webnovel

Impossible (Completed)

(A Filipino Novel) Celia Beatrix Montemayor was just an ordinary girl until she met a stranger that changed her life. She fell inlove. She regrets the fall. This was the first time she have fallen inlove, and it was the wrong fall. A love that's impossible. (a/n: this is unedited and a bit weird, lmao. Read at your own risk.)

Cami_Ada · Fantasy
Not enough ratings
31 Chs

Tattoo

Nang makatulog na si Bea, muling inayos ni Dawn ang pwesto nito. Kinuha nya ang bag nya at nilagay sa lap nya, muli nya ding pinuwesto si Bea sa bag. Tulad nong ginawa nya kahapon.

Habang inip na inip, tinirintas nya na lang ang buhok ni Bea kahit di sya marunong. Habang nagtitirintas naalala nya yung nangyari din kahapon na nasubsob sya sa pisngi ni Bea, bukod don naalala nya din yung tinitignan nya kay Bea kahapon.

Yung itim na nasa likod ng tenga ni Bea.

Sayang lang at hindi nya ito makita ngayon dahil nasa kabilang side ng ulo yon ni Bea ngayon. Sayang din at hindi nya na-itanong kay Bea ito.

Nang magstop over na sila, ginising na niya si Bea para makakain ng lunch.

"Balik po kayo after 30 minutes!" Paalala nung conductor ng bus.

Pagkababa nila ay hinila ni Bea si Dawn papunta sa Jollibee. "Dun na lang tayo sa karinderya, mas mura don! Baka maubos kagad pera ko dyan eh." Reklamo ni Dawn.

"Eeh, dito naman tayo! Gusto ko ng fries."

"Naglilihi ka ba bhebhe qoh?"

"Gago, hindi! Gusto ko lang ng fries."

"Pano kung ayaw ko?" Nakangising tanong ni Dawn.

"Sasapakin kita." Banta ni Bea.

"Kaya nga doon na tayo pupunta! Tara na nga doon." Natawa na lang si Bea sa sagot nya.

Nang maka-order at kakain na sila, panay tingin lang si Dawn kay Bea habang kumakain. Ng mapansin ito ni Bea, na-ilang sya't napatanong. "Ano na namang problema mo?"

Hinawakan ni Dawn ang pisngi nya at iginilid ang ulo ni Bea, "Kanina ko pa gusto tanungin kung ano yang nasa tenga mo?"

Pinalo naman ni Bea ang kamay ni Dawn at tinago yung nasa tenga nya, "Wala yon, wag mo na lang pansinin."

"Eh? Gusto ko lang malaman kung ano yun."

"Wag mo na lang pansinin sabi."

"Mangungulit lang ako ng mangungulit, sabihin mo na nga kung anu yon."

Napa-iling na lang si Bea, "It's just a tattoo."

"Talaga!?" Na-amaze si Dawn. "Patingin nga!"

"Tch, ayoko."

"Hmp, edi wag."

Napa-irap silang parehas sa isa't isa.

"Pero bakit ka nagpa-tattoo?" Makulit na tanong ni Dawn.

Sinagot na lang ito ni Bea, "Wala lang, gusto ko lang magka-tattoo noon. Pina-tattoo ko to nong third year high school ako noon."

"Do you regret that tattoo?"

"Hindi naman. I kinda like it 'til now, pero bawal 'to sa school kaya tagong-tago yung tattoo ko."

Nangiti lang si Dawn, "May pagka-bad girl pala si Bea."

"Hindi ah!" Medyo napahiya naman si Bea.

"Alam mo may tattoo din ako! Pero hindi ko sya ginusto, hindi ako yung nagpatattoo eh. Si mama yung nagpatattoo nung akin."

Nacurious din si Bea sa kanya, "Weh? Patingin!"

"Ayoko nga." Binelatan lang sya ni Dawn.

Di na lang nila pinakita yung mga tattoo nila, hangga't hindi nakikita ni Dawn ang tattoo ni Bea hindi ipapakita ni Dawn yung kanya. Matapos nilang kumain ay bumalik na sila sa bus.

"Tanong lang Bea, malapit na ba tayo sa Benguet?"

"Hmm, mga apat na oras pa siguro."

Napangiti muli si Dawn, "Nays! Di na talaga ako makapaghintay."

"Hahaha, wag ka masyadong excited dyan. Di pa nga pala natin alam kung nasaan si Audrey sa Benguet."

"Huh? Tanungin mo na sya."

"Oo na teka lang, teka lang!" Tinext naman kagad ni Bea ang bestfriend nya. Agad naman itong nagreply at sinabing nasa Baguio sya, sa Greenfield Hotel.

"Nasa Baguio daw sya." Sabi ni Bea kay Dawn.

"I don't know where the hell that is, sana makarating na tayo doon kaagad!" Punong-puno na ng excitement si Dawn. Makikita nya na din sa wakas si Audrey.