webnovel

Impossible (Completed)

(A Filipino Novel) Celia Beatrix Montemayor was just an ordinary girl until she met a stranger that changed her life. She fell inlove. She regrets the fall. This was the first time she have fallen inlove, and it was the wrong fall. A love that's impossible. (a/n: this is unedited and a bit weird, lmao. Read at your own risk.)

Cami_Ada · Fantasy
Not enough ratings
31 Chs

Mabagal

"D-Dawn, anu ba! Ayoko nga sabi!" Sabi ni Bea ng mahila sya ni Dawn.

Napanguso ito sa kanya, "Pag ayaw mo hahalikan kita."

"Yuck, no way!"

"Edi sayaw na lang tayo!" At napilitan syang sumakay sa trip ni Dawn.

Gusto kitang isayaw ng mabagal,

Gusto kitang isayaw ng mabagal.

Hawak kamay, pikit mata,

Sumasabay sa musika

Di magawang makipagtinginan si Bea kay Dawn, titig na titig ito sa kanya. Feeling nya nga malulusaw na sya sa mga tingin nito eh. Hinawakan sya ni Dawn sa bewang at napahawak naman sya sa mga balikat nito.

"Ayiieee, kinikilig ako bhebhe."

"Baliw ka Dawn!"

"True, nababaliw ako sayo."

Gusto kitang isayaw ng mabagal,

Eto na ang kantang hinihintay natin,

Eto na ang pagkakataon na sabihin sa iyo

Ang nararamdaman ng puso ko

Matagal ko ng gustong sabihin ito

Pa-sway-sway lang silang dalawa kagaya nung iba, natutuwa naman si Dawn sa pakikisama ni Bea.

"Ambait mo ata ngayon masyado bhebhe qoh."

"Bakit? Gusto mo ba yung sinasapak kita?"

"Ah sige lang, magpakabait ka lang dyan."

Napa-iling lang si Bea at sinubsob ang mukha nya sa dibdib ni Dawn.

Gusto kitang isayaw ng mabagal

Gusto kitang isayaw ng mabagal

Hawak kamay, pikit mata,

Sumasabay sa musika

Parang kinabahan si Dawn sa ginawa ni Bea. Maybe dancing with her like this is a wrong idea, isip-isip ni Dawn. Parang natatakot syang marinig ni Bea ang mabilis na pagtibok ng puso nya, kaya bigla nyang hinawakan ang baba nito para iharap ang mukha ni Bea sa kanya.

"What the heck are you doing?"

"Masyado ka namang nasasarapang sumandal sa dibdib ko ah."

"Edi h'wag! Babalik na ko don---" aalis talaga sana si Bea dahil medyo napahiya sya sinabi ni Dawn.

"No!" Hinila sya ulit ni Dawn pabalik.

Gusto kitang isayaw ng mabagal

Ilalagay ang iyong kamay sa aking bewang

Isasabay sa tugtog ang ating katawan

At dahan-dahang dumidikit ating mga balat

Matagal ko ng gustong mangyari to

Medyo nashock silang dalawa sa ginawa ni Dawn. Kung anu-ano na naiisip ni Bea kay Dawn, kung anu-anong meaning na ang naiisip nya sa ginawa ni Dawn. Pero inisip nya na baka sa alak lang ito.

Si Dawn naman parang ayaw nya muna umalis si Bea, gusto nyang sumayaw sila hanggang sa matapos ang tugtog. At parang ayaw nyang matapos kagad ang chance na nakasayaw nya si Bea.

"Bea..." himala, hindi nya tinawag na 'ate' si Bea.

Gusto kitang isayaw ng mabagal

Gusto kitang isayaw ng mabagal

Hawak kamay, pikit mata,

Sumasabay sa musika.

"A-Ano 'yon?" Tanong ni Bea.

"We just met Yesterday, right?"

"Uh, yeah."

"Yesterday feels like a long time ago. Do you feel the same?"

"Mm, yes. Yeah, it does."

"It also feels like i've met you before, tapos parang matagal na tayong magkakilala."

Napangiti si Bea, "Oo, ako din. Maybe we were also friends from our past lives?"

"Maybe." Sagot ni Dawn, at napangiti din.

Gusto kitang isayaw ng mabagal

Pag natapos na ang ating kanta

At wala na ang musika

"Bea?"

"Ano nanaman yon Dawn?"

"Can i know your whole name?"

"It's Celia Beatrix Montemayor. Ikaw? Ano nga yong whole name mo?"

"Ludwig Dawn Salazar."

"Oh."

Dawn chuckled, "Bakit?"

Kakantahan ka ng akapela sa iyong tenga

At nanamnamin natin ang pagsasama

Gusto kitang isayaw ng mabagal

Hawak kamay, pikit mata,

Sumasabay sa musika

Gusto kitang isayaw ng mabagal

Napa-iling lang si Bea at sinabi, "Naalala ko lang yung apelido ng boss ko, parehas kayong Salazar."

"Ah, okay." Pina-ikot naman sya ni Dawn ng matapos na ang tugtog.

Nang maghiwalay na sila ay nakaramdam ng lungkot si Dawn, it feels like it was wrong of letting her go. Uupo na sana si Bea sa pwesto nila kanina, pero nang lumingon sya kay Dawn ay natulala lang ito sa kanya't nanatiling nakatayo.

"D-Dawn? Okay ka lang dyan?"

"Uh y-yeah..."

"Tara na nga dito! Ubusin natin 'to." Kung makaaya si Bea, akala mo hard drinker.

Natawa na lang si Dawn like usual.