1 Ibulong mo

Tanda mo pa ba kung paano tayo nagsimula?

Tanda mo pa ba ang mga unang kataga?

Mga sinambit mo noong gusto mo kong mapa "oo" ?

Mga planong sabay nating binuo?

Kumusta na lahat ng pangako mo sakin?

Mga planong bubuuin sana natin?

Na ngayon naglaho na

Sapagkat lumisan ka.

Sabi mo mahal mo ako,

kaso di ka pa tapos magmahal ng iba,

Kaya heto ako, iniwan mo,

Bumalik ka sa kanya.

Masaya ka ba?

Sumaya ka ba?

Napasaya ba kita?

Mas sasaya ka ba kung sa kanya ka?

Ako'y isa lamang panakip butas,

Sa pagmamahalang nyo na minsa'y kumupas,

Naging panawid uhaw mo sa mga gabing malamig,

Na init nya at lambing ang iyong himig.

Ako nama'y naging isang tanga,

Pumayag sa kondisyong akin ka,

Ako ang 'yong kasama sa tuwina,

Subalit ang hanap mo'y sya.

Kaya't hayaan mong mahalin kita mula sa malayo.

Hayaan mong damhin ko ang kirot hanggang sa maglaho.

Hanggang sa makalimutan ko ang mga alaala,

Ng kahapong may dalang hapdi at ligaya.

Pagka't di na hahayaang saktan ang sarili,

At umasang para sakin ang iyong mga ngiti

Pagka't ngayon alam ko na

Hindi ako ang tinitibok ng puso mo sinta.

Na dati sabi mo ako na,

Tayo na,

Pero ngayon wala ka na.

Naaalala mo pa ba kung paanong ayaw mo kong mawala?

Na tayo dapat sa huli

Subalit di ako ang iyong pinili.

Sana ganon lang kadali

Upang sa lakad pasulong di na mag atubili

Di na tumigil pa at ika'y lingunin

Pagka't sakit lamang ang dala

Ng mga "pangako" mong ngayon ay "patawad" na.

Kaya't tulungan mo ako,

Ibulong mo.

Isang hakbang pa,

Isang hakbang pa,

Malilimutan din kita.

avataravatar