webnovel

Meeting Him Again

At the age of twenty-six, ngayon lamang naramdaman ni Beverly Babia ang kakulangan at kalungkutan. Ang dalawang bestfriends ay magkasunod na nag-asawa, at siya'y napag-iwanan nila. She missed them. But she was also happy for them.

Napabuntong-hininga siya nang mag-isa siyang mapadako sa mall upang maghanap ng ipanregalo sa kaarawan ni Bradley, ang asawa ng kaibigan niyang si Rosalil.

Patungo siya sa isang souvenir store nang hindi inaasahang magkatagpo sila ni Kevin Espenoza. Napamura sa kalooban nang biglang tumibok ng malakas ang dibdib. Bakit ba pinagtagpo muli ang kanilang landas pagkalipas ng maraming taon? Napatiim-bagang siya.

"Hi, Bev. Sino'ng kasama mo?"tanong nito nang mapahinto ito sa kanyang daraanan. Hindi agad siya nakapagsalita. She stared at him and her heart was broken again at the sight of him. Kahit ilang beses pa niyang itanggi na matagal na silang tapos ngunit sa kailaliman ng kanyang puso naroon ang hinanakit at pait. Niloko siya nito noon at kahit ano pa ang gagawin ng lalaki, hindi niya ito mapapatawad sa sakit na idinulot nito sa kanya.

"Hindi mo ba nakikita, ako lang mag-isa,"mataray niyang sagot. Umiiwas siyang makausap ito ng sarilinan. As a matter of fact, ayaw niya itong makaharap pero talagang hindi maiiwasan dahil mga kaibigan nito ang mga lalaking mapapangasawa ng dalawa niyang bestfriends.

Napatitig siya rito. He's still handsome than ever. He's a all masculine. He dressed himself with sophistication. Broad shoulders, matangkad, makisig at wavy ang brown nitong hair. Idagdag pa ang firm jaw and all muscled body. Ang mga mata nito ay mapang-aarok, like he could see her through. Naaalala pa rin niya ang paborito nitong pabango na siyang naaamoy niya ngayon. Bakit ba ayaw ko makalimutan ang lahat tungkol sa lalaking ito?

"Uuwi ka na ba o magsi-shopping ka pa?"untag nito sa kanya.

"Ano bang pakialam mo?"she retorted.

"I wish I could drive you home."

Napangiti siya ng peke. "Touché, papunta na rito ang girlfriend mo. Excuse me." She gritted her teeth. Naroon din pala ang babae. Tinalikuran niya ang lalaki at iniwan. Narinig niya ang mahina nitong pagmura pero hindi niya ito nilingon.

Tuwid siyang naglakad at iniwas ang mga mata sa makakatagpong nobya ni Kevin na si Althea. They were introduced before sa engagement party ni Bradley at Rosalil. She didn't like her and no reason to be friendly. Hindi rin naman ito nakikipagkaibigan sa kanya. Whatever, wala siyang pakialam.

Lalagpasan na sana niya ang babae ngunit napatigil siya nang magsalita ito. "Nakita kong nagkausap kayo ng nobyo ko. May kailangan ba siya sa'yo?"tanong nitong nakataas pa ang kilay.

"Nagtanong lamang iyong tao tungkol sa papalapit na kaarawan ni Brad. So?" She lied. Hindi niya kailangang i-report sa babae kung anuman ang pjnag-usapan nila ni Kevin. Alam niya rin first class bitch at masyadong selosa ang babae.

"Ginagamit mo ba ang iyong mga kaibigan para balikan ka ni Kevin?"matulis ang binitawang mga salita.

She was getting furious. They exchanged sharp gazes.

"Ang babaw pala ng isip mo. Matagal ng tapos ang sa amin ni Kevin, tiyak na alam mo iyan kaya dahan-dahan ka sa pang-aakusa. You have no reason to get jealous of me."

"Ako magseselos sa'yo?" Napahalatak ng tawa ang babae na ikinalingon ng ibang dumaraan. Althea looked at her from head to food. Nakakainsulto ang reaksyon ng mukha nito.

"We are not in the same league. Fashion model ako samantalang ikaw ay ordinaryong employee lamang. There's no comparison with that."

Gumanti rin siya, sinuyod niya itong tingnan mula paa pataas. "Iyon naman pala. Bakit nai-insecure ka?"

Napatawa ito ng pagak. "Ako insecure? Get real. You are fat."

Napatitig siya sa babae ng husto. She's pretty and slim. But the attitude was another matter. Tinawag pa siyang mataba. Nangunot ang kanyang noo. There was really nothing wrong with her figure. Matangkad siya at fashionable manamit. She's curvy and long-legged, natural straight black hair, at may dimples siya na nakakadagdag asset sa kanya. She believed she's neither ugly nor fat.

"Well, what can I expect, you certainly don't know the difference between fat and curvy. One thing for sure, I'm not a walking stick,"ganti niya.

Agad na pumagitna sa kanila si Kevin. "Thea, di ba magsi-shopping ka pa?"singgit ng lalaki.

"Hindi pa kami tapos mag-usap ng babaeng ito,"tiim-bagang na sagot ng nobya ni Kevin.

Tinaasan niya ito ng kilay. "It is rather pointless to speak to someone like you. Walang rason para sayangin ko ang aking oras." Binalingan niya ang lalaki. "Ikaw naman subukan mong disiplinahin ang bunganga ng eskandalosa mong nobya dahil nakakahiya,"aniya at saka tinalikuran ang dalawa. She was furious.