webnovel

Isla Grande Series#01: I Was Once Like You

I am not fashionable in terms of outfits. I don’t have expensive and branded shirts. I admit that most of the time I’m not presentable to look for them. I’m just poor and I’m proud of being simple. But no matter how comfortable you are, you will get affected once you’ve been hit. Vhanne Lhourense is just a nobody for everybody. To the students, she is just a trash in their school. A nerdy girl who don't have a family. A nerd girl who strive hard to survive everyday. A nerd girl who only want to have a peaceful life that was never been given to her. Then, she meet Reevan Skyler Svalbard, one of the famous and heartthrob in Sierra Leona University, a school where she’s studying as a scholar. Are their life connected in the past? Are their hearts willing to take what’s on the past? ---- Also available in Wattpad GorgeousYooo

LeVineDiaz · Teen
Not enough ratings
7 Chs

Kabanata 07

Kabanata 07

Physically and Emotionally hurt

Napaka-ingay ng cafeteria kahit nasa entrance palang kami ni Amyna. Nakaka-ilang pumasok dahil ang daming estudyanteng kumakain. Tapos puro pa mayayaman. Na-a-out of place kaming dalawa ni Amyna.

Pero mas okay pa tong si Amyna eh, kasi mamahalin naman ang damit at ibang gamit nito kahit nerd.

E ako? Jansport nga ang backpack, pero yung tag 250 lang naman. Adidas nga ang sapatos, imitation lang naman. Dagdagan mo pa ng plain white long sleeves na pinarisan ng lumang jeans na nabili ko sa kanto. Edi total nerd talaga ako.

Di naman sa dina-down ko ang sarili ko. I'm just stating the fact that could not hurt me. I don't force them to accept me here, but I just want them to not notice that I am here.

"Ganito pala ka daming kumakain dito pag tanghali?" pabulong kong tanong kay Amyna habang nakapila kami.

Tapos ang dami pang tumitingin sa amin na parang nandidiri. Tss! Kung di nalang kasi sana kayo tumingin diba?

"Eww! Wag ka ngang dumikit sa akin nerd!" nagulat ako dahil sa maarting sigaw sa akin ng babaeng may I.d sa Business Ad. Napatingin tuloy sa gawi namin yung ibang nakapila rin tsaka ang mga kumakain na malapit sa pwesto namin.

Kala mo naman gusto kong dumikit sa kanya! Eh siya tong umatras bigla-bigla tapos ako ang sisisihin. Tapos kung makasigaw naman parang nasa kabilang ibayo 'yong kausap! Tss.

I bowed down my head at di nalang ito pinansin dahil baka mapagtripan pa kami dito.

"Kala mo naman gusto kong madikit sa kanya ! Tsk!" pabulong ko ulit na saad sa sarili. Siniko naman ako ni Amyna tsaka pinandilatan ng mata. He he he!

"Italian spaghetti, rice, fried chicken, beef steak, and pork steak, please. Tapos dalawang coke in can na rin po," rinig kong order ni Amyna. Napatingin naman ako rito sa pagtataka dahil sa dami ng in-order nito.

"Di ka ba kumain ng dalawang araw, Myna?" I curiously asked her kaya kinurot ako nito na ikinangiwi ko.

"Tumahimik ka nga diyan, sayo yong iba! Wag kang ano diyan." Pinanlakihan ako ng mata ni Amyna tsaka binayaran na rin ang pagkain.

Ako na ang nag dala ng softdrinks at spaghetti, tsaka dahan-dahang sumunod kay Amyna. Pero pagtalikod ko ay natapon ang dala ko sa isang babae. Hindi ko iyon sinasadya!

Narinig ko agad ang pagsinghap ng mga estudyanteng nakakakita. Tapos nagbulong-bulongan agad ang mga ito. Tinawag akong tanga, loser, nerd, stupid at marami pang masasakit na salita ang tinawag sa akin.

Sa sobrang taranta ko ay mabilis kong pinagpag ang spaghetti sauce na dumikit sa damit nito. Mas lalo tuloy kumalat ang mantsa! Hindi ko na kailangan tanongin kong gaano ba iyon kamahal, dahil sa hitsura pa lang ay parang pang isang linggo ko nang pagkain ang presyo no'n.

"P-Pasensya na. D-Diko sinasadya. Pasensya na talaga."

Dumadagundong ang dibdib ko sa kaba. Takot akong mag-angat nang tingin. Nanatili lang akong nakatungo. Sobrang tahimik ng paligid. Wala ni isang nagsalita kaya dahan-dahan kong inangat ang ulo ko.

Isang malakas na sampal ang sumalubong sa mukha ko galing kay Maddisson. Sa sobrang lakas nang pagkaka-sampal nito sa akin ay napabaling sa kaliwa ang mukha ko. Si Maddi pala ang nabunggo ko.

"You stupid nerd! Do you think malilinis ng sorry mo ang nadumihang damit ko? Ha?!" sigaw nito na halos ikina-nginig ko. Dinuro-duro pa ako nito.

Nakatungo lang ako habang hawak-hawak ko ang kanang pisngi. Naiiyak na ako dahil sobrang sakit ng pisngi ko. Para itong namamanhid.

"You're so stupid! Do you know how much is this? Huh? Kulang pa ang buhay mo pambayad sa damit ko! My dress is much much more expensive than your life! Nakapa stupid mo! Tatanga-tanga ka kasi! Ba't ka nakapasok dito sa SLU, eh tanga ka naman!" patuloy na pang-iinsulto nito sa akin.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Pagtingin ko si Amyna pala. Naaawa itong nakatingin sa akin. Di ko na namalayang umiyak na pala ako dahil sa sakit na naramdaman. Physically and emotionally hurt.

"I'm so fucked up! Stupid!" nangangalaiting sigaw ulit ni Maddison na ikina-igtad ko.

Di ako nagsasalita. Ang mga estudyante sa paligid ay nanuod lang sa amin. Wala man lang nagbalak tumulong. Sino nga ba ako para tulongan diba? Ang iba nga ay natatawa pa dahil sa nangyari.

Hinila ako ni Amyna para sana umalis nalang pero napatigil ako dahil sa isang iglap, I looked like a trash now. Agad na nagtawanan ng malakas ang mga estudyante sa paligid. May iba pang panay ang pandidiri sa akin. Ang lakas-lakas nang tawa ng mga ito habang tinitingnan kaming dalawa ni Amyna.

"There! That's better. Next time, wag kang tatanga-tanga. Kung ayaw mong sa basurahan na kita mismo ilagay. Wag mo kasi akong binabangga. Matuto kang lumugar. At sa itsura niyong dalawa, wala kayong lugar dito sa cafeteria!" nakaka-insultong ngisi ni Maddison, pero ang galit nito sa mga mata ay nandoon pa rin.

Binuhosan kaming dalawa ni Amyna ng softdrinks na hawak ko kanina. Tapos may ulam pa na tinapon sa akin at kung ano-ano pa, kaya nagmukha nga akong basura.

Di matigil-tigil ang pag-iyak ko dahil pati ang kaibigan ko ay nadamay pa sa katangahan ko. Umalis na rin kami sa cafeteria pagka-alis ng grupo ni Maddisson kanina.

"Pasensya kana talaga Myna, pati ikaw nadamay pa sa katangahan ko." Nakapag bihis at nakaligo na kami.

Buti nalang at may extrang damit ako sa locker, gano'n rin si Amyna. Di na nga kami nakapasok sa isang subject dahil sa nangyari. Dito nalang kami dumiritso sa clinic para makahingi ng icepack para sa pisngi kong namamaga.

"Ako nga dapat ang magsorry eh. Kung di tayo pumuntang cafeteria kanina, di natin mabubungo ang grupo ni Maddisson. Pasensya na." Idinadampi ni Amyna ang ice pack sa pisngi ko. Grabe ang sakit talaga ng sampal ni Maddi kanina. Akala ko nga matatanggalan ako ng ngipin sa sobrang lakas no'n.

"Ano ka ba. Kung hindi tayo pupunta don, wala kang kakainin. Kaya okay lang 'yon." I smiled at Amyna pero ngumuso ito.

"Sobrang sakit pa ba nito?" turo nito sa pisngi ko. Napangiwi ako dahil sinusundot pa nito ang pisngi ako.

"Tingin mo, di na kaya ako pagtitripan nina Maddi? Siguro naman bawing-bawi na siya diba?" nakangiwing tanong ko.

"Wag ka nalang magpakita d'on. Umiwas ka nalang. Kasi sigurado akong di tayo tatantanan no'n," tumango nalang ako sa sinabi ni Amyna, dahil alam kong 'yon talaga ang mangyayari.

Sa dalawang buwang pagpasok ko sa paaralan na 'to. Nakikita ko na ang grupo ni Maddi na nambubully sa mga estudyante dito. Kahit mga mayayaman din, binubully niya. Kaya di na nakakapagtaka na di ako nito pinalagpas. That's her hobby and it makes her happy.

Aminado naman akong kasalanan ko yong nangyari eh. Pero di ko naman sinasadya 'yon, tsaka humingi na rin naman ako ng tawad at nakabawi na siya. Kailangan ko nalang gawin ay pagpasensyahan ito. At lalong-lalo na ay ang iwasang magtagpo ang landas namin ni Maddi. Mahirap na, ayaw ko pa naman nang gulo.

---