1 kinse

Si Diwata ay napakasimpleng babae. Pangalawa sa kanilang tatlong magkakapatid.Nangarap na isang araw ay makatagpo ng "Prince Charming". Nangako siya sa kanyang sarili na kung magmamahal siya ay dun sa taong mamahalin siya ng buong-buo.

High school palang si Diwata. Dahil sa angking kagandahan sa panlabas at panloob. Biniyayaan din siya ng katalinuhan. Oustanding student din siya. Pinapasabak sa beauty contest ngunit siya ay mahiyain.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, magsusummer na. Isang misteryosong lalake ang umamin sa kaniya. Habang naglalakad sila hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang binata. Ani nito, "Diwata gusto kita, I Love You.Sa pagkagulat ni Diwata napabilis ito ng lakad at iniwan ang binata. Hindi siya agad naniniwala dahil panay tukso lang sa kanya ang kanilang mga kaklase kasi crush na noon pa ni Eli (binata) si Diwata. Magkaklase sila mula elementarya ngunit ni minsan hindi naging malapit ang dalawa. Si Eli ay katulad lang din ni Diwata. Gwapo, matalino, relihiyoso pero misteryoso. Siya ang top 1 ng klase.

(kinabihan sa bahay nila Diwata)

Nagmuni-muni ang dalaga. Hindi niya alam kung seryoso ba si Eli. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Sa mga nagdaang araw medyo umiwas ang dalaga. Hindi niya pinansin ang sinabi ni Eli. Hanggang sa niloloko si Eli kay Nica- maganda, maputi at matalino (top 2). Naging malapit ang dalawa dahil silang ang nagsilbing lider saming klase. Pareho silang magaling sa Math.Madami silang pagkakatulad. Ngunit binalewala lang ni Diwata ang lahat. Dahil bago paman umamin ang si Eli, pinayagan nang manligaw ni diwata si Clinton-graduting students na siya. Relihiyo din kaso medyo malambot. Isang buwan na nanligaw si Clinton kay Diwata bago niya ito sinagot. Dahil first boyfriend ito ni diwata. Full time siya dito. Hindi pa alam ng parents niya. Ang akala niya magtatagal sila kaso biglang nagbago si Clinton. Ang dating araw-araw at gabi-gabi siyang nagtext bihira nalang.Minsan pa nga ilang araw bago magparamdam. Hindi naman sila nag-aaway kaso biglang nagiba ang ihip ng hangin. Hanggang sa sinabi ni Clinton na kukuha daw siya ng seminary sa susunod na pasukan. Napaiyak nalang si Diwata, bakit mopa aoo niligawan kung magpapari ka pala"? tanong nito. Dahil sa kabutihan ng dalaga pumayag ito. Bumuhos ang kanyang luha dahil mahal na mahal niya ang kanyang boyfriend ngunit wala siyang magawa kundi pakawalan ito. Hanggang sa napahalakhak si Clinton. Niloloko niya lang pala ang kanyang gf. Gusto niya lang malaman kung gaano niya ito kamahal. Hindi naman pala siya magpapari dahil hindi rin sang-ayon ang magulang niya.

F-A-S-T F-O-R-W-A-R-D

Ilang buwan ang nakalipas. Hindi nagpaparamdam si Clinton. Lagi paring nagpapaload si Diwata para matext niya ito kahit walang reply sa kanya. Inaupdate niya lagi ang kanyang bf kung ano ang kanyang ginagawa ngunit wala parin itong paramdam.

August nalang nung magparamdam ang lalaki." Sorry hindi kita tinext sobrang busy lang ako sa school", wika nito. "Busy ka? Yun lang ang rason para hindi ka magparamdam ng ilan buwan? reply ni Diwata. Lagi kitang tinetext pero ni isang reply wala akong natanggap galing sayo. Pasensya na ayoko na. Tama na.

Sinusuyo parin ni Clinton si Diwata ngunit hindi ma muli nito nabawi ang matamis na Oo ni Diwata. Yun amg first heartbreak na naranasan ni Diwata sa Highschool niya.

avataravatar
Next chapter