na tanong ni Rouel ng tumahimik si Dulce sa likod. Napalingon naman ako sakanya at napailing sa hindi inaasahang tanong na magmumula pa mismo sakanya.

After five damn years, parang nakakaloko na iyan pa mismo ang tanong niya sa akin.

"Still the same." Tipid kong sagot. Nakikita ko naman sa peripheral vision ko na panakanaka siyang sumusulyap sa akin.

"You're different now." Sabi niya sa mahinang boses. Dinaan ko nalang sa tawa yun kasi alam ko kung ano ang tinutukoy niya na nag-iba sa akin.

"So, ikaw kamusta naman?" Tanong ko.

"I'm happy now." Pagkasabi niya yun, biglang sumilay ang totoo niyang ngiti na ako ang dahilan ng mga yan... dati.

Tumingin sya sa akin, may laman ang bawat titig niya, para bang may ibang tao na talagang nagpapaligaya sa kanya ngayon.

Back then, I believe in destiny. Even if there are so many struggles that come your way to break you apart, you will always end up together. Like it was meant to be.

But now? I believe that you create your path depending on the decision you chose. That every decision has its own consequences that lead you to where you are now. That it's a matter of choices.

Sana dati ko pa ito napagtanto, para alam ko, na nakapaghanda ako na wala na talaga... kahit ilang taon man ang lumipas.

Dahil iyon ang pinili niya, na tapusin ang lahat sa pagitan namin. 🍁