1 EPISODE 0

Payak lamang ang pamumuhay nina Wang Yong at Wang Yang busog sila sa pangangaral ng magulang silang dalawa. Ngunit nagbago ang lahat nang mabuntis ng maaga si Wang Bi. Tumigil sa pagaaral si Wang Yang. At naglayas si Wang Yong pagbalik nito ay isa na itong ganap na Prosecutor at bitbit ang diploma sa ina. Nabalitaan lang nila nang mabalita na siya ay Topnotcher sa Board Exam. Bale 7 taon din nawala ito dahil sa pagaaral ng Law at ngayon bumalik na ito para ipakita ang tagumpay sa pamilya.

Simula nang mawala si Wang Yong naging impyerno ang buhay ng magasawa, may araw na uuwi si Wang Yang na bugbog sarado, may time na may kasamang babae(paiba-iba), may time na lasing. Tapos ang asawa nito ay wala namang pake ang inaatupag ay pagmamajong at inuman.

"Jusko, bakit nagkaganito ang buhay ko wala naman akong natatandaang inagrabiado ko o ginawaan ko ng masama, oh lord...tulungan mo akong malagpasan lahat ng bagay na ito alang-alang sa miske sa mga anak ko na lamang po. Ingatan nyo po sila. Amen!

Sa kabilang banda...

Si Wang Yong habang nagkakagulo ang pamilya nya'y siya naman ay gumawa ng paraan para makapagaral namasukang katulong sa bahay ng Judge. Dahil sa angking kagwapuhan ay marami sya doong naging tagahanga hanggang sa nadiscover sya as a model at nakaipon. Nang may magsabi sa kanyang iniinvite sya on stage ay tumatanggi sya. Dahil doon unti-unting tumigil ito sa pagmomodel at ang naipon ay ginamit sa pagaaral. Tumira siya sa isang apartment. At doon nya makikilala si Dalhae ang anak ng mayari ng bahay at sya ang tenant nito. Lagi ni Dalhaeng tinutukso si Wang Yong na "wala ka na bang damit at ayun ng ayum ang sinusuot mo?" ngunit tatawa-tawa lang nitong sinusundan ng tingin ang dalaga sabay iling nito at alis. Nang magtagpo sila sa school doon sila nagsimulang maging close dahil magkaklase sila sa Law at madalas maging magkagrupo. Hanggang unti-unting nahulog sila sa isa't isa ngunit wala man lanh maglakas loob na umamin hanggang ngayon madalas silang magsama sa hirap o saya(literal sa pangaraw-araw...pag walang baon ang isa tutulungan nung isa vice versa), sa mga kalokohan at katarantaduhan(pagkacutting classes, sabay rin napapagalitan) pero ang label "magbest friend!!!" Ngayon si Wang Yong isa nang Prosecutor samantalang si Dalhae ay tambay?

Bakit?

Kasi...~ikinuwento ang pangyayari.

That time na malapit na silang grumaduate dahil nga sa kakulangan sa pera di nito natapos ang 4th year dahil isa pa namatay ang ama nito habang break sa trabaho; dahil doon tumigil ito at instead na makatapos ay nag part time job ito kung saan-saan para sa pagaaral ni Chaeryung at para makatulong pampagamot ng bunso nilang kapatid na si Chaesang kakambal ni Chaeryung mongoloid.

After Graduation...bale 3 years din iyon kung bibilangin. Isang araw umuwi si Wang Yong sa pamilya nito na bagabang na puro maraming award sa leeg at nakalagay sa bag na malaki.

"Ma, Pa! ...may anak na po kayong Prosecutor!"

Makalipas ang 3 taon ito na ang naging tenant ng paupahan nila at sa wakas gagraduate ns rin si Chaeryung at si Chaesang naman ay nasapangangalaga ng Hananim's Orphanage kung sa Pilipinas Pag-ibig at Pagasa kung saan maaaring tumira o magaral ang mga may espesyal na kalagayan dahil na rin sa tulong ni Wang Yong naipasok ito ng libre at walang binabayaran.

Lumipas pa ang 3 taon at ito ay nagkaroon pa ng ibang paupahan sa Seoul naman although ito ay maliit lang maganda naman, mayroong 3 floor 1st floor ay lobby at 6 rooms mayroon ding aircon bukod pa ang tindahan doon sa baba sa undergound tapos sa Second floor 10 room may aircon din. At sa third floor naman ay Sauna. May rooftop tambayan.

avataravatar
Next chapter