webnovel

Impossible (Completed)

(A Filipino Novel) Celia Beatrix Montemayor was just an ordinary girl until she met a stranger that changed her life. She fell inlove. She regrets the fall. This was the first time she have fallen inlove, and it was the wrong fall. A love that's impossible. (a/n: this is unedited and a bit weird, lmao. Read at your own risk.)

Cami_Ada · Fantasy
Not enough ratings
31 Chs

Goodbye

Nang matapos na ang date nila Bea, umuwi na sila sa apartment nila. Di maiwasang makaramdam ng lungkot ang dalawa. Ayaw ni Dawn, ganun din si Bea kaso sa ayaw at sa gusto nila ay babalik at babalik pa rin si Dawn sa panahon nya.

Pagkapasok nila sa apartment ni Bea, halos natahimik lang ang dalawa. Nagsalita naman si Dawn para mawala ang lungkot nila. "Ambilis noh? Parang kelan lang tayo nagkakilala tapos ngayon patay na patay ka na sa kagwapuhan ko." Natatawang sambit ni Dawn.

Pagkaharap nya kay Bea ay nakita nyang tahimik itong umiiyak. "B-Bea, wag ka namang ganyan. Stop crying..." pakiramdam naman ni Dawn ay maiiyak na din sya.

"Andaya lang Dawn," napahagulgol si Bea at pumunta sa sofa nya para maupo. "Sana pala, noong una palang... sana di ako nagkagusto sayo..."

Mas nasaktan si Dawn sa nasabi ni Bea. Pero hindi nya ito masisi, hindi nya din namang ine-expect na magkakagustuhan sila. Umupo na lang sya sa tabi ni Bea at napapunas sa mga luhang nakatakas sa mata nya.

"Ako din, akala mo ikaw lang naka-isip nyan?" Sabi nya.

Napatingin sa kanya si Bea.

"Ang daya talaga ng bwisit na tadhana."

"I agree, kung tao lang sya binugbog ko na sya."

"Tutulungan kita pag nangyari yun."

Natawa ang dalawa.

"Basta ang masasabi ko lang, sana makahanap ka ng..." parang di kaya ni Dawn ang susunod nyang sasabihin, kaya napahinga sya ng malalim bago ituloy ang sasabihin nya. "...sana makahanap ka ng lalaki na magpapasaya sayo, yung makakasama mo habang buhay."

Gusto sabihin ni Bea na sana sya na lang yun pero alam nya din na hindi sila pwede. Na imposible ang gusto nya.

"I just don't know how that would happen." Saad ni Bea.

"Darating din ang araw Bea, just not today, maybe someday." Napatingin na sya sa relo nya at nakita nya na halos ilang minuto na lang ang natitira.

Napatayo na sya at kinuha na ang mga bag nya. "D-Dawn.. aalis ka na?" Tanong ni Bea.

Kinuha ni Dawn ang box na binigay sa kanya ni Audrey at binigay nya na lang ito kay Bea. "Sayo na lang din yan, di ko naman maintindihan sulat ni mama dyan eh hehe." Aniya't natawa lang pero malungkot.

Kinuha ito ni Bea at itinabi, napatingin lang sya kay Dawn. Nang tumalikod si Dawn, napansin ni Bea ang isang itim na mantsa sa likod ng tenga nito. Napatingin sya dito ng maigi at napansing parehas pala sila ng tattoo.

Habang nakatalikod naman si Dawn ay di nya pa magawang lumakad paalis. Ayaw nya ng iwanan si Bea, gusto nyang makasama pa ito... pero sa ayaw at sa gusto nya ay ibabalik pa rin sya ng device sa kanyang relo sa panahong pinanggalingan nya.

Humarap na lang sya kay Bea at ginawa na ang matagal nyang gustong gawin. He quickly kissed her, after that he just hugged her. "Ayaw kong umalis Bea... gusto pa kitang makasama." Then he bursted into tears.

Napayakap sa kaniya si Bea at napa-iyak sa ginawa ni Dawn. "C-Can't you just stay?" She asked him, or more like begged. Ayaw nya na ding umalis si Dawn sa buhay nya.

"I'm sorry, but... can we stay like this until i go back?"

"...yeah..." napahigpit ang yakap ni Bea sa kanya.

They stayed like that for minutes, at sinulit na ni Dawn ang pagkakataon.

"I love you Bea... i love you..."

"Mahal din kita Dawn, mahal na mahal." Napahigpit ang yakap ni Dawn kay Bea.

Mayamaya ay binalot naman ng liwanag si Dawn. And there they knew it's the time for Dawn to leave. Unti-unting naglaho si Dawn sa mga braso ni Bea, at ang huling sinabi ni Dawn kay Bea...

"Paalam Bea, wag mo kong kakalimutan. At wag mo sana makalimutan na mahal na mahal kita."

Bea just cried 'til the last second while she was still holding him, then Dawn finally disappeared. He was gone for good.