webnovel

CHAPTER 1: MingDe University

CEDRIC'S P.O.V

Ringgg..... Ringggg.... Ringggg....

Tawag galing kay Sunshine aalis na kasi kami papuntang Concert at itong si Sunshine excited na!

"Hello?" Tanong ko

"Tara na!" Sunduin mo na ko" excited na sabi nya

Pumunta nako sa kanila para sunduin sya at pupunta pa kami sa park para manood

Pagdating konsa kanila nakita ko nalang syang nakatayo sa harap nila, Hindi sya mukhang excited HAHAHA,

"Tara Angkas na!" Sabi ko sa kanyan ( nakamotor lang po kami di po namin afford mag kotse HAHAHHA)

Kinuha na nya ang helmet at umangkas na sya

Pagdating namin sa park ay wala pang masyadong tao kaya naupo muna kami at nung maguumpisa na ang concert di naman halata na excited si Sunshine kase halos igalayod na nyako papunta doon.

At yun nga nag umpisa na.

Ang saya ng concert sinabayan pa ng magandang araw, yun ngalang hindi kami nakapagpapicture sa kanila eh pano ba naman andaming nagsisiksikan sa kanila

"Bes Ceds" sabi ni Sunshine at mukang may kailangan

"Ano yon?" Tanong ko

"Tara papicture tayo!" sabi nya

"Haysss andami nila ohh" sabi ko

"Kahit na!" Sagot nya

"Sunshine alam mo ba sa pagpapapicture natin sa kanila ay nakapagpahinga na sila at isa pa meron pa namang next time sa dami ng mga humahabol sa kanila bat sasabayan mopa, kung hinayaan nlang natin silang magpahinga edi mas natulungan natin sila, diba"

"Luhh tara na nga dami mopang sinasabi" sabi ni Sunshine

Habang pauwi kaming dalawa ni Sunshine may humabol samin!

Sobrang takot namin, akala namin makakagat na kami ng aso napatulin tuluy pagmamaneho ko at ng nakalagpas na kami sa madilim na pangyayaring yon naalala ni Sunshine na sa makalawa na pala ang pasok namin sa MingDe.

Nahatid kona si Sunshine sa kanila at nakauwi narin ako saamin, paguwi ko ay nakahanda na ang pagkain at kakain na kami, habang kumakain kami napagkwentuhan namin ang Pagpasok ko sa University

"Nak diba malayo yung MingDe?" Tanong ni mama

"Opo ma" sagot ko

"Nak, mag dorm ka nalang kaya isama mo narin si Sunshine para mas makakatipid kayo" Sabi ni tatay

"Opo sasabihin kopo sa kanya"

Pagkatapos naming kumain pumasok nako sa kwarto at nagcall ako kay Sunshine

"Hello Sunshine?"

"Napano ka Ceds?" Tanong nya

"Magdodorm ba tayo?" Tanong ko

"Oo naman! At para makatipid magsama nalang tayo sa iisang dorm" sabi nya

"Pareho lang kayo ng sinabi ni tatay" biro ko

"Teka bukas na alis natin para makahanap tayo ng dorm na mauupahan"sabi nga

"Sige sige sasabihin ko nalang kala mama" sabi ko,

Pumunta ako kala mama para sabihin yun

"Ma, magdodorm daw po kami" sabi ko

"O maganda yan makakatipid kayo" sabi ni mama

"Bukas napo yung alis namin ni Sunshine para makahanap daw po kami ng dorm"sabi ko

"Ahhh ganon ba, Sige anak tulog kana para makapagpahinga ka" sabi ni mama

"Sige po ma"

Pumasok nako sa kwarto para matulog at magbabyahe kami bukas,

Sa pagtulog ko may napanaginipan ako. Gumising daw ako na may kasamang lalaki at nasa bahay nya ako, kilala ko daw itong lalaking to parang anggaan ng loob ko sakanya ngunit di ko maaninag ang mukaha nya.

"Alam mo Cedric... " sabi nya at naputol bigla ang aking panaginip ng tumunog ang alarm ko

7:30 AM

Bumangon nako at lumabas para makakain na, pagkatapis kong kumain ay naligo nako at aalis na kami,

Pagkatapos kong maligo ay nagcall si Sunshine sakin,

" Hello, Ceds tara na!" sabi nya

"Wait lang di kopa ayos mga gamit ko" sagot ko

"Ayusin mona bilisan mo" nagmamadaling sagot nya

"oo ba yan na magaayos na"

Inayos ko ang mga gamit ko at ng paalis na ako sa bahay ay nagpaalam ako kay mama at papa

"Ma, Pa, aalis napo ako"

"Magiingat ka anak ha" sabi ni papa

"Mamimiss ka namin, iingatan mo ang sarili mo doon ha" sabi ni mama

"opo Ma, Pa"

Mahirap man sa loob kong iwan sila ngunit kailangan kong gawin to para matupad ang mga pangarap ko at ng saganon ay makaangat kami sa buhay.

Umalis man ako kahit lalaki ako ay tumulu ang aking luha sabay punas ko rito baka makita ni Sunshine at pagtitripan na naman ako.

Pagdating namin sa dorm ay nakaready na ang room namin na may dalawang kama, TV, Dalawang Desk, at May balcony, sakto lang ang laki, di malaki, pero di rin maliit, sakto lang para sa dalawang tao,

Room no. 404

"Ceds tara kain tayo sa labas" sabi ni Sunshine

Syempre di naman ako sasama kung di libre to "Libre mo?" Tanong ko

"Oo sige, alam ko namang libre lang kinabubuhay mo HAHAHAHA" Sabi nya sakin

Lumabas kami para kumain at nagkwentuhan kami tungkol sa magihing buhay namin ngayon.

"Excited nakong pumasok"sabi ni sunshine

"Ilang beses monang inulit yan shine" biro ko

"Ayy ganon ba? Sorry naman.... pero excited na talag ako" sabi nya

"Nagsorry nga inulit naman" sabi ko sa kanya

Sa sobrang excited ni Sunshine halos yun nalang nasa bibig nya maghapon

Oo nga pala, HRM ang kinuhang kurso ni Sunshine habang MMA (Multi Media Arts) naman ang kinuha ko. Ang layo ng kurso nya sa kurso ko, wala kaming parehas na subject, kaya lalo pakong kinabahan kase wala akong makakasama don.

______________________________________

FIRST DAY OF SCHOOL

*Tumunog ang alarm at nagising ako

Pagkagising ko bigla kong nakita si Sunshine aba nakaready na sya nakabihis at kumakain na habang ako kagigising palang,

"Sunshine! Di ka naman pala excited ehh" biro ko sakanya

"Hala alas 6 na kaya" sabi nga

"Luhh 8 panaman pasok naten ehh" sabi ko na medyo natatawa pa

"Check mo na yung Email mo baka andon na schedule mo" sabi nya

Chineck ko email ko at nakuha kona ang schedule ko.

Bumangon nako at nagayos para makapasok na

*Tapos nakong Mag ayos

Nag aya na si Sunshine "Tara na Ceds!"

"Tara na"

Habang papunta kami sa University andaming nagsasabi na dito daw magaaaral ang 5 Black Flowers o mas kilala sa tawag na BF5 hindi ko naman sila kilala at wala akong pake sa kanila, sabi nila gwapo daw eh mas gwapo pako sa mga yun!

Pagdating namin sa school parang wala naman akong nakitang kakaiba at sa wakas nakaapak narin kami ni Sunshine na isang Estudyante sa MingDe University

Ang ganda ng School na High class pa sa High Class, tapos yung mga Locker nila ang Cool magkahiwalay ang lalagyan ng sapatos Libro at damit tapos napaka linis pa, wala kang mapipintas sa school nato pwera nalang sa mga babaeng nagmamaganda HAHAHA

"Ceds, ang ganda dito noo" sabi ni Sunshine

"Oo nga" Pag sangayon ko

"Ano nga pala 1st class mo?" tanong ni Sunshine

"Arts" sagot ko

"ahh sige una nako may class pa kami" sabi nya

"Teka, alam mo ba room mo?" tanong ko

"Ahhh ehhh, magtatanong nalang ako" sabi nya

"Sige kitakits nalang" Sabi ko

Hindi ko alam kung saan ako papasok kaya naghahanap ako ng matatanungan at may nakita akong campus map

Kailangan kong mahanap ang room ko bago pako malate, tinignan ko ang oras sa phone ko

"Hala, 2 Minutes nalangg!" may 2 minutes nalang ako para mahanap ang room ko ehh ang laki laki ng MingDe at yun nahanap kona kaso napakalayo pa nito kaya tumakbo ako para di malate,

Sa pagtakbo ko may nakabangga akong lalaki at dahil wala na akong time di ko nalang sya pinansin di ko rin naman sya nakilala ehh,

At yes sakto ang time ko!

Nakaabot ako sa First Class ko ng Hindi ako late

At dumating narin ang Professor namin,

Ang ganda ng Room nato napakalaki at may kanya kanya kaming Tools para sa Arts

Chapter 1: MingDe University Ends

______________________________________