1 Sumpa

"Lolaaa!" agad na bati ni Maxim sa kanyang Lola Tanyang na hindi niya nakita magmula ng apat na taong gulang palang siya. Dahil mahina na ang matanda hindi na niya nagawang bisitahin ang apo noon. "Happy Birthday!" bati ulit ng dalaga sabay mano at abot ng kanyang regalo.

"Salamat apo, oh tawagin mo na magulang mo. Sakto lang ang dating niyo luto na mga pagkain. Nandoon pa ang paborito mo" sambit ng matanda. Agad na nagtungo ang magkakapamilya sa dining hall, bumungad sa kanila ang simpleng handaan pero nandoon din ang kanilang iba pang mga kamag-anak.

"Oh, eto na pala si Maxim. Dalaga na at ang ganda pa"

"kamukha niya si nanay noong dalaga pa 'to"

"Paanong hindi magmamana sa lola eh puro naman babae ang ipinanganganak sa pamilya natin"

Napuno ng mga topiko, tawanan at kwento ang silid kainan.

Natapos na ang handaan, pumunta na sa kani-kanilang mga kwarto ang mga tiyo, tiya at pinsan ni Maxim. Isang tanong ang kanina niya pa hinahanapan ng sagot pero ni minsa'y hndi nasagot sa mga kwentong narinig niya kanina.

"Bakit ka pa gising apo, hindi ka pa ba dinadalaw ng antok?" tanong ng lola niya ng makita siya nito na nakaupo sa may terrace. Hindi naman na naiwasang itanong ni Maxim ang kanyang iniisip.

"Bakit puro babae po kami? Mula sa mga naging anak niyo hanggang sa aming magpipinsan." hinawakan siya ni Lola Tanyang sa kamay at tumitig sa mga mata ng apo. Hindi maipaliwanag ang naramdaman ni Maxim tila ba siya ay nakaramdam ng kaba na may halong saya.

"Kase noong kaedaran mo palang ako, isinumpa ako ng magulang ng lalaking pinakamamahal ko."

avataravatar
Next chapter